CHAPTER 11

2.9K 62 0
                                    

Nag-aya si Von na sa labas na lang kami mag-dinner. Alas singko pa lang ng hapon ay papunta na kami ng mall.

"Papa, Jollibee po ulit tayo?" tanong ni Isay habang nasa byahe kami.

Nasa likod sina Isay at Yesha nakaupo. Sa passenger seat ako at si Von ang nagmamaneho.

"Isay, kumain pa lang tayo sa Jollibee. 'Diba bawal ang palagi na lang fast food?" sita ko kay Isay.

"Japanese restaurant ang kakainan natin, baby. Nagagalit kasi si Mama 'pag palagi raw fast food."

Ayan! Buti na lang at hindi nagkampihan ang mag-ama.

*****

"Dada, can we go to the arcade? Magpi-play po kami ni Isay."

"Please, Papa."

Mukhang hindi nagsasawa ang dalawa sa kalalaro kahit halos maghapon na sila sa paglalaro.

"Okay, babies! Too early for dinner pa naman, kaya mag-play muna kayo."

"Let's go, Liz!" aya sa'kin ni Von at hinawakan ako nito sa baywang.

Ang dalawa ay nauna na sa paglalakad habang magkahawak-kamay. Parang kanina lang ay kinaiinggitan ni Isay si Yesha pero ngayon ay halos hindi na sila mapaghiwalay.

Bumili muna ng coins si Von na gagamitin sa paglalaro ng dalawa.

Nang magsimulang maglaro ang dalawa ay pumunta lang ako sa may bandang gilid para mabantayan sila.

Tumabi naman sa'kin si Von. "How I wish that I was there when Isay was growing up," panimula niya habang pinagmamasdan niya rin ang dalawang batang naglalaro.

"Ang mahalaga ngayon ay pinaninindigan mo ang sinabi mong babawi ka," saad ko sa kanya. "Nakikita ko naman, Von, na ginagawa mo ang lahat para makabawi sa anak natin."

"But--"

"Huwag mo nang isipin ang nakaraan. Hindi pa naman huli ang lahat... Alam mo? Simula nang dumating ka sa buhay ng anak natin, palagi ko na siyang nakikitang masaya. Yung totoong saya. Masayin naman talagang bata si Isay pero noon ay ramdam ko pa rin na nalulungkot siya dahil alam ko na nararamdaman niyang may kulang. At ngayong nandito ka na, nakikita ko naman na pinupunan mo lahat ng kulang na 'yon."

"Thank you so much, Liz. Ang laki pa rin talaga ng pang-unawa mo sa kabila ng mga nagawa ko."

Nginitian ko lang si Von.

"Dada, let's play basketball!"

Nasa tabi na pala namin ang dalawa.

"Papa, sabi ni Ate Yesha magaling ka raw po mag-play ng basketball. Dali na po! Play po tayo!"

Hinila na ng dalawa si Von. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang nag-eenjoy sa paglalaro.

*****

Pawisan ang tatlo nang lumapit sa'kin. Kakatapos pa lang nila maglaro at mukhang pare-parehong pagod na. Kinuha ko ang towel mula sa dala-dala kong shoulder bag. Buti na lang at nakadala ako.

"Mama, ang galing po ni Papa mag-play ng basketball. Nituruan niya po kami mag-basketball. Tapos kinakarga pa kaming dalawa ni Ate Yesha kasi 'di namin abot!" hinihingal pang kwento ni Isay habang pinupunasan ko ang likod niya na basang-basa na ng pawis.

"Talaga?" kunwaring manghang tanong ko kahit ang totoo ay pinapanood ko sila kanina. "Eh, marunong ka na rin ba mag-play ng basketball, anak?"

"Konti po, Ma, hihi."

Pagkatapos kong punasan si Isay ay sinunod ko namang punasan si Yesha.

"Tita Mommy, si Dada po hindi mo pupunasan ang sweat niya po?" inosenteng tanong sa'kin ni Yesha pagkatapos kong mapunasan ang pawis niya. "Nipupunasan po kasi ni Mommy si Daddy, if my dad was sweating."

PAUBAYAWhere stories live. Discover now