Capítulo 12: Unexpected Deed

181 13 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil malusog ang eyebags ko, o maiinis dahil kahit ang power ng concealer ay di tumatalab para takpan 'to. Hapon na pero di parin kumakalma ang mga mata ko. Dinadalaw kasi ako kagabi ng scenario na naganap sa Restobar. 'Nak ng petchay. Eto na ba yung sa kantang Sleepless Child ng Michael Learns to Rock? Tama ba ako?

"I'll keep it then." Sabi niya habang hawak ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis.

Binawi ko yun sa kaniya. Ano bang pinuputakte nito? Mukhang mayaman pero walang pambili ng asin?

"Edi sayo na. Mas better kesa itapon mo diba?"

"Hindi rin ba kasama sa kwento mo na ang asin ay po at opo? You should be polite to me. Winawarningan lang din kita." Ngumiti siya.

Nangaasar ba 'to? Syempre alam ko yun. Higit sa aming dalawa, ako ang mas nakakaalam dun. Pinalaki ako ng magulang ko na dapat gumalang sa tsonggo. Hehe.

Lumapit siya nang bahagya sakin.

"Hindi mo rin ba alam? Masama sa babae ang ginagabi. You should go home instead of dating here at some questionable place." Seryosong saad niya.

Tingnan mo to. Two-faced. Kanina nangingiti tapos biglang parang tatay na nanenermon. Ngayon sigurado na akong pinuputakte utak neto.

"Eh bakit ika-" Di na natuloy ang pagresbak ko.

"I don't have any other meaning. It's just that it's not safe for a short girl like you. Ayokong malagay ka sa headline ng dyaryong babasahin ko bukas." Sabi niya saka binulsa ang asin at umalis na sa harap ko.

Naiinis ako kasi di ko man lang siya nasagot. Andami kong gustong sabihin talaga. Kwestyonable bang lugar yun? Siya nga nagdala din ng babae dun eh. Edi sana alam niya ring hindi proper yun. May time siyang i-scold ako pero walang time para punain ang sarili. Unti na lang mapapakalmot ko na siya kay pareng Wolverine.

Kagagaling ko lang mag-grocery para bukas sa lulutuing Salad. May naiisip na akong ideas para dun. Medyo di lang eyebags mataba sakin, pati brainy damay. Alagang-nips eh.

Alas-kwatro na rin. Naglista na ako ng ingredients ko para may copy ako kung sakaling may makalimutan na ilagay para iche-check na lang. Ayokong masira ang araw ko tomorrow. Last na laban na bukas ng mga nag-aattempt na maging cooking assistant para sa competition. Kakarerin ko na 'to.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nilock ko kasi yun para makapagconcentrate ako.

"Zee, nandyan ka ba?" Si Mads pala.

Lumapit ako at pinagbuksan siya.

"Bakit? You need something?"

"Wala. Tara badminton. Dumating sina Bonnie eh. Hinahanap ka din ni Tita Yumi." Umupo siya sa kama ko at may dalang apple. Nakuha siguro sa mesa namin.

"Pilitin mo muna ako."

Matapos ng mahabang pilitan kunyari ay sa wakas nakumbinsi rin ako. Dito kami sa bakuran nila Inang naglalaro. Malaki kasi space dito. Buti na lang makulimlim. Double kami. Kakampi ko si Mads, kay Bonnie naman si Maycee.

"Cee, dapat ikaw sa likod. Kaya ang tumal ng score natin eh." Sisi ni Bonnie sa kapatid ko.

"Are you tarantado? Ikaw kaya mas matangkad kaya ikaw sa back. Okay?" Hindi rin nagpatalo sa pagiging strikta si Cee.

"Madaya. Kampihan ulit. Matatalo ako dito kapag kakampi ko 'to. Napaka-arte. Nakakagigil eh."

Paano mananalo kung laging nagrereklamo?

"Wala. Tapusin na natin 'to. Palusot ka pang tukmol ka. Bagay kayo nung tukmol na kaibigan din ni Zee." Ani Mads.

"Eh? Sino dun? Si Ex?"

Tumango si Mads sa sinabi ko. Pag 'to narinig ni Ex, away nanaman. Rambulan to the max. Natatawa na lang ako. Ayoko na rin istress ang sarili.

Natapos ang unang game at kami ang nanalo. Naka set 2 lang kami. Di na nanalo sina Bonnie. Pa'no puro bibig ginagamit.

"Ang panget naman kasi ng kakampi ko. Ulitin natin!"

