CHAPTER 13

3K 56 0
                                    

Nagising na lang ako dahil hindi ako makahinga sa higpit ng nakayakap sa'kin. Mga nakayakap pala sa'kin. Nasa magkabilaang gilid ko ang mag-ama kagaya ng pwesto namin kagabi.

"Mama, gising na po!"

"Wake up, hon!"

Mukhang kanina pa sila gising. Magkasabay pa nilang hinahalik-halikan ang pisngi ko na tuluyang nagpagising sa'kin.

"G-gising na po ako," hirap kong saad sa kanila dahil sa mahigpit nilang yakap. "Please pakawalan n'yo po muna ako, kailangan kong huminga."

Sabay silang bumitaw at napatawa.

"Sorryyyy!" Duet talaga silang mag-ama.

Nakaupo na sila ngayon sa magkabilang gilid ko.

"Good morning po, Mama!"
bati sa'kin ni Isay sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning, baby ko!" Bumangon ako at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

"Good morning, hon." Hindi ko inaasahan ang paghalik sa'kin ni Von sa labi.

Nakurot ko tuloy siya. "Nandito si Isay," bulong ko sa kanya at pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Oh, hon, it's normal. Ibalik mo na lang sa'kin ang good morning kiss ko," nakangising saad niya.

"Tumigil ka, Von!"

Bumaling ako kay Isay na ngayon ay nakatakip na pala ang kamay sa mga mata niya.

"Done na po kayo, Ma, Pa? Sabi kasi sa TV, 'pag rated SPG raw po, bawal po makita ng mga baby pa. Kagaya po ng pag-kiss sa lips"

Narinig ko na lang ang pagtawa ni Von dahil sa sinabi ng anak namin. Pasimple ko nga siyang siniko at binulungan, "Kung anu-ano kasing pinag-gagawa mo."

Inalis ko ang kamay ni Isay na nakatakip sa mga mata niya. "Okay na, baby... Bakit pala ang aga ninyong gumising?"

"We prepared a breakfast for you," sagot ni Von at tumayo.

Kinuha niya ang tray na may nakahandang almusal na nasa bedside table.

"Ang dami mong pakulo, dinamay mo pa si Isay."

"No, hon, gising na rin si Isay kanina pa. I didn't wake her up. Right, baby?"

Tumango naman si Isay. "Ang saya nga po, Mama. Kasi nituruan ako ni Papa mag-cook ng pancake."

Nilapag ni Von sa ibabaw ng kama ang tray. "Breakfast in bed!"

"Okay, teka CR lang ako."

Tinulungan ako ni Von na alisin ang makapal na comforter na nakapulupot sa kalahating katawan ko. Saka niya ako inalalayang tumayo.

"Kaya pala," saad ni Von nang makatalikod na ako sa kanila at papasok na sana sa CR.

Dahil sa kuryusidad ay napaharap ulit ako sa kanila. "Bakit? Kaya pala ano?"

"You're on your period. Kaya pala masungit ngayon."

Tiningnan ko ang likod ng suot kong pajama at doon ko nakumpirmang may tagos nga. "Naku!"

"Mama, may blood din po rito." Tinuro ni Isay ang hinigaan ko.

"Natagusan ba ang bedsheet?" tanong ko.

"Nothing to worry, hon. Papalitan ko na lang kay Yaya Perla."

Tumango ako sa sinabi ni Von. "Okay."

Dumiretso muna ako sa walk in closet para kumuha ng pamalit. Nakalagay naman sa may lagayan do'n sa CR ang sanitary pads ko.

PAUBAYAWhere stories live. Discover now