Capítulo 1: Estranghero sa Haunted House

401 21 6
                                    

AZEEYAH

"Ang tumal mo naman! Kanta ka din." Sabi ng panira kong pinsan.

Maingay na pumapalakpak si Tita Yumi habang kumakanta sa Videoke ang asawa niya. Minsan lang sila umuwi dito sa probinsya at kapag nandidito sila ay sobrang natutuwa si Inang. Yung halos malaglag na yung pustiso niya. Nangyari na yun once kaya nakahanda ako kung sakaling mangyari ulit. Ako kasi ang pupulot.

"Mamaya na. Baka maexpose ako. Daming tao eh." Pero sa CR all out talaga ako kumanta. Yung lalabas na yung mga veins.

"Sus! Arte mo. Panget mong maging pinsan!"

"Easy! Kaya ka ginoghost eh." Ganti ko pagkatapos ay humalakhak nang may halong evilness.

Naiinis ako sa twing sinasabi niya yan. Kaya minsan napapasubo ako sa mga pinapagawa niya sakin eh.

71st birthday ni Inang ngayon at sobrang daming bisita. Sikat kasi si Inang sa kabilang bayan dahil sa paglalako ng isda at pagkanta sa mga may handaan tulad ng pyesta at birthdayhan. Kahit may edad na siya, singlakas niya parin yung kalabaw namin sa bukid.

"Ante Remedios, happy birthday!" Sabi ng bagong dating na bisita.

"Tara dito, mangan (kain) kayo. Pasok lang." Sagot ni Inang at iminuwestra ang mga kamay.

Lumapit ako kay Tita para sabihing uuwi muna ako samin pero itong tukmol kong pinsan ay humarang sakin.

"Dali na Zee! Minsan lang tayo magkita tapos ganyan ka pa. Kanta ka lang eh."

"Kung gusto mo, ikaw na lang! Magsawa ka sa kakakanta ng favorite mong song na Laklak." Sabi ko sa kanya bago siya lagpasan.

Bata palang kami, kinakanta niya na yan. 658 pa nga number niyan sa videoke eh. Dahil sa kanya, until now alam ko parin ang numero dahil ako lagi ang nagpipindot para sa kanya.

"Tiyang, punta muna akong bahay. Baka hinahanap na ako ni Ermats. Alam mo naman yun, mahal na mahal ako at ayaw ng nalalayo sakin." Sabi ko sa Tita kong kumakain na ngayon ng biko ni Inang.

"Huh? Mamaya ka na umalis. Yaan mo muna si Mama mo. Di naman iiyak yun kapag wala ka eh. At pwede ba, tigilan mo yang kati-Tiya mo sakin. Bwiset ako sa tawag na yan." Napaismid ako sa sinabi ni Tita.

Gusto ko sanang sabihin na may nakasingit na Biko sa ngipin niya pero wag na lang. Sarap na sarap siya eh. Baka ma-discourage.

"Mukha ka ng bangag, Tiyang. Ayoko na muna makita pagmumukha mo kaya alis muna ako." Rason ko.

Tinawag niya pa ako pero di na ako lumingon.

"Bonnie, yung Mama mo alagaan mo."

"Zee, maya ka na kasi umalis. Antumal mo naman oh. At pwede ba, si Mama lang pwede tumawag sakin ng Bonnie!"

Ewan ko ba pero lagi niyang binabanggit yung salitang tumal. Natatawa na lang ako. Di ko nga alam kung alam niya ba talaga ang meaning nun.

"Babalik naman ako. May aasikasuhin muna ako."

Totoo namang babalik ako, kaya lang mamayang gabi pa.

Ngayon kasi schedule ko sa pamimili ng gamit ko para sa pasukan.

Ano kaya ang buhay ng isang kolehiyala? Excited na ako. Hindi nga lang ako magdo-dorm. Napagdesisyunan na uuwi ako araw-araw. Dalawang bayan lang naman ang layo kaya di na ako kumontra kina Ermats. Baka ma-usog pa yun at di pa ako pag-aralin.

Inayos ko na ang sarili ko at lumarga na. Looban ang Brgy. Laoag kung saan ako nakatira, anim na kanto ang layo sa highway.

Kumaway ako sa daanan, way para magtawag ng tricycle.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon