CHAPTER 18

2.6K 57 0
                                    

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday, Isaaay!"

"Make a wish na, anak, then blow mo yung candle," saad ko kay Isay pagkatapos namin siyang kantahan.

Inilapit ni Von sa anak namin ang hawak-hawak niyang cake.

Dito lang sa sala ng resthouse ang naging handaan. Si Gab ang nag-design, color pink and hello kitty ang theme dahil 'yon ang paborito ni Isay.

Pumikit na si Isay para mag-wish... "I have one wish na lang po because Papa Jesus gave me everything, I already have a happy family na po... Ang wish ko na lang po is, sana always kaming happy at kung ano man po ang ikaka-sad namin ay sana malampasan po namin agad 'yon."

Hihipan na sana ni Isay ang kandila nang magsalita si Von, "Baby, ayaw mo ba talagang mag-wish na magkaroon ng kapatid?

Tiningnan lang siya nang masama ni Isay kaya pasimple kong siniko si Von. Nagtawanan naman ang mga nandito sa loob.

"Hon, huwag mong sirain ang araw ng anak natin," bulong ko kay Von.

*****

Pagkatapos magsikainan ay lumabas kaming lahat para pumunta sa may tabing-dagat. Naglatag ng picnic blanket sa part na hindi gaano mainit at doon kaming mga kababaihan umupo para magkwentuhan habang nagpapatunaw ng kinain dahil maya-maya ay maliligo na kami sa dagat.

Si Von ay nasa loob pa, sinamahang kumain ang tatlong kaibigan niya dahil kararating pa lang ng mga ito, at mag-iinuman daw sila kasama si Kuya, ang asawa ni Ate Sasha at daddy ni Von.

Papalapit sa'min ngayon ang magkahawak-kamay na sina Isay at Yesha na cute na cute sa suot nilang swimwear.

"Mama, pwede na po kaming maligo ni Ate Yesha?"

"Mamaya na anak dahil busog pa kayo."

"Okay po, Ma. Magpi-play muna po kami ng buhangin ni Ate Yesha."

"Tita Mommy, gagawa po kami ng sand castle."

"Sige, basta h'wag kayong lalayo masyado!"

*****

Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis na kami ng damit panligo. Sina Isay at Yesha ay nag-swimming na sa dagat, binabantayan sila ni Elsa. Kasama nila ang asawa ni Kuya na si Ate Karen na pina-swimming na rin si baby Bryle.

"You look so gorgeous on your yellow summer dress, honey." Kita ko mula sa salamin na papalapit sa'kin Von.

Nang tuluyan nang makalapit sa'kin si Von ay yumakap siya mula sa likod ko at hinalikan niya ang naka-exposed kong leeg dahil naka messy bun ang buhok ko.

"Maliligo na kami, kayo nagsimula na ba?"

"Not yet. Inutusan ko munang bumili si Mang Pilo ng ice cubes, wala na pala kasi sa ref."

"Huwag maglalasing masyado dahil dapat gising tayo mamaya." Tiningnan ko siya sa salamin.

Balak kasi naming dito na rin salubungin at i-celebrate ang new year.

"Copy, honey!" pakanta niyang sagot sa'kin.

"Oh, sige na! Hinihintay na ako sa baba."

"Wait, honey, can I ask for a... quicky?"

"Ang hilig mo, Von!" Natatawang hinarap ko siya at hinalikan sa labi.

Nang kumalas ako ay hinabol niya pa ang labi ko kaya tinawanan ko siya.

"Next time, promise! Hindi lang quicky, kahit ilang oras pa basta walang istorbo." Kinindatan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti bago ako lumabas at iniwan siya sa loob ng kwarto na busangot na naman ang mukha.

PAUBAYAМесто, где живут истории. Откройте их для себя