CHAPTER 17

2.7K 57 0
                                    

"Round two, honey?"

"Wala nang round two." Tinulak ko si Von paalis sa ibabaw ko.

"Pleaaase!" Pinapungay niya pa ang kanyang mga mata at nag-pout pa ng labi.

Buti na lang talaga at gwapo ang isang 'to.

"Para kang batang nagpapa-cute para mabigyan ng candy. Napagbigyan ka na nga. Tama na!"

Saktong tumunog ang telepono kaya tumayo si Von at ang lakas ng loob niyang maglakad patungong table niya nang nakahubo't-hubad.

Nakaabot kasi kami rito sa couch... Gano'n na pala talaga kami kasabik sa isa't-isa.

Pagbalik ni Von sa pwesto ko ay naka-boxer na siya at hawak niya na rin ang mga damit ko na kung saan-saan niya pinalipad kanina pagkatapos hubarin sa'kin. Aabutin ko na sana sa kanya ang damit ko pero hindi niya 'yon ibinigay sa'kin.

"No, ako na. I'm the one who took off your clothes. So, I'm also the one who will put it on you."

Nag-init ang magkabila kong pisngi nang lumuhod siya sa harapan ko para ipasuot sa'kin ang panty ko. "Lift up your legs, honey."

"Sino'ng tumawag?" tanong ko na lang sa kanya habang binibihisan niya ako.

Para hindi masyadong awkward.

"Si Lloyd, he called because of the noise came from here. You moaned too loud, honey." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi 'yon.

"T*ngina!" Nahampas ko siya sa balikat  habang kinakabit niya ang hook ng bra ko. "Sabi mo kasi soundproof 'tong office mo?"

Mula sa seryosong mukha ay unti-unting may umukit na mapaglarong ngiti sa mga labi niya hanggang sa napunta 'yon sa tawa.

"Your face, hon. I'm just joking, hahaha!"

"G*go ka talaga! Hindi ka na makakaulit!" Hinablot ko sa kanya ang shirt at pants ko para ako na ang magsusuot sa sarili ko.

"I'm just joking." Niyakap niya ako at ibinaon ang mukha sa leeg ko. "Hon, joke lang."

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa'kin. "Hindi nakakatawa."

Nang maisuot ko na ang shirt ko ay sinubukan kong tumayo para sunod na maisuot ang pants ko.

"Sh*t!" Napabalik ako sa kinauupuan ko.

"Does it hurt?" nag-aalalang tanong ni Von.

Tiningnan ko lang siya nang masama.

"I'm sorry, hon. I didn't know that... you still get hurts."

"Oo masakit! Kasi naman, anim na taon na ang nakalipas nang ano... last na m-mag a-ano tayo," naiilang kong saad sa kanya.

"Sorry," nakanguso niyang saad sa'kin. "But I'm not apologizing because of what we did. I'm sorry because I've made you sore."

Tinulungan na lang niya ako na maisuot ang pants ko at siya naman ay sinuot na ang office attire niya.

"Tingnan mo, nagkalat pa tayo!" reklamo ko kay Von habang nakatingin ako sa mga papeles at iba pang mga gamit niya na nagkalat sa sahig. "Imbes na mapadali ang trabaho mo, nadagdagan pa. Maglilinis pa n'yan!"

"Don't worry, hon. Relax lang." Lumapit siya sa'kin at tumabi sa kinauupuan ko nang makapagbihis na siya nang tuluyan. "Don't stress yourself. Ako nga masaya lang."

"Halata nga, parang nanalo ka sa lotto." Inirapan ko siya.

"Mas maswerte pa ako sa nanalo sa lotto, kasi hindi ko man matapos ang trabaho ko ngayon, at least nasimulan ko na ang dapat kong masimulan. We're getting old, kaya dapat makarami tayo."

PAUBAYAWhere stories live. Discover now