CHAPTER 5

4.2K 75 0
                                    

"Baby, kay mommy mo muna ikaw." Rinig kong saad ni Von at binigay niya ang bata sa ina nito.

Umakyat si Von patungo sa pwesto ko. "Come here, Liz. Ipapakilala kita sa kanila."

Hindi naman ako nakapalag nang hinawakan ako ni Von sa baywang at iginiya pababa ng hagdanan.

"Mom, Dad, she's Liz. The mother of my daughter," pagpapakilala sa'kin ni Von sa mga magulang niya.

"Magandang hapon po," bati ko sa kanila at saka ako nagmano.

"Magandang hapon din, iha," bati nila pabalik.

"And this is Sasha at ang anak niya," turo niya sa babae at doon sa bata.

Naguguluhan na talaga ako.

"Oh my ghaad, couz! Magaling kang pumili. Hi! I'm Sasha, " bulalas ng babae na ikinagulat ko. Lumapit siya sa'kin at nakipagbeso-beso. "Call me Ate Sasha na lang, I'm Von's cousin. And this is my daughter Yesha. Baby, say hi to your tita."

"Hi po, Tita! She looks familiar, Mommy," inosenteng saad ng bata habang nakatitig sa'kin.

Nginitian ko lang si Yesha at inilipat ko ang tingin kay Von. Tiningnan ko siya nang masama nang makita kong may pilyong ngiti na umukit sa mga labi niya.

Jusmiyo! Kung anu-anong pinag-iisip ko at itong lalaki naman sa harapan ko ay 'di agad sinabi ang totoo.

"Where's my apo, Von?" tanong ng ina ni Von.

Nagsiupuan kami sa sofa na nandito sa sala. Ang pinsan naman ni Von ay nagpaalam saglit na pupunta sa garden dahil may kausap ito sa phone, kasama ang anak nito.

"She's sleeping, Mom," sagot ni Von sa ina.

"Son, kanina pa 'di mapakali itong mommy mo," saad naman ng ama ni Von. "After you called yesterday, haha, nag-impake siya agad ng mga gamit para makauwi na kami."

"Oh, darling! H'wag mo akong pagtawanan, ikaw nga you cried kahapon nang malaman mong may apo na tayo kay Von!" pang-aasar din ng ina ni Von sa asawa nito kaya nagkatawanan kami.

"Mamaaaa!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng iyak.

Agad na tumakbo paakyat si Von para puntahan ang anak namin na ngayon ay nasa taas na pala ng hagdanan, umiiyak habang kinukusot-kusot pa ang mata.

"S-si Mama po?" tanong ni Isay sa papa niya.

"There si Mama, oh," turo sa'kin ni Von pagkababa nila.

Tumayo ako at lumapit sa kanila para punasan ang mukha ni Isay.

Umiiyak ito dahil wala ako sa tabi paggising niya at nasa hindi pamilyar na kwarto pa siya.

"Is she my apo na?" Lumapit sa'min ang ina ni Von at hinaplos ang mukha ni Isay. "Ang laki-laki na pala ng apo ko at ang ganda-ganda pa." Kinuha niya si Isay kay Von.

"Mama." Tumingin sa'kin si Isay.

"Anak, mag-bless ka," utos ko kay Isay. "Lola mo siya, baby,"

Sinunod naman ako ni Isay at nagmano sa lola niya.

"Apo, siya naman si Lolo." Umupo ito sa tabi ng asawa. "Look, darling, our apo is so adorable!"

"Bless po." Nagmano rin si Isay sa lolo niya.

Ang lolo naman ang nagkarga kay Isay. "Napaganda naman ng apo ko. What's your name, apo?"

"Liza Venice po, Isay po ang nickname ko," sagot ni Isay habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay, gan'yan siya 'pag nahihiya.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon