CHAPTER 8

3.3K 66 0
                                    

"Tara na!" aya ko sa kanila. "Mars, sama na kayo sa bahay. May binili kaming meryenda. Isay, ayain mo na rin ang mga kalaro mo na pumunta sa bahay."

"Okay po, Ma."

Kinuha ni Von sa kotse ang binili naming meryenda.

"Mars, mauna na kayo. Bibili muna ako rito kay Nay Mila ng mineral water, ngayon ko lang kasi naalala na wala na palang tubig sa bahay. Kung magpapa-deliver naman tayo ay matatagalan pa."

"Ako na lang, marsie!" presinta ni Gab.

"Ako na, Gab, kailangan ko rin kasing makausap si Nay Mila."

Binigay ko kay Anne ang susi ng bahay. Nauna na silang pumasok at ako naman ay lumakad na patungo sa tindahan ni Nay Mila.

"Magandang hapon po," bati ko sa mga kapitbahay namin, binati rin nila ako pabalik. "Nariyan po ba si Nay Mila?"

"Nasa loob, Liz," sagot ni Aling Meding.

"Naku, Liz! Totoo pala ang sinasabi ni Nay Mila na mayaman ang tatay ni Isay," singit ni Aling Arlene na ina ng isa sa mga kalaro ni Isay.

May pagka-tsismosa rin talaga si Nay Mila, pero mabait naman siya sa'min, mababait ang mga kapitbahay namin dito.

"Nakakahiya naman pala, Liz. Nagpapalaba ako sa'yo tapos ikaw pa pala 'tong mas mayaman sa'kin." Si Aling Lorna na kinukuhanan ko ng mga labahin.

"Huwag ninyo pong isipin 'yan, Aling Lorna. Hindi naman po ako ang mayaman, ang tatay ni Isay."

"Aba'y kahit na, syempre asawa mo 'yon, edi mayaman ka na rin!"

"Mukhang sinabi rin sainyo ni Nay Mila na asawa ko si Von." Napakamot ako sa ulo. "Eh, hindi ko naman po asawa yung tao."

"Papunta na rin 'yan sa pag-aasawa, Liz. Eh, may anak na nga kayo!" singit ni Nay Mila sa usapan namin. Dumungaw pa siya sa maliit na bintana ng kanyang tindahan.

Ngumiti na lamang ako sa kanila. Nagpaalam muna ako at pumasok sa maliit na tindahan ni Nay Mila para kausapin ang matanda at makabayad na sa last na upa.

*****

Pagkatapos naming magmeryenda, pumasok ako sa kwarto kasama sina Anne at Gab. Nasabi ko na rin sa kanilang dalawa na lilipat na kami ni Isay sa bahay nina Von. Tutulungan daw nila akong mag-impake ng mga gamit. Ang mag-ama naman ay pinaghintay ko na lang sa sala.

"Uy, marsie! Ano na? Tatayo ka na lang ba riyan? Umaga tayo matatapos sa pag-iimpake kung tutulala ka lang."

Nabalik ako sa huwisyo dahil sa matinis na boses ni Gab. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako gumagalaw sa kinatatayuan ko sa may pintuan ng kwarto habang tulalang nakatingin sa puwesto kung nasaan ang kama.

Jusko! Ang utak ko talaga! Bakit ko ba biglang naalala ang naging mainit na tagpo sa pagitan namin ni Von sa kamang 'yon?

"Bakla! Knows ko na." Inakbayan ni Anne si Gab at may binulong siya sa kapatid.

"Omyghaaaaad!"

"Sshhh, ang ingay mo!" saway ko kay Gab.

"Marsie, totoo ba? Ang chika kasi ni Nay Mila, pumunta ka rito sa bahay n'yo kasama ang papa ni Isay. May nangyari sa inyo sa kamang 'yan, 'no?"

"Bunganga mo, Gab! Hali na kayo't mag-umpisa na tayong mag-impake." Tinalikuran ko na sila para makaiwas sa gano'ng usapan.

Sinimulan kong buksan ang cabinet para kuhanin ang mga gamit namin ni Isay

Sinundan naman ako ng dalawa. "Bibigyan n'yo na ba agad ng kapatid si Isay?" Si Gab na hindi pa rin tumitigil.

"Heh! Ewan ko sa'yo."

PAUBAYAWhere stories live. Discover now