Capítulo 28: Motherly Talk

64 8 0
                                    

"Ate Zee, magbigay ka pa nga ng mga anyong tubig." Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Connor.

"Tubig ulan."

Napadpad lang naman ako sa bahay nila Mads. Wala lang. Ayaw ko lang mautusan ni Mama. Nag-aarrange nanaman kasi siya ng mga halaman. Eh parang kahapon lang niya yun inayos. Ambibigat pa naman ng mga paso nun. Ayokong magbuhat. Si Papa na lang.

"Hoy gagi ka, mali mali na tinuturo mo sa kapatid ko." Naglapag si Mads ng mansanas sa mesa at umupo sa tabi ng kapatid niya.

"Di naman sa ganon. It's just that, occupied lang ang brainy ko ngayon. Ayaw mag-function ng maayos."

"Anong hindi sa ganon?! Wala kang session ngayon? Aba pa-chill chill ka na lang ah. Baka matalo ka niyan. Wala akong pinsang talunan, ikaw lang."

"Baliw. Hindi kasi ako pinapunta ni Otsonggo ngayon. Sabi niya don't daw. Ang weird nga eh. Parang nung isang araw lang halos mamatay yun kapag wala ako sa tabi niya." Kinagatan ko ang apple na bigay niya. Nagpapacute sa harap ko eh. Kinain ko nga.

"Tigas din ng mukha mo no?"

"Totoo nga. Alam mo ba-"

"Hindi pa."

"Ah basta, kahapon, dumating Mama niya. Nakakatakot si Eight kahapon. Parang di sila in good terms ng Mama niya. Pero akala ko talaga wala na Mama niya. You know, tegi. Sabi kasi yun ng pinsan niya eh."

"Pake ko?" Kung di ko lang talaga to pinsan baka inuntog ko na to sa shield ni Captain America hanggang sa magdugo ulo nito.

"Tinatanong nga pala ni Ermats kung anong labas ng Hweteng kagabi. Di yata dumaan sa bahay yung nagpapa-hweteng eh."

"12/23." Akala ko hindi niya sasagutin. Sa akin walang pake pero ang labas sa hweteng alam na alam?

"Ayos ka din ah. Kapag numero usapan, tandang tanda mo kahit kahapon pa."

Nilagay niya ang hintuturo sa sentido niya. "Utak. Ginagamitan ng utak yan. Sa kaso mo, Math na lumalayo sayo." Oo na, ipaglandakan pang bobo ako sa Math. "Ikaw ba'y naghugas na ng mukha at nag-toothbrush bago pumunta dito? Baka ikalat mo pa yang bagong gising mong hininga sa pamamahay namin ha."

"Don't worry. Alam mo bang maganda ako kapag bagong gising? Di mo alam no? Ngayon narinig mo na. Ikaw? Kelan ka maganda?"

"Araw-araw at oras-oras. Di gaya mo na isang beses lang sa isang araw maganda."

Bwiset.

At dahil walang session ngayon, magsha-shopping ako! ! ! Hmm, bibili na ako ng gagamitin kong apron, dalawang beses ko na lang pala yun magagamit na kasama yung Otsong yun. Gusto ko na lang rin madagdagan ang apron ko sa bahay. Kukuha na rin pala ako ng pic ni Mario Maurer na naka-wrap sa sachet ng Head and Shoulders. Para tipid sa pagpapa-print ng pic ng first love ko. Hehe.

"Tara sa Iba, Mads. Shopping tayo. Liligo na ako ha?" Lumabas na agad ako. Malamang magdadahilan na naman yun kung di ko pagmamadaliin. Kesyo malamig daw ang tubig or patay ang bomba (poso/water pump).

"Lintek talaga, antagal mo naman mamili eh."

"Teka lang, anong mas pretty sa dalawa?" Pinwesto ko ang dalawang apron sa harap ko.

Sa totoo lang, wala pa naman sa thirty minutes ang pagsha-shop namin eh. Bugnutin lang talaga to sa pamimili. Tapos kapag namimili kami, ambilis pa mainis. Nakakatakot. Bukod kay Mama, si Mads ang kinatatakutan ko.

Nilibot ko pa ang mga pretty eyes ko. May cute na ternong pajama na nakasuot sa isang mannequin. Ang cute lang. Kulay Violet tapos de button.

"Ay, Maddie, gusto ko nun."

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon