CHAPTER 6

3.8K 78 0
                                    

Pinilit kong kumalas sa halik pero masyadong malakas si Von. Matangkad siya kaya kahit nakaluhod siya sa harapan ko at ako naman ay nakaupo sa kama, halos magkapantay lang kami.

Sinimulan niyang igalaw ang mga labi niya sa labi ko at namalayan ko na lamang ang aking sarili na sumasabay na rin sa bawat paggalaw ng mga labi niya. Nanatiling nakahawak sa likod ng ulo ko ang kanang kamay niya habang ang kanyang kaliwang kamay ay naramdaman kong marahang humahaplos pababa sa leeg ko na nagbigay ng kakaibang kuryente sa aking katawan, mula sa leeg pababa sa braso hanggang umabot sa baywang ko at mariin siyang pumisil do'n bago ipasok ang kamay sa loob ng damit ko.

Ang mainit na halikan namin ay patuloy pa rin hanggang sa dahan-dahan niyang ibinaba ang halik sa leeg ko dahilan para mapahawak ako sa magkabila niyang balikat.

"Hmmm, V-von."

Kasabay ng halinghing na lumabas sa bibig ko ay ang pagtunog ng cellphone niya.

Kaya bigla ko siyang naitulak, narinig ko pa siyang mahinang napamura.

Tumayo si Von at kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. "I'll just answer this call."

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Kaagad akong tumayo at inayos ang nagusot na damit ko. Tumalikod ako sa kanya para balikan ang kaninang ginagawa kong paglalagay ng mga damit sa bag.

'Nakakahiya ka, Eliza. Ang rupok mo kasi!' tudyo ng isip ko.

"Liz," maya-maya lang ay tawag sa'kin ni Von pero hindi ko siya hinarap. "Hurry up! We need to go home, kanina pa raw umiiyak si Isay sabi ni Mom, hinahanap na tayo."

Doon na ako napaharap sa kanya.

"Tara na!" Binitbit ko ang bag na naglalaman ng mga damit namin ni Isay at nilampasan ko na siya.

"Let me carry that." Kinuha niya sa'kin ang bag at siya na ang nagdala.

Ni-lock ko ulit ang pinto pagkalabas namin. Patungo na kami sa kotse nang may tumawag sa'kin.

"Liz?" Si Nay Mila pala, landlady ng inuupuhan naming apartment.

"Po, Nay Mila? Magandang gabi po."

"Ikaw nga! Tiningnan ko lang dahil nakabukas ang ilaw. Baka kako nandito na kayo. Nakalabas na ba si Isay ng hospital?"

"Opo, Nay. Kanina lang pong hapon."

"Hay, salamat sa Panginoon at maayos na ang kalagayan ni Isay," saad ni Nay Mila bago dumako ang tingin niya sa kasama ko.

"Ah, Nay, si Von po, tatay ni Isay," sinagot ko na dahil alam ko naman na magtatanong lang ang matanda kung sino 'tong kasama ko. "Von, si Nay Mila, landlady ng apartment."

"Good evening po," magalang na bati ni Von kay Nay Mila.

"Magandang gabi rin, iho." Tiningnan niyang mabuti si Von. "Kay gwapo pala nitong asawa mo, Liz."

Napalunok ako dahil sa sinabi ni Nay Mila. "S-sige na po, Nay. Mauna na po kami dahil naghihintay na po sa'min si Isay. Sa sunod na araw na po ata kami makakabalik dito. Pakitingnan na lang po ang bahay. Salamat po."

*****

Buong biyahe ulit ay walang salitang namagitan sa'min.

Naabutan namin na nasa labas ng gate ang mag-lola, umiiyak pa rin si Isay.

"Mamaaaa!"

Kaagad kong kinarga si Isay pagkababa ko ng kotse.

"'Diba nagpaalam si Mama na uuwi muna ako sa bahay natin? Bakit na naman po umiiyak?" Pinunasan ko ang mukha niya.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now