CHAPTER 9

3.2K 77 1
                                    

"Manang, saan po rito ang laundry area?" tanong ko sa pinakamatandang kasambahay nina Von.

Tiningnan niya ang bitbit kong laundry basket na naglalaman ng mga labahin na ginamit pa namin ni Isay nang nasa hospital kami.

"Ma'am, akin na ho at dadalhin ko na 'yan kay Perla, siya kasi ang naglalaba ng mga damit dito."

"Ako na po, kaya ko naman po. Saka, konti lang naman po ang mga ito."

Wala naman kasi akong ginagawa kaya naisipan ko na lang na maglaba.

Nasa trabaho si Von, ang parents niya naman ay umalis na papuntang ibang bansa kahapon pa, para do'n mag bakasyon ulit. Kami ni Isay at kasama ang mga kasambahay ang naririto sa bahay.

Tapos na kaming mag-almusal at si Isay ay busy nang naglalaro sa sala. May mga laruan kasing naiwan dito si Yesha kaya iyon ang pinagkaabalahan niya.

"Osige ho, Ma'am, sasamahan ko na ho kayo hanggang sa laundry area."

*****

Halos sampung minuto pa lang ata ako nang magsimulang maglaba nang pumasok si Yaya Perla. "Ma'am, ako na po r'yan," saad niya sa'kin.

"Kaya ko na po 'to, salamat na lang po." Nginitian ko ang kasambahay.

"Sabi po kasi ni Sir Von, huwag kayong pagurin at pag-asikasuhin dito sa bahay."

"Huh? Nandito na agad si Von?"

"Wala pa po, tumawag lang  po si Sir kanina at tinatanong kung ano'ng ginagawa n'yong mag-ina. Nalaman niya pong naglalaba kayo kaya sinabi niyang patigilin po kayo."

"Pakisabi na lang po na konti lang naman ang labahin ko."

Kung tutuusin nga'y gabundok ang nilalab'han ko roon sa'min 'pag may nagpapalaba. Kayang-kaya ko 'to, sanay na ako sa ganitong gawain dahil ito ang trabaho ko.

"At saka po wala naman akong ginagawa rito."

"Ako na lang po talaga, Ma'am. Magagalit kasi si Sir. Ayoko naman po mawalan ng trabaho."

Nakita ko ang takot sa mukha niya kaya pumayag na ako.

Hinugasan ko muna ang mga kamay ko para maalis ang bula bago nagpunas.

"Sige po, Yaya Perla. Salamat po." Nginitian ko ulit siya bago ako umalis.

Pinuntahan ko na lang si Isay sa sala. Ang OA naman kasi ni Von. Ano na lamang ang gagawin ko rito sa bahay? Hindi pa naman ako sanay na walang ginagawa.

"Mama, nag-call po si Papa kanina," balita sa'kin ni Isay habang naglalaro siya ng luto-lutuan.

"Ano'ng sabi ng papa mo?" tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa sofa.

"Nagkumusta po siya, sabi ko po okay lang tayo rito sa house niya. Tapos pinatay niya na po ang call kasi po may kakausapin daw po siya roon sa work niya."

*****

Kinahapuhan, nanonood lang kami ni Isay ng palabas sa TV rito sa sala nang pumasok si Yaya Perla.

"Ma'am, pinapasundo raw po kayo ni Sir Von. Naghihintay po sa labas ang secretary ni Sir."

"Po? Bakit daw po?"

"Hindi ko rin po alam, Ma'am. Basta ang sabi po ng secretary ni Sir ay magbihis daw po kayong dalawa ni Isay."

"Sige po."

Pinatay ko na ang TV at inaya ko si Isay papunta sa taas para makapagbihis.

Nang lumabas kami ni Isay ay naabutan namin ang sinasabi ni Yaya Perla na secretary ni Von, nakasandal ito sa hood ng kotse habang hinihintay kami.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon