TRECE🌷

1.5K 22 0
                                    

"Sana all, masaya kagaya mo."

I stunned because of familiar voice.

Shit, this is bad!

Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa couch malayo sa kanya habang siya naman ay prenteng nakaupo sa kama habang kayakap sa unan ko.

"What are you doing here, senator?" Yes, the senator-- Aleyn's twin is here, with his business attire. He's breathtaking but deadly the way he is looking, no, the way he's lusting over me.

Natawa siya sa tanong ko. Umiiling siya habang ang dila niya ay biglang binasa ang mga labi niya na siyang ikinalunok ng laway ko dahil sa naging pula nitong kulay, ang sarap halikan.

"Am I the one who's asking here, what are you doing with my fucking twin?"

Napaatras ako dahil sa lamig ng boses niya at talim ng pagkakatitig niya sa akin na parang kakainin niya ako ng buhay dahil sa kasalanang nagawa ko sa kanya.

"W-what... what...do...d-do...you...hhhmmp!" Hindi ko natuloy ang sasabihin niya dahil sa mabilis na paglapit niya sa akin. Dahil sa haba ng binti niya nakarating siya sa pwesto ko. Sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa leeg ko na siyang kinatayo ng mga balahibo ko.

"P-pwede... pwede bang...l-lumayo ka ng konti?" nahihirapang tanong ko dahil sa pwesto naming dalawa ngayon.

"Hindi pwede!" mabilis niyang sambit na may matapang na tono kaya napapikit na lang ako sa sensasyong hatid ng init ng katawan niya.

Tinulak ko siya ngunit gumalaw lang ang balikat niya. Sinampal ko siya sabay takbo para lumayo sana sa kanya kaya lang mabilis niyang nahawakan ang balikat ko gamit ang isa niyang kamay, nakita ko ang isa niyang kamay nakahawak sa mukha niya na pulang-pula.

"You're unfair! Bakit iba ang turing mo sa amin ng kambal ko!"

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya. "Dahil magkaiba kayo ng trato sa akin." Mahinahong sambit ko sa kanya.

"Dahil magkaiba kami! Kayong lahat, tingin niyo dahil kambal kami dapat magkaparehas kami? Tangina lang!"

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. At bigla akong napatingin sa pintuan dahil may narinig akong mga yabag na papunta sa pinto ng kwarto ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil may narinig akong mga katok kasabay ng boses ni Mommy at Daddy. "Sweety?" tawag ni Daddy. Bigla akong napaayos at napatingin kay Ayenn na nakatitig lang sa sahig habang nakaupo at hawak-hawak ang ulo niya na magulo ang buhok.

"Yes po?!" sigaw ko habang papunta sa pwesto ni Ayenn.

"You okay sweety? May narinig kasi kaming sigaw, may bisita ka ba?" Biglang tumingin sa akin si Ayenn sabay iwas kaya naman napatingin ako kung saan siya nakatingin, nanlalaki ang mata ko dahil sa bintana siya dumaan.

"Sweety, papasok kaya kami?" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa pinto.

"Mom, Daddy, okay lang po ako! Don't worry about me po."

"You sure?"

"Yes po!"

"Okay? I f you need something just tell me!" After that narinig ko ang mga papalayong yabag kaya napahinga ako ng malalim at napasandal ako sa likuran ng pinto.

Nakaramdam ako ng mga matitigas na braso na dahan-dahang pumulupot sa beywang ko kaya naman napatingala ako at nakita si Ayenn na inaamoy-amoy na ang leeg ko.

"Let's go back to our topic hhhmm... bakit kayo magkasama ng kambal ko? At may nakita akong hindi kaaya-aya." Napahawak ako sa damit niya dahil biglang nanlambot dulot ng lamig ng boses niya.

Lusting Over You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon