CHAPTER 14

2.8K 63 0
                                    

"Mama, huwag ka na po mag-cry." Pinunasan ni Isay ang mga luhang nagkalat sa mukha ko.

"I'm crying na rin po 'pag nakikita ko kayong nag-cry, Mama."

Bumukas ang pintuan at pumasok si Von.

"What's happening? Why are you crying?" nag-aalalang tanong niya.

Tumakbo si Isay papunta kay Von. "Papa, si Mama po nagka-cry siya kaya I'm crying na rin po," umiiyak na rin na sumbong niya sa ama.

Lumapit si Von sa'kin habang karga-karga si Isay at tumabi sila sa'kin.

"Hon, why are you crying?" Hinaplos ni Von ang buhok ko. "Tell me if there's a problem."

"S-si Papa. K-kailangan ako ni Papa." Yumakap ako kay Von at humilig sa dibdib niya. "Kailangan kong umuwi sa'min, Von."

"Sshhh, okay, okay! We will go to your place as soon as possible." Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ako sa noo.

Naramdaman ko rin ang pagyakap sa'kin ni Isay.

"Ngayon na! Please, Von."

"Okay. Babyahe na tayo ngayon."

*****

"Ano ang mga iyan? Ba't ang dami? Para saan?" sunod-sunod kong tanong nang makita kong ipinapasok sa compartment ng van na sasakyan namin ang napakaraming groceries.

Kanina umuwi agad kami para makapag-impake nang makauwi agad sa probinsya namin. Papaalis na kami ngayon at ito nga, naabutan ko si Von at si Mang Pilo sa labas ng gate na abala sa pag-asikaso ng mga dadalhin.

"For your family, para mayroon tayong dala para sa kanila," sagot ni Von.

"Eh, ang dami n'yan! At ba't ang bilis mo naman makapang-grocery?"

"I called Yaya Perla to buy those groceries while we're busy packing our needed things."

Hindi na ako nagkomento pa nang pinagbuksan ako ng pinto ni Von. Sunod niyang pinasakay si Isay. Si Mang Pilo ang magda-drive sa'min ngayon dahil pagod pa galing sa trabaho si Von. Tatlong oras pa man din ang byahe bago makarating sa probinsya namin.

Nasa gitna namin si Isay na naglalaro sa iPad ng papa niya.  Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako.

Maya-maya lang ay kinandong ni Von si Isay at umusog siya papalapit sa'kin. Hinapit niya ako at pinahilig sa balikat niya.

"Rest, hon. Kanina ka pa umiiyak. Your eyes are swollen. Matulog ka muna, gigisingin na lang kita 'pag malapit na tayo."

Alam naman na ni Mang Pilo ang pupuntahan namin dahil sinabi ko na sa kanya kanina ang exact address.

Ngayon na lang ulit ako makakauwi sa probinsya namin simula nang umalis ako sa bahay dahil sa sobrang galit sa'kin noon ni Papa. Nasa Maynila ako dahil dito ako nakakuha ng scholarship kaya rito na ako nag-aral. Nagbo-board ako noon sa isang maliit na apartment at pinapadal'han ako nina Mama at Papa ng allowance. Kaya hindi nila matanggap nang nabuntis ako nang maaga dahil sinayang ko lang ang lahat ng sakripisyo nila. Sa University kasing pinapasukan ko noon, 'pag nalaman nilang buntis ka ay automatic tanggal ang scholarship. Grabeng panghinayang noon ng pamilya ko dahil isang taon na lang sana ay ga-graduate na ako sa kolehiyo.

Sobra din akong nanghinayang at nagsisi pero hindi ko pinagsisihan ang pagdating ni Isay sa buhay ko, sa buhay namin ni Von.

Isay is our sunshine that brings light to our life.

*****

"Ate!" salubong sa'min ng kapatid ko nang makababa kami mula sa van.

Gabing-gabi na kami nakarating dahil traffic pa kanina.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now