CHAPTER 1

5.2K 117 2
                                    

"PAUBAYA"

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

Binuksan niya ang ilaw at agad na dumako ang tingin niya sa'kin nang lumiwanag ang paligid. "Why are you still awake?" tanong niya nang makita akong nakaupo sa kama habang hawak ko ang isang libro.

Itinigil ko ang pagbabasa para sagutin ang tanong ni Von. "Ahm, hinihintay kasi kita."

"It's already late, past eleven na. Dapat natutulog ka na. I always remind you to avoid sleeping late at night. That's not good for the baby," sermon niya sa'kin habang tinatanggal ang pagkakabutones ng kanyang polo.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. I thought he really cared for me. Para na lang pala talaga sa baby namin ang kanyang pag-aalala. Hindi na pala katulad nang dati ang sitwasyon namin. 'Yon ang dapat na itatak ko sa'king isipan.

Von is my ex-boyfriend. Walang nangyaring comeback sa'min. Ang batang nasa loob ng aking sinapupunan ang siyang dahilan kung bakit kami magkasama sa iisang bubong. Pinanagutan niya lang ako dahil siya ang ama ng batang dinadala ko.

Masakit man isipin pero hindi niya ako mahal. Hindi na ako. Hindi na ako ang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Nakakasama nga namin siya, pero parang wala rin ang presensya niya.

He gives all my needs and wants, at alam ko naman na para iyon sa bata kaya niya ginagawa. But what we really want is the love. Real love from him. Hindi yung dahil may responsibilidad lang siya sa anak namin kaya niya ulit ako inako sa buhay niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala na akong ibang nagawa kundi isara ang librong binabasa ko kanina bago ako dahan-dahang humiga at nagkumot.

"Oh hello, love... Yup! Kararating ko pa lang... Okay, good night. I love you."

Ang huling tatlong salitang iyon ay ang mga salitang palagi niyang sinasabi sa'kin noon. Ang bilis nga naman ng panahon, hindi ko sukat-akalain na aabot sa gantong punto na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya pero hindi na para sa'kin.

Ang kausap ni Von sa telepono ay ang girlfriend niya na nasa kabilang linya. Ang sakit lang marinig. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pagtulo ng luha ko. Pero ang pinakamasakit ay ang katotohananang wala na akong karapatan sa kanya dahil wala na kami. Hindi na katulad nang dati na may karapatan akong magalit at magselos kapag may iba siyang babaeng kausap. Ngayon kasi, ang babaeng kausap niya ay ang taong mahal niya. Hindi na ako. Ako na ang iba. Parang ako na at ang batang nasa sinapupunan ko ang kontrabida sa relasyon nila.

*****

"Von, we need to talk," salubong ko sa kanya pagkarating niya galing ng eskwelahan.

Pareho sana kaming nag-aaral hanggang ngayon pero dahil sa sitwasyon ko ngayon ay natigil ako sa pag-aaral.

"YES, WE NEED!" bigla siyang sumigaw na parang naging kulog sa pandinig ko.

Napaigtad naman ako dahil sa gulat nang pabalibag niyang tinapon sa kung saang banda ang kanyang backpack, at ang sunod na ginawa niya ay ang paghagis sa harapan ko ng mga litratong hindi ko pansing hawak-hawak niya kanina.

"Ano ang mga 'to?" Naluluha ako habang pinupulot at sinusuri ang mga litratong nagkalat na sa sahig.

Ako ang nasa pictures at may katabing lalaki sa iisang kama. At ang tanging tumatakip lang sa katawan namin ay isang puting makapal na kumot.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo n'yan, Eliza?!" The way he called my name, wala na ang lambing kundi galit.

Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi mahinang hikbi.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now