CHAPTER 2

4.3K 89 1
                                    

Hanggang sa makarating kami sa apartment na inuupuhan namin ay pansin ko pa rin ang pagiging tahimik ng anak ko.

Umupo ako sa upuang kahoy na nasa sala. "Baby, halika rito kay Mama."

Lumapit naman agad siya at kumandong sa'kin.

"Akala ko ba naiintindihan mo si Mama?"

Tumango si Isay. "Yes po, Mama. Wala po tayong pera," inosenteng sagot niya sa'kin.

"Oh, gano'n na nga kaya huwag nang malungkot, anak. 'Pag nagkapera naman tayo, pangako ibibili kita ng doll."

"Opo. Thank you po, Mama. Thank you po nang paulit-ulit." Kumapit siya sa leeg ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi saka siya humilig sa dibdib ko.

"Always welcome po, basta para sa baby Isay ko." Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya.

"Ma, super swerte po yung bata, 'no?" maya-maya'y saad niya.

"Sino, anak?"

"Yung bata po sa mall. Ang yaman po siguro nila kaya may pambili siya ng doll tapos po swerte niya ulit kasi may papa siya."

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ng anak ko kaya natahimik ako.

"Mama, mayroon po ba akong papa?"

Bigla akong pinagpawisan sa tanong na 'yon.

Buong buhay niya ay hindi siya naghanap ng tatay, pero hindi nga talaga mawawala sa isang anak na hanapin ang kulang sa pamilya.

"Isay, anak." Iniharap ko siya sa'kin, paharap na inupo sa kandungan ko. "A-anak--"

Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Kasi po, Mama, ang mga kalaro ko po may papa sila. Tinatanong din po nila kung nasaan ang papa ko," nakangusong saad ng anak ko.

"Oo, anak, m-may p-papa ka. Lahat tayo mayroong papa." Sa wakas ay nasagot ko ang tanong na iyon, pero hindi ko naiwasang mautal.

"Eh, nasaan po ang papa ko?" tanong ulit ni Isay na hinihiling kong sana ay wala nang kasunod.

Hindi pa ako handang sabihin ang totoo sa kanya. Oo, matalinong bata ang anak ko pero sa murang edad niya ay hindi niya pa maiintindihan ang rason kung bakit hindi namin kasama ang papa niya.

"Baby, kasi." Huminga muna ako nang malalim. "Hindi mo pa maiintindihan. Pero, promise ni Mama na kapag nasa tamang edad ka na ay sasabihin ko sa'yo ang lahat. Okay po ba 'yon?"

Tumango naman siya. Niyakap ko na lamang si Isay at hindi ko na mapigilan ang mapaiyak kaya hinayaan ko na lamang na lumandas sa magkabila kong pisngi ang mga luhang pumatak galing sa mga mata kong pagod na pagod na sa pag-iyak.

*****

Hatinggabi ay nagising ako dahil sa naramdaman kong mainit ang anak ko. At nakumpirma ko nga na nilalagnat si Isay kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang ilaw para hanapin ang gamot niya sa lagnat. Mabuti na lamang at may natira pa. Pumunta muna ako sa kusina para ipagtimpla ng gatas ang anak ko at kumuha rin ako ng biscuit. Mabuting may laman ang tiyan bago siya uminom ng gamot.

"Isay, anak." Marahan kong tinapik-tapik ang kanyang braso. "Baby, gising ka na muna."

"Hmmm, Mama?" Halata sa boses niya ang antok.

"Bangon ka muna, baby, inom ka ng gamot para mawala ang fever mo."

Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata. Tinulungan kong bumangon ang anak ko at pinaupo ko siya saka nilagyan ang likod niya ng unan para iyon ang maging sandalan niya at maging komportable siya.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now