TREINTA🌷

1K 21 0
                                    

Euphoria.

NAPATINGIN ako sa singsing na nasa daliri ko. Ibinigay ulit ito sa akin ni Ayenn noong napagpasyahan naming ayusin na ang relasyong meron kami, isang Linggo na ang nakakaraan.

Naging maayos at masaya kaming dalawa. Gumigising ako na may pagkain ang mesa habang may lalaking naghihintay na sabayan ko. Minsan wala ito dahil maaagang umaalis sa trabaho pero ginagawa naman ni Ayenn na umuwi ng maaga para sabay kaming maghapunang dalawa.

Magku-kwentuhan kami sa kung anong nangyari buong araw. Manonood hanggang sa makatulog kaming magkatabi.

Pupunta dapat kami sa hospital para magpatingin para sa pagbubuntis ko, nakabihis kaming dalawa at excited sa naririnig namin tungkol sa batang nasa sinapupunan ko. Nakahanda na nga ang mini notebook ni Ayenn para isulat ang mga sasabihin ng doktor kaya lang naudlot dahil sa isang masamang balita na kumakalat sa buong bansa o iba pang panig ng mundo.

Kumakalat na sangkot si Ayenn sa isang korapsyon sa gobyerno. At nasisira ngayon ang imahe ng dalawang pangalan ng kumpanya na hawak niya, ang Mendoza at Vasquez. Hinawakan niya na ang kumpanya namin dahil wala pwedeng humawak dito. Ayaw ni Kuya at ganoon rin ako. Gusto munang magpahinga nila Daddy kaya nagpresinta si Ayenn na siya muna ang humawak at masayang tinanggap naman ni Daddy.

Nandito na naman ang lahat sa condo na tinitirahan namin dahil maraming tao ganoon din midya ang nasa bahay nila at sa bahay namin ngayon.

Nakatayo siAleyn na nakawhite coat, katabi si Jimwell na hawak pa ang plates, si Bri at Gray na nakabihis din halata mong papasok pa lang sila sa trabaho.

Nasa upuan naman sila Jewell na sasabay dapat para magpa-check up sa akin katabi ang Mommy nila Ayenn at Mommy ko.

Nasa isang upuan ang mga Daddy's namin habang nasa harapan kami ng lahat, katabi ko si Ayenn na nakahawak ang kamay sa akin at ako naman tahimik lang.

"Hindi pwedeng ganito na lang palagi ang sitwasyon ng kapatid ko, makakasama ito sa batang nasa sinapupunan niya," napatingin kaming lahat kay Kuya na kakapasok lang. Siya kasi ang tumingin sa sitwasyon sa dalawang bahay kasama ang Ate ng kambal. "Masyadong malaki ang isyu ngayon at maaaring madamay ang kapatid ko lalo na ang bata, ang magiging anak mo ...Senator." pahabol na sambit ni Kuya at may halong diin ang huling sambit niya sa salitang Senator.

Naramdaman kong hindi naging masaya si Ayenn sa sinabi ni Kuya dahil napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, hindi ko maiwasang masaktan pero hindi niya yata napansin. "Hijo! You are hurting my daughter! Let her go!" My Mom shouted but Ayenn didn't hear what she said because the grip still remains. Napatingin ako sa kanya at nakita ang nandilim ang mukha niya.

"Let go of my bestfriend, you fucking idiot!" Sa bilis ng kilos ni Gray hindi ko na nasundan, nakita ko na lang na nakahiga na sa sahig si Senator habang hawak-hawak ang panga niyang duguan habang si Gray naman ay halatang galit na galit. Gulat ang lahat sa nangyari kaya walang nagsalita ng ilang minuto.

"I think they are right son," napatingin kaming lahat sa Daddy nila Ayenn na sa wakas ay nagsalita na.

Tumayo siya at tinulungan siyang makatayo. "Magiging delikado ang buhay ng mag-ina mo sa nangyayari ngayon sa'yo. Ayusin mo ang gulo mo, tapusin ang termino na pinasok mo ng maayos at walang gusot para walang maging aberya kapag pinakilala mo na ang sarili mong pamilya sa buong mundo. Tutulong kami para mapadali ang trabaho mo pero kailangang ilayo sila Euphoria sa tabi mo." Nakita ko'ng mapadako ang tingin ni Ayenn sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at siya naman umiwas ng tingin. "Hindi ako makapapayag na ilayo niyo sila sa akin. Buhay ko sila kaya mamamatay ako Kapag wala sila sa tabi ko." Malamig na sagot niya kaya napawi ang ngiti ko.

Lusting Over You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon