CHAPTER 10

3.5K 69 0
                                    

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Von.

G*go! At talagang nagbabalak pa siyang buntisin ulit ako?!

Inirapan ko na lamang siya saka nilampasan.

Tinawag ko na si Isay. "Baby, halika na!"

Nakabuntot lang sa'min si Von.

"Liz, wait..." Nang pumantay siya sa'min sa paglalakad ay yumuko ito para bumulong sa'kin, "Malaki na rin si Isay, kaya pwede na."

May balak nga. Jusko! May trauma pa nga ako no'ng nga panahong ipinagbubuntis ko si Isay nang wala siya sa tabi ko.

Hindi ko na lang siya pinagtuunan pinansin. Bahala siyang kausapin ang sarili niya. O kaya'y bumili siya ng pwedeng kausap, tutal ay mayaman naman siya.

*****

Pagkatapos naming mamili ay dumiretso na kami sa Jollibee para makakain. Kanina pa excited si Isay at nagugutom na raw siya.

"Wow! Ang damiii!"

Manghang-mangha si Isay nang ilapag ang mga pagkain sa table namin.

Si Von kasi ay halos orderin na lahat ng pagkain dito.

"You said that you're hungry, baby. So I ordered a lot para mabusog ang baby namin," saad naman ni Von.

"Opo, Papa, pati po si Mama mabubusog. Kasi po, Papa, 'pag pumupunta kami sa Jollibee, ako lang po ang pinapakain ni Mama tapos siya po hindi. Hinihintay niya lang po ako matap--."

"Isay!" saway ko kay si Isay. "Nasosobrahan na naman po tayo sa kadaldalan."

"Sorry po, Mama." Napanguso si Isay at yumuko ito.

Si Von ay nanatiling tahimik at nang magtagpo ang mga mata namin ay ako ang unang umiwas ng tingin.

Umusog ako papalapit kay Isay at hinawakan ko ang baba niya para iangat ang mukha.

"Anak... sorry din kung nasigawan ka ni Mama," malumanay ko nang saad sa kanya.  "Eat ka na, baby."

Nilagay ko sa harap ni Isay ang spaghetti at chicken, saka ko inabot sa kanya ang plastic na spoon and fork.

Nagsimula na rin akong kumain. Napansin kong wala pa ring imik si Von at hindi niya pa ginagalaw ang kanyang pagkain. May kakaiba ring emosyon na makikita sa mga mata niya..

"Von, kain na. Ang dami ng ini-order mo, hindi namin 'to mauubos nang kaming dalawa lang ni Isay."

"Why are you starving yourself, Liz?" Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko kaya iniwas ko ulit ang tingin sa kanya at binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Kumain ka na, Von. Masamang paghintayin ang pagkain."

"Eliza, I'm asking you!" Malumanay pero may diin sa bawat salita niya at 'pag gan'tong tinatawag niya ako sa buong pangalan ko ay alam kong seryoso siya.

"Hindi ko naman ginugutom ang sarili ko gaya ng iniisip mo." Abala pa rin ako sa pagkain at hindi ko siya binabalingan ng tingin.

"Ano yung sinasabi ng anak natin? Care to explain to me?"

"Wala naman kasi akong sapat na pera para isipin ko pa pati ang sarili ko." Binalingan ko si Isay na tahimik pa rin habang kumakain.

Takot kasi sa'kin si Isay 'pag napapagalitan ko. Pero pinapaliwag ko naman sa anak ko na dinidisiplina ko lang siya.

"Makita ko lang na masaya si Isay... na naibibigay ko ang gusto niya, okay na ako. Okay na sa'kin ang lahat."

Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Naalala ko kasi ang hirap na mga pinagdaanan ko noon. Ang hirap kapag walang karamay na pamilya nang mga panahong pinagbubuntis ko si Isay, hanggang sa isilang ko siya at namuhay ng kami lang. Nagpapasalamat nga ako't dumating sa buhay namin si Anne at Gab na kahit papa'no ay naging karamay ko sa pagpapalaki kay Isay.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now