SPECIAL CHAPTER

2.8K 54 2
                                    

"Good morning, Mommy, Daddy, here is your handsome and healthy baby boy," saad ng nurse na pumasok.

Maingat na inihiga ng nurse at pinaunan sa braso ko ang pangalawang anak namin ni Von.

Kasama ko rito sa hospital si Von, si Mama, at ang mommy ni Von. Madaling araw ako nag-labor at sa awa ng Diyos ay nakaraos ako at ligtas kong nailabas ang anak namin.

"He's so cute," komento ni Mama Isabelle.

"Napakagwapong bata ng apo natin, balae," dugtong naman ni Mama.

Tiningnan ko si Von na nasa tabi ko, pinagmamasdan niya ang baby boy namin na parang hindi pa rin makapaniwala na lalaki ang anak namin. Nang nagpa-ultrasound kasi ako ay hindi ko sa kanila pinaalam para surprise ang gender ng anak namin ni Von.

"Ang daya, ako ang nagdala sa sinapupunan ko nang siyam na buwan pero bakit halos sa'yo nakuha ang lahat? Kamukhang-kamukha mo!" pagrereklamo ko kay Von.

Napangiti si Von. "He's really my little version. Can I carry our son?"

"Oo naman."

Inalalayan ni Mama si Von sa pagbuhat ng anak namin.

"What name will we give to our son, honey?" tanong ni Von nang nasa bisig niya na ang anak namin.

"Van Luiz," nakangiting saad ko. "Para malapit lang sa mga pangalan natin."

"Hey, our little Van Luiz." Pinaglaruan ni Von ang maliliit na mga daliri sa kamay ng anak namin. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

Sunod na nagkarga kay Luiz ay ang dalawang lola niya.

Umupo si Von sa tabi ko habang sina Mama ay nakaupo sa mahabang upuan. Pinagmamasdan nila ang natutulog na si Luiz.

Inalalayan ako ni Von na makaupo. "Are you hungry?"

Umiling ako habang si Von ay hinahawi ang buhok ko.

"Pinag-breakfast na ako ni Mama kanina paggising ko. Ikaw ang hindi pa kumakain."

"I'm fine, hindi pa naman ako gutom."

"Basta mamaya, huwag mong kalimutang kumain."

Bumukas ang pintuan at pumasok ang mag-lolo.

Tumakbo agad si Isay papunta sa pwesto namin at umakyat sa hospital bed.

"Be careful, baby." Pinaupo ni Von si Isay sa hita niya.

"Mama, where's your big tummy po?"

"Maliit na ulit ang tummy ni Mama kasi lumabas na ang kapatid mo, anak."

"Talaga po, Mama?"

Mukhang hindi niya napansin ang mga lola niya na karga-karga na ang kanyang kapatid.

"Isay apo, here's your baby brother." Lumapit sa'min si Papa na karga-karga na si Luiz.

"Baby brother? He's a boy pala," nakangusong saad ni Isay.

"Yes, and you're already a big sister to your baby brother."

"But, Papa, I said that I want a baby sister! Gawa po ulit kayo ni Mama ng isa pang baby, then it should be a baby girl!"

Nagtawanan sina Mama at si Von ay nakangising tumingin sa'kin habang ako ay nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Isay.

"Hon, you heard that?" Si Von na mukhang ikinatuwa ang sinabi ni Isay.

"Jusko!" Napasapo ako sa noo. "Magtigil nga kayong mag-ama, kakapanganak ko pa lang. Pagpahingahin ninyo naman ako!"

Maya-maya lang ay natanggap na rin ni Isay na lalaki talaga ang kapatid niya. Kanina pa nga niya karga-karga, habang inaalalayan ni Von, at halos ayaw nang bitawan kung hindi ko pa sabihin na papadedeen ko muna ang kapatid niya. Dumating din sina Ate Sasha at ipinagmalaki pa ni Isay kay Yesha na may kapatid na siya kaya ayun si Yesha at nanghingi na rin ng kapatid sa mommy niya.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now