"Don't blame me dahil hindi ka competitive masyado 'no. Nakakairita ka! Ayaw din naman kitang kasama." Sabat ni Cee. Napapailing na lang ako sa kaartehan nila.

Linggo na at nag-aayos na ako ng gagamitin ko. Sa kitchen ng school kami gagawa. Live yun. Yung bento box kasi ay pinasa lang namin. So first time ko gagawa sa harap nila.

"Ah!" Naramdaman ko ang sakit sa palapulsuhan ko.

Magkakaaberya pa yata. Malamang dahil 'to sa pagba-badminton kahapon. Hayop naman talaga. Sinasabi ko na nga ba eh. Matagal-tagal na rin kasing walang badminton ang katawan ko. Dapat 'di na ako nakipaglaro. Patay ako neto.

Wala masyadong tao sa PRMSU dahil nga weekend. Wala tuloy akong katulong sa pagbubuhat dahil di ko kasama si Mads. Ang tanging kinatutuwa ko lang ay hindi ako naka-uniporme. Skinny jeans, polo blouse at sneakers ang suot ko which is super comfortable. Mga fresh fruits pa naman 'tong bitbit ko sa isang eco bag at iba pang ingredients sa isang eco bag na naman.

Pagpasok ko sa campus ay may biglang kumuha ng mga dala ko. Nilingon ko yun.

"Don't get the wrong idea. You're so slow. Baka ma-disqualified ka pa dahil pinaghihintay mo ang lahat." Mao-overwhelm na sana ako kay Otsonggo kung di lang siya nag-explain.

Ano pa nga bang inaasahan ko?

"Kung makapagsalita ka parang ako na lang ang hinihintay ah. Ako na lang ba ha?"

"Oo, ikaw na lang." Huminto siya at humarap sakin. "Sana alam mong ikaw na lang ang hinihintay sa kusina."

Pagpasok namin ay nakita kong nakapwesto na ang anim na participants. Ako na lang nga yata ang wala.

"Pasensya na po. Sorry po late. Sorry." Yumukod pa ako ng kunti habang sinasabi yun. Nakakahiya. Feeling artista ang ganap ko. Mukha tuloy akong paimportante.

Nilapag ni Otso ang gamit ko sa countertop. Sa pagpi-pwestuhan ko.

"So since kumpleto na ang lahat, shall we start? This is the crucial part kasi ito na ang huling laban niyo and pagkatapos, magpa-practice na kasama ang magiging main cook para sa competition. Galingan niyong lahat. We will give you an hour kasama na dun ang pagpapalamig ng Salad niyo." Paliwanag ni Ate Mitra.

Sumenyas na siya na magsimula na ang lahat kaya naman ay nilabas ko na ang mga prutas at checklist ko. Ang balak ko kasi ay unahin munang hiwain ang mga yun.

Hinugasan ko ang lahat sabay nilapag sa chopping board. Naglabas ako ng chef knife para sa pagbalat ng pineapple.

Kumikirot parin talaga ang wrist ko. Inikot ko yun at sandaling minasahe.

"Anong problema?" Tanong ni Otso. Lumapit pa talaga.

"Wala. Medyo masakit lang. Pero kaya ko pa naman. Dun ka na." Baka isipin ng mga tao dito ay magkakilala kami. Alam ko na kasunod nun. Iisipin din nilang nandadaya ako kung sakaling manalo ako dito.

Pinilit ko paring magbalat ng pinya. Kaya lang walang pwersa ang kamay ko. Tinry kong gamitin ang kaliwang kamay. Yun na lang ang option ko.

"Aray!" Hindi ko nabalance ang hawak kong pinya kaya napuruhan ang hinlalaki ko. Hayop naman talaga, oo.

"Fudge! Azeeyah, it's bleeding." Hinawakan niya ang thumb ko. "Open your mouth. I said open your mouth!"

Umiling ako. Alam ko na yan eh. Ayokong tikman ang dugo ko 'no. Lasang kalawang kaya. Hihilahin ko na sana palayo ang kamay ko pero bigla niya yun dinala sa labi niya at sinipsip.

Napasinghap ang lahat sa di inaasahang ginawa niya. Nakita ko pa ang pag-nganga ng mga babaeng kasali.

"Hoy! Ano bang-! Wag nga!" Tinulak ko pa ang noo niya para pigilan siya. Wala na. Nahalikan niya na. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa magiging asawa ko? Kasi naman eh.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon