TREINTA Y TRES🌷

954 20 0
                                    

Third Person.

NALULUHA ang lahat ng tao sa loob ng kwarto sa tuwa habang pinapanood si Euphoria na papalapit na sa mga anak niya na ipinasok ng mga nurse sa kwarto niya para ipa-breastfeed.

"Babies... My babies are here... hello loves, I am your mommy."

Hindi na napigilang luha ni Euphoria nang makita na niya sa wakas ang kambal niya. Sa wakas nakikita na niya ang mga anak niya at mahahawakan na niya ito makalipas ang siyam na buwang dinadala niya ang mga ito sa sinapupunan niya. Lalong hindi na napigilan ng mga taong nanonood sa kanya ang luhang kanina pa nila pinipigilan.

"What's the name of the twins, Madame?" napatingin si Euphoria sa kambal at nakita ang mga mata nito.

Napangiti siya. "Sunshine and Night Skye," sambit niya at biglang ngumiti ang dalawang bata. Halatang natuwa sa narinig.

"Sunshine and Night Skye, they have different meanings but for me they have the same impact in my life. Sunshine, siya ang nagbibigay liwanag sa akin. Magiging dahilan ko upang bumangon at magpatuloy sa buhay. Night Skye, siya ang magiging susi ko upang maging mahinahon at magkaroon ng pahinga. Katulad ng gabi na siyang nagiging pahinga natin sa buong araw na pakikibaka sa buhay."

Euphoria stopped then wipes her tears. "My angels that gave direction and purpose to my life. I love you both always and forever." bulong niya sa dalawa at ilang sandali lang ay nakarinig ang lahat ng mumunting pagtawa galing sa dalawa kaya naman natuwa ang lahat.

"Ang lakas ng dugo ng Mendoza!" sigaw ni Aleyn pagkalapit niya kay Euphoria na busy na sa pagpapadede kay Sunshine.

Naintriga naman ang lahat sa sinabi ni Aleyn kaya naman mabilis lumapit ang lahat. Naunang nakalapit sila Gray at Bri na kararating palang.

"Oh, my! Blue eyes!" sigaw ni Bri habang tuwang-tuwa kay Night na tahimik lang na nakatingin sa mga taong nasa harapan niya ngayon.

"Lakas ng dugo ng hayop!" Pagmumura naman ni Gray kaya may lumipad na mansanas sa mukha niya. Napatingin siya sa nagbato at nakita si Euphoria na masama ang tingin sa kanya.
Napasimangot naman siya kaya may tumapik sa balikat niya.

"Nakalimutan naming sabihin sayo na bawal magmura sa harapan ng mga Anghel natin." bulong ni Aleyn kaya sinapak siya nito. "Gag...." isang mansanas na naman ang tumama sa mukha niya.

"Sorry! Sorry! Sorry na!" sigaw niya ng makita niyang babatuhin na naman siya sa pangatlong pagkakataon ni Euphoria.

"Sirau..." Isang mansanas na naman ang biglang lumipad hindi papunta kay Gray kung hindi kay Bri naman ngayon. "Pati ba naman ako?" madramang tanong niya kaya lang nginisian lang siya ni Euphoria.

"Labas muna nga tayo. Ibe-brief ko kayo ang hindi dapat gawin sa harapan ng maarte at malditang... Fuck!" Hindi lang isa kung hindi dalawang magkasunod na orange ang lumipad sa direksyon ni Aleyn kaya mabilis na lumabas ang tatlo sa pintuan.

"You're so harsh with your friends, hija." natawa lang si Euphoria na ngayon ay si Night na ang pinapadede.

"How are you?" Naiyak naman si Euphoria sa tanong ng Mommy niya kaya naman mabilis na dumalo si Jimwell dito na nasa tabi niya lang na laging nakaalalay sa kanya.

"Hey? Is there something wrong?" bulong sa kanya ni Jimwell habang pinupunasan nito ang mga luha niya sa pisngi dahil hindi ito magawa, buhat-buhat niya kasi si Night.

Dahil sa inasta ni Jimwell nagkatinginan ang mag-asawang Vasquez. Naguguluhan sa nangyayari. Ang mga mata nila ay parang nag-uusap at napangiti sila ng makita nilang nagkatitigan ang dalawang nasa harapan nila. Nakalimutan na ni Euphoria ang lahat.

Lusting Over You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon