Capítulo 5: Chaotic Encounter

216 13 0
                                    

To: Ermats

Ma, ano na ulit bibilhin ko bukod sa suka at toyo?

Buti na lang online si Mama. Napag-desisyunan na bento box ang unang mission namin kaya naman naggro-grocery na ako para dun. Nautusan na rin syempre ni Mama.

Malapit lang sa PRMSU ang Puregold. Isang sakay lang ng Jeep or Tricycle ay ayos na. Pero syempre,  dahil malapit lang naman talaga ay nag-lakad na lang ako. As in malapit lang talaga. Lalo na 'pag di maarte ang mga legs at paa.

From: Ermats

Sab q kac ilista mo

Nakaka-stress naman talaga. Hindi pa kasi ako diretsuhin. Edi tapos na sana at nagbabayad na ako sa counter. Mama naman oh.

To: Ermats

Ano nga po yun?

From: Ermats

Napkin

Di na ako nagreply kay Mama. Malamang ila-like zone niya lang ako. Tinulak ko na ang push cart ko at lumarga na.

Nakakapang-alala ang bento box na gagawin ko kasi isang beses palang ako nakatikim ng japanese cuisine. Yun yung namasyal kami sa Olongapo ng family ko at kumain sa isang japanese restaurant. Malamang yung magja-judge ng bento box ay expert na sa ganoong pagkain.

The day after tomorrow ipe-present. May isang araw na lang ako para aralin yun kundi ay mai-eliminate ako. Di ako makakapayag! Pagtatawanan ako panigurado ni Ex. Mataas ang pride ko pagdating sa ganto.

Uunahin ko muna ang pinapabili ni Mama bago yung akin. Baka makalimutan ko eh bubungangaan nanaman ako. Mala-bazooka pa naman yun.

"Alin ba dito? Those days or Charmee?"

Knowing Mama, ayaw niya ng mahal. Sa kanya ko yata namana ang kakuriputan ko. Kahit ang 25 centavos sa daanan ay pinupulot niya, eh di naman na uso ngayon yun.

Sa huli ay Those days na lang pinili ko. Mas mura yun. Inilapag ko na sa push cart at lumiko.

Paglingon ko, nakita ko si Otso sa stall ng mga Mouthwash.

"Pag minamalas nga naman." Di ko akalaing masasabi ko ang gasgas na linyang to.

Di ko na lang pinansin. Ayokong maapektuhan ang paggo-grocery ko. Baka maapektuhan din ang lulutuin ko sa bento box  at maging kasing pangit ng ugali niya ang lasa. Wag na lang talaga.

Sa section ng mga karne naman ako dumiretso. Kumuha ako ng isang buong chicken at ibinigay sa Kuyang nagra-wrap.

Habang hinihintay yun ay pinaglaruan ko muna ang mga yelo. Nakasanayan ko na twing pumupunta si Mama dito kasama ako. Di naman ako pinapagalitan eh.

"Ma'am, eto na po." Sabay abot sakin ng Kuya.

"Thank you po."

Nakabili na ako ng mga gulay at meat na sakto sa ni-research ko.

Iginala ko pa ang mga pretty eyes ko. Baka kasi may pwede pang idagdag sa recipe.

Natagpuan ng mga mata ko ang mga wine. Ang gaganda. Parang may mga sparks na nakapaligid dito kulang na lang ay parang nasa commercial na ako.

"Hala, ang sarap nito." Bata palang mahilig na ako dito. Nag-start yun noong binigyan kami ng balikbayan naming kapitbahay. Tapos ayun nag-inuman kami nila Inang at Mama.

Hindi ako lasinggera pero sa twing umuuwi si Tita Yumi at Bonnie sa Zambales ay lagi akong nanghihingi ng pasalubong na wine.

Last time na inuwi niya ay Boones Farm. Sobrang sarap lalo na at apple ang flavor nun. Favorite kong prutas.

Kumuha ako ng dalawang bote sa stall.

"Hala, gusto ko to."

Stella Rosa. I've read it before noong nagre-research ako about best wine.

Almost two thousand ang isa. Ano ba yan.

"Guess I'll leave you here mga babies. Hintayin niyo ako ah." Bumuntong-hininga ako.

Kinausap ko yun at niyakap. Hindi ko yun kayang bilhin. Siguro para sa isang mayaman isa lang yang street foods sa daan na limang piso lang. Mag-asawa na lang yata ako ng isang may-ari ng Hacienda? Para naman libre wine ako. Natawa ako sa naisip.

Ibabalik ko na yun nang may push cart na tumama sa pwetan ko. Nakita ko pa ang mala-slow motion na paglipad ng mga babies ko.

"Anak naman. Wag na mag-kulit please."

Di ko alam kung sinong nagsabi nun. Kung siya ba yung nakasagi sakin or what. Pero nakakapanlaki ng mga pretty eyes ko.

"Shockening."

Ang mga minamahal kong wine. Duguan. Naiiyak ako. Lumapit sakin ang isang lalaking sales clerk.

"Hala, Kuya, yung mga babies ko. Di ko sinasadya. Sorry talaga. Lilinisin ko na lang."

Natataranta na akong pinulot yun habang pinanghihinayangan ang umaagos na wine sa sahig. Sorry lablab ko. Napapasinghot na ako ng sipon. May dumampi pang kaunting wine sa daliri ko. Tikman ko na ba? Pagkakataon ko na 'to.

"Ma'am, ako na po. Tumayo na kayo."

Di ko na pinakinggan si kuyang clerk. Nagluluksa pa ako dito eh. Makaramdam ka, please.

"Tumayo ka. Stop doing that."

"Kuya teka lang naman."

"I said stand up!" Natigilan ako dun.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila patayo. Otsonggo.

"It might hurt you. Don't you know that hands are the most important for a chef? You must look after them. You should protect them."

"Hindi naman delikado eh. Sayang yung wine." Napayuko ako. Alam kong mali ako sa oras na to.

Lumapit yung kuya at hinawakan ang siko ko. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

"I'll take responsibility of her. You don't need to touch her. It would be better if you're working at the mess." Seryosong sabi ni Otsonggo sabay tanggal ng kamay ni kuyang clerk.

Bakit parang tunog buntis ako at siya yung naka-disgrasya sakin? Nakakatakot siya kapag ganito ang awra niya.

"Why are you still standing there? Sumunod ka sakin."

"Wait lang naman. Okay lang ba talaga na hindi ako tumulong?"

"Look. If you're worrying about the price na babayaran mo, I'll pay for it. Now please, kunin mo na ang mga binili mo and I'll accompany you sa counter."

"Oo nga pala. Sa sobrang panghihinayang ko, di ko na naalalang mahal pala ang nasira ko."

Pano to? Di ko nga yun kayang bilhin eh. Bayaran pa kaya? Ayokong magka-utang sa Otsonggo na to. Sabi nga ng Murphy's law, anything that can go wrong will go wrong. Baka mamaya ang singilin nito sakin ay ang kidney ko.

Kinuha niya ang push cart ko at tinulak yun. Di ko alam kung hindi siya galit or pinipilit niya lang na wag magalit sakin.

"So troublesome."

Narinig ko yun ah.

"Otsonggo ka naman." With matching dila sa kanya. Nakatalikod naman siya eh. Ayos lang naman siguro mang-asar ng isang savior.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon