DIEZ🌷

1.8K 32 0
                                    

NAPAGPASYAHAN ko munang umuwi sa bahay para makaligo muna at makapagpalit ng damit. I want to freshen up to clear my mind up.

"Bunso, hindi mo kasama sila Gray? Akala ko ba aalis kayo ngayon?"

Lumapit ako sa kanya sabay halik sa pisngi niya na kinagawian ko kapag aalis at pauwi na ng bahay. "Hindi na po ako sumama."

"Aalis ka naman niyan?" umupo muna ako sa tabi niya. Nakaupo siya sa couch kaharap ng tv kung saan siya nanonood ng movie na lagi niya ginagawa kapag hindi siya busy.

"Nice movie." sarkastikong sabi ko habang nakatingin sa naka-pause na movie. "Shit!" sigaw niya sabay resume kaya naman nagmadali siya at pinatay na lang ang switch ng tv.

Natatawa ako sa ginawa niya. Naka-pause kasi yung movie nang nagtatalik kaya pagka-resume niya, umungol ito ng malakas. Nataranta tuloy siya kaya muntik na siya matumba kakamadali para mapatay yung tv.

"You okay?"

Mabilis siyang tumayo sabay upo sa tabi ko at nginitian lamg ako na para bang walang nangyaring nakakahiya kanina.

"Saan ka pupunta?" napatingin ako sa kanya at inalis ang tingin ko sa phone dahil nagtetext na si Dr. Zamora, nagtatanong kung saan na daw ba ako.

"Hospital." I texted him, I'm going to change first and he said okay.

"Anong gagawin mo doon?" tumayo na ako at hinarap muna siya bago ako umalis para magbihis. "Psychologist." yun lang ang sinabi ko pero nanlaki ang mata niya sabay tayo.

"Sama ako?" Umiling lang ako sabay yakap sa kanya. "I'm not okay but I will be okay." sagot ko kaya naman niyakap niya ako ng mahigpit sabay halik sa ulo ko.

"Magbihis ka na at baka naiinip na yun sayo." Niyakap ko ulit siya ng mahigpit bago kumawala.

I must stand by myself.

A white halter top, a tan shorts and a beige heels. To complete my outfit, I wear a cream blazer and a black shoulder bag.

"Una na po ako kuya!" sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

"Dahan-dahan lang naman sa pagbaba! Ingat ka! Text me okay?"

"Okaaaaay!" sigaw ko na lang at dumeretso na sa sasakyan ko. Last month, my family gave me a car to explore for my own as what they said.

***

Nakangiti akong pumunta sa harapan ng secretary niya na nasa tabi ng opisina ng doktor. Kilala na niya ako dahil madalas ako dito noon, she's the secretary of Mr. Luther's dad.

"Good Morning Ms. Vasquez. Pleasure to meet you again."

"Good Morning din po. Is Mr. Zamora's inside?" Ngumiti siya sabay tango. "Yes Ms. Vasquez, he's waiting for you."

"Euphoria na lang po." sabi ko sa kanya habang sinasamahan niya akong makapasok sa pinto.

"Ms. Euphoria, happiness and excitement that's your name means."

Tumango ako sa kanya. "And I wish someday, I will experience the meaning of my name."

"You will Ms. Euphoria, you will, not now but soon."

"Thank you."

Pagkabukas ko ng pinto napahinto ako sa nakita ko. Bakit nandirito ang mga taong matagal na hindi nagku-krus ang aming mga landas.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now