Capítulo 17: In His Hands (Part 2)

149 13 3
                                    

"Let's make up, can we?"

Dumilat ako pagkatapos niyang sabihin yun. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa noo ko. Di naman ako nainform na medyo tumaas na pala ang mga pretty eyes ko. Hindi ba dapat, kapag nakikipag-ayos ka, sa mata ng tao ka dapat tumingin?

At anong sabi? Bati na daw kami?

"Are you dizzy?" Naisatinig ko na lang. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at inalis yun sa ulo ko.

"What?"

"Ang sabi ko, hilo ka ba? Tumama rin ba ulo mo sa poste? Baka wala ka pa sa wisyo kaya mo nasasabi yan ha?"

"I already said I'm sorry. Can you please stop sulking? Hindi ako marunong mag-alo ng bata."

"Oh oh nagagalit ka pa yata eh. You said you're sorry pero tingnan mo oh lumulukot noo mo. Baka labas sa ilong din yang sorry mo ha?" Bumuntong hininga nanaman siya. Parang nagpipigil. Nanggigigil na yata sakin to.

Baka pag tinanggap ko sorry neto, sumama ang tyan ko. Baka kasi di lang sa pagkain applicable yung pagbibigay nang may sama ng loob eh. Nag-iingat lang.

"I won't say the same thing three times. Pumasok ka na. Malate ka pa diyan." Tumalikod na siya at lumabas ng building.

Teka, bakit parang ako yung nareject dito? Dapat ako unang aalis ah. Ano ba yan baliktad. Epekto siguro ng tumamang ulo ko. Okay lang, Azeeyah. Sabi sa Bible, piliin mong magpatawad.

"Hoy, Mamoy napano ka? Para kang may sungay. Isa nga lang." Sabi ni Ex.

Natapos na't lahat ang klase ngayon niya lang napansin? Mas visible na yata ngayon. Ang sarap talaga sanang magpahangin dito sa pergola kaya lang mapang-asar tong isa.

"Uso to ngayon. Unicorn tawag dito."

"Pinasosyal mo pa. You looked Rhino kaya. Yung hayop sa Africa. Hahahahaha." Sige tawa pa. Isa na lang talaga tutusukin ko na ilong neto.

Ano kaya 'no? Magpost ako sa Facebook, 5k comments tusukin ko ilong ni Ex. Marami kayang susuporta?

"Balla (Baliw), nasa ilong sungay nun. Research ka muna ha? Wag puro nood ng Hentai kasi."

"Tengene naman, Azeeyah. Di pa ba tapos ang issue na yan? Huminto na nga ako sa panunuod nun eh."

Asar talo na naman siya.

"Ex, may kapatid ka bang babae?"

Wala lang. Gusto ko lang malaman. Para kasing ang galing niyang maghandle ng babae eh.

"Lalaki lang. Bakit?"

"Talaga? Baby pa?"

"Pwe! Anong baby dun? Umiinom na nga ng emperador yun."

Natawa ako. Kung makapagcomplain parang di pa nakakatikim ng alak to.

"Ayaw mo nun? Para sa matamis na tagumpay!" Iwinagayway ko ang kamay ko.

"Buti sana kung si Coco Martin ang kainuman niya. Baka matanggap ko pa."

Napailing na lang ako sa kaartehan niya. May sinasabi si Ex na hindi ko marinig. Ano na namang drama nito?

"Ano? Lakasan mo. Langgam lang makakarinig sayo."

Iminuwestra niya ang kamay na parang sinasabing lumapit ako. Nilagay ko ang siko ko sa mesa at nilapit ang mukha.

"May tao sa likod mo." Bulong niya.

Nilingon ko yun at nakita si Otso. Ano nanaman kaya? Kotang-kota na ako sa feslak nito.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon