CHAPTER 7

3.4K 68 0
                                    

"Mapapatawad nga ba kita, Von?"

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. "Kung babalikan ko kasi ang nakaraan ay masyadong komplikado.  Nasaktan ako noon. At yung sakit na 'yon ay aaminin kong may kasamang galit... galit sa'yo. Yung sakit at galit nawala na sana nitong mga nakalipas na taon pero bumalik 'yon pareho nang muling magkrus ang landas natin. Pinangako ko noong araw na nagkita tayo, na huli nang pagkikita 'yon. Pero kailangan ko ng tulong mo, kailangan ka ni Isay, kaya wala na akong ibang choice kundi lumapit sa'yo, at 'yon ay dahil kay Isay kaya ko nagawa ang bagay na 'yon. Isa pa, may karapatan ka kay Isay kahit pinaghinalaan mo noon na hindi ikaw ang ama. At para sagutin ang tanong mo... Oo, Von, pinapatawad na kita. Pero kagaya ng sinabi ko, para na lamang ito kay Isay. Ginagawa ko na lang ang lahat ng 'to para sa anak natin."

Hindi siya umimik.

"Sige, matutulog na ako. Good night," malamig kong saad sa huli.

Hinalikan ko muna sa noo si Isay bago ako humiga at tumabi sa anak ko.

*****

"Ahm, a-ano po, uuwi na po kami ngayon," basag ko sa katahimikan.

Kasalukuyang nag-aalmusal kami rito sa kusina, kung saan kasalo namin ang mga magulang ni Von.

"Iha?" Mommy ni Von. "Hindi ba pwedeng dumito na lang kayo ni Isay?"

"Pamilya na kayo, dapat nakatira na kayo sa iisang bubong," dugtong naman ng daddy ni Von. "Wala namang ibang magmamana nitong bahay kundi si Von. He's our only child kaya sa kanya na 'tong bahay. Palagi rin naman kaming mag-asawa na wala rito dahil sa edad namin ay ine-enjoy na lang namin ang buhay sa pagbabakasyon. Napag-usapan na rin namin ng mommy ninyo na dumito na lang kayo."

"Then, iha, mapapabuti rin dito ang buhay ninyong mag-ina. Hindi namin hahayaan na pabayaan kayo. Responsibilidad kayo ni Von at responsibilidad na rin namin kayong mag-ina. Pamilya na tayo. Right, apo, gusto mong tumira dito?"

"Opo, Lola!" masiglang sagot ni Isay habang kumakain ng pancake na nilagyan niya ng chocolate syrup.

Binalingan ko naman si Von na tahimik lang habang kumakain.

Naramdaman ko ang paghawak ng ina ni Von sa kamay ko. "Iha, alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Von, komplikado pa ang sitwasyon ninyong dalawa. Pero sana ay isipin n'yo ang apo namin. Ayusin n'yo kung ano man ang gusot sa pagitan mo at ng anak namin. Bigyan n'yo ng buo at magandang pamilya si Isay."

Kaya sa huli...

Pumayag din ako sa suhestiyon ng mga magulang ni Von.

Gagawin ko ang lahat at pumapayag na ako basta para sa ikabubuti ni Isay ang pinag-uusapan.

*****

Pinagmaneho kami ni Von pauwi sa bahay para kuhanin ang mga gamit namin ni Isay. Kailangan ko ring magbayad sa isang buwan na upa namin, ang pang last na upa. Ipapaalam ko na rin kay Anne ang paglipat ng bahay.

Si Anne kasi ay naging kaibigan ko dahil nang umalis ako sa condo noon, doon ko siya nakilala . Naalala ko pa noon na para ako isang pulubi na naglibot-libot sa park dahil wala naman akong matitir'han, wala na akong ibang mapupuntahan pa. Hangang sa nagising na lamang ako na nasa isang hospital at si Anne pala ang nagdala sa'kin sa hospital na 'yon dahil nakita niya raw ako na nahimatay, tamang-tama rin na nurse siya kaya alam niya ang gagawin nang araw na iyon. Simula noon ay naging magkaibigan na kami at siya rin ang tumulong sa'kin na makapaghanap ng uupahan. Mabuti nga at may naipon pa akong pera noon.

"Papa! Sila po ang playmates ko!" Sa sobrang excitement ay hindi na mapakali si Isay nang ihinto ni Von ang sasakyan sa bakuran ng bahay namin.

Ang mga kalaro ni Isay ay kasalukuyang naglalaro sa labas. Habang ang mga kapitbahay namin ay naroon din, nag-uusap-usap sila sa labas ng tindahan ni Nay Mila kagaya ng nakagawian nila kapag hapon na. Nagtinginan silang lahat sa pumaradang kotse ni Von .

Unang lumabas si Von at pinagbuksan kaming dalawa ni Isay. Pagkababa namin ay agad na tumakbo si Isay patungo sa mga kalaro niya.

"Jenjen, Kyla, Micka, Kiko, sabi ko sainyo may papa ako, eh!" agad na balita ni Isay sa mga kalaro niya. Kinuha niya ang kamay ni Von at hinila ito. "Siya si papa ko, pogi ng papa ko, 'no? Ang ganda pa at ang laki ng house ni Papa. May lolo at lola rin ako!"

Napailing-iling na ngumiti ako dahil sa kadaldalan na naman ni Isay.

"Marsieeeee!" tili ni Anne na kalalabas pa lang ng bahay nila na kapitbahay lang namin dito. Niyakap niya agad ako nang makalapit ito sa'kin "Akala ko talaga hindi na kayo babalik dito!"

"Hindi naman pwede 'yon... At h'wag ka ngang magdrama," natatawang saad ko sa kanya.

Pero ang totoo nga naman ay aalis na kami rito.

"Eliz? Ikaw nga! Grabe, na-miss kita!" Napansin kong nakasunod pala kay Anne ang kapatid niya, si Gab. Niyakap din ako ni Gab.

Grabe sila! Kala mo talaga ilang taon kaming nawala.

Habang yakap ako ni Gab ay napansin ko ang matalim na tingin sa'kin ni Von. Hinawakan niya sa balikat si Gab at inalis ang pagkakayakap sa'kin, saka niya ako hinawakan sa baywang at inilayo mula rito.

"Problema mo?" Inalis ko ang kamay ni Von sa baywang ko at bahagyang lumayo sa kanya.

"Napaka-possessive, mars ah!" parinig sa'kin ni Gab.

Si Anne naman ay natatawa na lang na nilapitan si Isay na ngayon ay hindi pa rin natapos sa kinukwento sa kanyang mga kalaro.

"Ay! Hello, baby Isaaaay!"matinis na tili ni Gab at nilapitan na rin si Isay.

Kita kong nanlaki ang mga mata ni Von. Kaya pasimple akong natawa.

Ang hindi niya kasi alam ay gay si Gab, at ngayon alam niya na. Lalaki kasi kumilos si Gab pero once na tumili ito ay magugulat ka talaga sa katotohanan na malalaman mo.

PAUBAYAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt