Capítulo 4: Attack of Zombie

248 18 3
                                    

"Anong kulay ng mga toothbrush niyo dito?" Tanong ni Papa habang kumakain ako. Magkakasama kasi ang mga toothbrush namin sa iisang lalagyan.

"Matagal ka na bang hindi nag-toothbrush kaya tinatanong mo yan?"

"Kaya nga tinatanong ko kasi baka yung iyo ang magamit ko."

Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi ni Papa. Baka totohanin niya talaga. Para kasing sa tono niya ay di niya na talaga alam ang itsura ng pansepilyo niya.

"Mama! Si Papa oh. Paano kayo nagki-kiss niyan?"

"Ewan ko diyan sa tatay mo. Muntik na nga ako mahimatay nung kiniss ako." Sagot ni Mama. LT talaga sila.

"Green yung akin. Kay Maycee yung Violet."

Naririnig ko na ang mga footsteps ng kapatid kong pinaglihi yata sa toro kaya laging nagmamaldita. Tanghali na di parin nakakaligo.

"Hoy! Señorita, late ka na!"

"Alam ko, Ate. I have my own watch. You don't need to remind me." Inirapan niya ako saka umupo at sinabayang kumain.

Ano ba naman tong bahay na ito. Ako na lang yata ang laging active.

Tumingin ako kay Papa at nakitang hanggang ngayon ay nasa harap parin ng lababo at nakatunganga.

"Pa! Galaw galaw, baka pumanaw."

Tumingin siya ng masama sakin. Patapos na kasi ako kumain, kailangan ko na magsepilyo. Sana makaramdam man lang siya. Baka iwan na ako ni Mads dahil sa sobrang tagal ko.

"Ubos na yung toothpaste eh. Bili ka nga muna, Cee."

"How much ba yun, Pa?"

"Otso yata. Dalian mo ah."

Natigilan ako sa pagkain. Naalala ko na naman ang sinabi ni Eight kahapon.

Don't play with the foods daw. Bakit? Di niya ba naranasang pahiran ng icing ng cake noong birthday niya? Kami nga nila Bonnie paramihan ng pahid eh. Tapos maghahabulan pa. Kung sino mas maraming icing, siya ang maghuhugas ng plato.

Buti sana kung sinasayang ko yung pagkain eh kaso di naman. Kakainin ko naman talaga pero humadlang siya. Sayawan ko kaya siya ng otso-otso habang nagluluto? Para naman sumaya ang buhay niya.

Tsaka, isa pang pinagtataka ko, paano niya nalamang HRM ako? Paniguradong marami na siyang napuntahang rooms at alam ko ring di niya yun matatandaan lahat ng estudyanteng nakita niya syempre. Take note, wala naman kami sa CTHM building.

"Pa, ako nga muna. Tagal mo."

Nag-toothbrush na ako at inayos ang unipormeng suot. Kakakuha lang namin nito kahapon sa patahian. Iniisip ko nga si Mads eh. Susuotin niya kaya yung pencil skirt niya? Baka biglang mag-denim pants yun na di naman bagay sa blouse namin. Choice naman namin kung magpa-palda or slacks. Eh ang kaso kay Mads, si Tita Kap ang bumili non, so ending, wala siyang choice. She can never go against her mama.

"Punta na ako, Ma. Cee, maligo ka na ah. Ala-syete na."

Di ko na sila hinintay sumagot dahil panigurado naiinis na si Mads kakahintay sakin.

Nakita ko siya sa tapat ng bahay nila. Maayos na naka-pony tail ang buhok at nakahalukipkip. May nakasukbit na gitara sa balikat. May raket nanaman yata to.

"Maddie! Sabi kong wag mo na ngangatngatin yang kuko mo eh."

"Animal ka. Antagal mo. Mauubusan na tayo ng Tricycle."

"You mean mauubusan ka na ng kukong ngangatngatin?"

May napara na siyang Tricycle at sumakay na kami.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon