VEINTISIETE🌷

955 23 0
                                    

ILANG NA ILANG ako sa mga titig ng tao na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o aalis na.

"Don't look at me like that!" inis na sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.

"Don't wear that kind of clothes. Change it!" may inis na sigaw ni Senator bago umalis at kunin ang baby niya na umiiyak na.

"Ang ganda mo pala talaga babe pero go with your room then change." Nakangiting sambit ni Jimwell habang nakaupo sa sofa.

Napadako ang tingin ko kay Aleyn. "Change," walang prenong sabi niya.

Lastly, kay Gray na busy din sa pagpilit kay Bri na magpalit. "Both of you, please, change your bikinis. Wear one piece or something that can cover your body?"

"Gago ba kayo? Anong tingin niyo sa pinuntahan natin, Baguio para magsuot kami ng balot na balot? Ipapaalala ko lang sa inyo na nasa beach tayo!" sigaw ko sabah hablot kay Bri na natatawa na lang din sa inaasta ng mga kasamahan namin.

"NO! GO TO YOUR ROOM, BOTH OF YOU AND THEN CHANGE IN A DECENT CLOTHES OR NO ONE WILL LEAVE THIS FUCKING ROOM!" Nagulat kami sa malakas na sigaw ni Senator kaya mabilis akong hinila ni Bri sa room namin bago pa ako makaangal.

"Anong tingin nila sa suot natin, hindi decent? Duh! Yung nakita nga natin kanina nahiya pang takpan ang utong niya at pukengkeng niya sa sobrang liit ng tela ng suot niya!" Gigil na sambit ko pagkapasok namin ng kwarto.

Napaupo si Bri sa kama niya. "Kung dati si Gray and your Kuya lang ang nagbabawal sa atin pero nakakayanan nating magrebelde. Ngayon, hindi ko magawa, Senator yon tas may dalawang pang epal!"

Pinili ko na lang na huwag magsalita dahil wala din namang kwenta at hindi mababago non na badtrip ako ngayon.

Nasa beach na kami. Nagbook ng dalawang villa ang parents ko; isa sa kanila at isa sa amin, hindi ko alam anong balak nila. At kanina pa ako inis na inis sa mga kasamahan namin dahil lahat ng gawin naming dalawa ni Bri nakikita nila sabay pagbabawalan kami. Just like now, we are just wearing two piece bikinis pero kung mag-inarte sila hubo't hubad kami.

"Sa ginagawa nila sa atin bumaba ang self confidence natin. We must wear what we want to wear. Who cares about what others might think?" Pagrereklamo ni Bri habang ako pinili kong magsalita dahil naghahanap ako ng pama.... wait? Who are they ba? I forgot that I'm single and this is my chance to change it as in a relationship.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang makita niya akong inayos ulit ang mga damit ko kahit na hindi pa ako nagpapalit.

Nakangiti ko siyang tiningnan. "I'm single. Wala silang karapatang pagbawalan ako kung anong gusto kong isuot. Katawan ko, desisyon ko kaya wala silang pakialam sa buhay ko."

"Goodluck!" Sigaw ni Bri bago ako makalabas ng pinto. Hindi siya sumunod dahil alam kong magpapalit siya sa kung ano ang gusto ni Gray para maiwasan ang gulo.

"You didn't change, Lady?" takhang tanong ni Ayenn nang makarating ako sa sofa kung saan sila noong iniwan ko sila pero ngayon may babaeng bago na hawak si Baby.

"Who are you?" tanong ko sa kanya dahil grabe din siyang makakapit kay Senator.

"She's my sister," mabilis na sagot ni Jimwell kaya naman nagtataka akong napatingin sa kanya. "Let me explain.." hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sumabat ang babae. "And I'm the mother of this kid. Finally, pleasure to meet you." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hi, every....one? Who are you babae?" naramdaman kong nasa tabi ko na si Bri habang ang tingin ko ay kay Senator na nakatingin din sa akin.

"I'm the mother of this baby and the sister of this guy. Nice meeting you!" masayang sabi ng babae kay Bri sabay tingin sa akin. "I want to know about the legendary Euphoria. What's the meaning of Euphoria again... sweety?" Ngumiti siya sa akin sabay tingin kay Senator na nag-iwas ng tingin sa akin dahil napatingin siya sa babae.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now