DIECISIETE🌷

1.2K 20 0
                                    

ISANGA MALAKAS na hampas ang nagpagising sa natutulog na si Euphoria. Mabilis siyang bumangon ngunit natumba dahil sa pagkabigla, dala din ng nanghihina niyang katawan.

"S-saan...saan...po...ako?" nauutal na sambit niya ngunit isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa kanyang paligid.

Sinag ng buwan lang ang kanyang nagiging ilaw na galing sa bintanang hindi abot ng isang tao dahil sa taas kaya naman hindi sapat upang lumiwanag ang paligid na purong kadiliman na.

Naagaw ng kanyang pansin ang isang pinggan na gawa sa plastic na may lamang maliliit na isda at isang tasang kanin, sa tabi naman nito ay isang basong naglalamang tubig. Malapit lang ito sa tabi niya.

Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya pero nakita na lang niya ang sarili niya na nasa harapan na nito at kumakain na. Nakaramdam siya ng sobrang gutom kaya wala na siyang naging pakialam sa paligid.

Napahawak siya sa kanyang ulo nang maalala ang nangyari ngunit laking gulat niya ay wala na ang dugong nahawakan niya. Medyo mahapdi pa rin pero hindi na katulad noon.

Napatayo naman siya nang maramdaman niya ang tunog ng binubuksang pinto.

"I'm glad you're awake!" Malamig na wika ng pumasok kaya naman nagtaasan ang balahibo niya. Naramdaman niya din ang dalawang matang matalim na nakatitig sa kanya.

"Why...I...I...am...h-here?" Takot na sambit ni Euphoria ngunit nakarinig lang siya ng isang nakakabinging halakhak.

"Masyadong matigas ang Daddy mo. Hindi ko siya mabili ng maraming pera. Gusto niya lang ay tamang daan lang siya dumaan. Tanga ba siya! Walang legal sa mundo na pinasukan niya!" Ramdam mo ang galit sa bawat salitang binitiwan niya. Ngunit hindi magawang magalit ng dalaga sa Daddy niya dahil sa sitwasyong kinaroroonan niya ngayon, natutuwa pa nga siya dahil nasa tama pa rin ang kanyang ama at hindi kinain ng masama upang umangat lang sa lipunan. Masaya siya na ang kinakain nito ay galing sa mabuting kamay, sa Daddy at Mommy.

"Aaaaah!" Malakas na sigaw ng dalaga nang maramdaman niya ang katawan na nakasandal na sa pader, sa matigas na pader kaya napangiwi ito sa sakit dahil pwersang binigay niya.

"Ikaw ang magiging susi ko upang magtagumpay ako sa plano ko kaya humanda ka." bulong niya sa tenga ng dalaga sabay tapon ulit dito na para bang gamit lang kaya naman nasaktan siya nang pabagsak itong naupo sa sahig.

"Maging mabuti kang bata kung gusto mo pang makita ang kalangitan." Pahabol na sambit niya bago siya lumabas ng pinto.

Natawa si Euphoria. Sobrang saya niya.

'Buti na lang... buti na lang hindi siya yung taong laman ng puso't isip ko noon pa man. Hindi siya yung mga matang sumusubaybay sa akin.' Sabi niya sa kanyang isip.

Nagkamali siya.

***

HINDI na alam ng dalaga kung ilang araw na siya sa loob ng kwartong kinalalagyan niya. Hindi siya pinalalabas basta hinahatiran lang siya ng pagkain dalawang beses isang araw.

Hindi na siya umaasa sa anumang klase ng milagro. Nawawalan na siya ng pag-asa.

Masakit na din ang kanyang katawan dahil sa mga ginagawa sa kanya ng isang boses na sobrang galit sa kanya.

"Lord, pwede na po ba akong sumama sa inyo? Pagod na pagod na po ako." bulong ng dalaga.

Bumukas na naman ang pinto pero wala na siyang pakialam dito. Sanay na siya. Nung una nagmamakaawa siya ilabas siya ngunit sampal at padyak lang ang natamo niya.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now