CHAPTER 15

2.8K 62 1
                                    

Sa bahay lang ang gagawing burol ni Papa, gano'n naman ang nakasanayan dito sa probinsya.

Nandito kami sa labas ng bahay habang iniimbalsamo ang katawan ni Papa. Si Isay ay kandong-kandong ni Mama habang naglalaro sila ng Tita Elsa niya sa iPad. Si Kuya naman ay nagpahatid sa kabilang bayan gamit ang sasakyang dala namin para sunduin ang kanyang mag-ina, ngayon ko nga lang din nalaman na may sarili na rin palang pamilya si Kuya.

"Von, maraming salamat. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan para makabayad sa lahat ng tulong mo sa pamilya namin."

Paulit-ulit ang ginawang pagpapasalamat ko kay Von dahil siya halos ang gumastos mula sa kabaong, sa damit na susuotin ni Papa, at sa iba pang gastusin ng mga kailangan pang bilihin.

"You're always welcome, hon. And no need to repay me." Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "I did it for you and for your family."

"Salamat ulit. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung... wala ka."

Hindi naman kasi kami mayaman. Mangingisda at magsasaka si Papa nang nabubuhay pa siya at si Mama naman ay mayroong maliit na tindahan.

Nag-ambag naman ang mga kapatid nina Mama at Papa pero sinabi ni Von na itabi na lang daw iyon ni Mama dahil siya na ang bahala sa lahat na sobrang pinagpasalamat din ni Mama.

*****

Gabi na nang makarating sina Kuya. Nakahanap ako ng tiyempong lapitan si Kuya nang mag-isa na lang ito sa kusina.

"Pasensya na, Kuya."

Simula kasi noon ay hindi niya na ako pinansin. Alam ko naman na nagalit din siya sa'kin.

Si Mama naman ay alam kong nagalit din pero kanina nang kinausap ko siya ay matagal na raw wala ang galit niya sa'kin at napatawad niya na ako. Madali lang mawala ang galit ni Mama sa'ming mga anak niya, hinding-hindi niya raw kami matitiis na mga anak niya. Parang ako lang kay Isay.

Yakap-yakap ko na ngayon si Kuya at nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko ay napaiyak na ako.

"Okay na, tahan na. Pinatawad ka na ni Kuya. Nakikita ko naman na masaya ka ngayon sa pamilya mo. Nagalit lang naman ako noon dahil parang hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi ko kahit palagi ko noon kayong pinapaalalahan ni Elsa bilang kuya ninyo, na mag-iingat kayo sa mga ginagawa ninyong desisyon."

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Kuya. Sa kabila ng lungkot ko ngayon ay hindi ko aakalain na makakaramdam ako ng ganitong saya dahil tuluyan nang nawala ang bigat sa dibdib ko. Nakuha ko na ang kapatawaran nila.

Maya-maya lang ay pumasok sa kusina ang asawa ni Kuya na karga-karga ang isang taong anak na lalaki.

Lumapit ang mag-ina kay Kuya. "Mahal, pakarga muna saglit si Bryle, CR lang ako."

"Ah, Ate, ako na lang po," singit ko sa kanila.

Wala naman kasi akong ginagawa, si Kuya ay tumutulong sa mga tiyahin namin na nagluluto rito sa kusina.

"Salamat." Nginitian ako ng asawa ni Kuya na sinuklian ko naman.

Tumungo ako sa sala ng bahay namin. Marami-rami na rin dito ang tao. Kapag gantong gabi na kasi ay nagsisidatingan na ang mga nakikilamay.

Narito rin sa sala ang mag-ama ko.

"Anak, kanina ka pa tutok diyan sa iPad na 'yan," saway ko kay Isay nang maabutan kong naglalaro na naman ng iPad na hinihiram niya sa ama.

Mula sa paglalaro ay napatingin siya sa'kin. Agad niyang binitawan ang iPad saka lumapit sa'kin.

"Maaa!" Hinila-hila pa ni Isay ang laylayan ng damit ko.

PAUBAYAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن