TREINTA Y DOS🌷

940 20 1
                                    

Euphoria.

NAPASIMANGOT ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko kahit na wala naman siyang ginagawa kung hindi tingnan ang picture ng ultrasound ko.

"Lumayas ka sa harapan ko!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako. Tumabi pa siya lalo kaya mas lalo akong nainis.

"How's the baby?" napakunot-noo ako sa tanong niya habang hinihimas niya ang tiyan ko.

Tinampal ko ang kamay niya kaya bigla niya itong inalis sa tiyan ko. "Jimwell, babies! Not baby, Babies!" sigaw ko kaya nanlaki mata niya. "Sorry!" malakas na sigaw niya kaya binato ko siya ng kung ano mang nahawakan ko.

"Bakit ka nambabato?" tanong niya habang hinihimas ang ulo niyang natamaas ng apple. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napatahimik siya na parang batang pinalo.

"Gimme a hotdog with cheese on top. Thankies!" ngumuso siya sa sinabi ko. "Don't you want my hotdog?" Another flying object target his face for the second time.

"Where's Aleyn? My human shield!" sigaw niya habang tumatakbo dahil nakita niyang may ibabato na naman ako sa kanya.

Napahimas din ako sa tiyan kong malaki na. Kagagaling lang namin magpa-ultrasound. Hindi naman talaga dapat namin gagawin ang pagpapa-ultrasound kaya lang napansin namin na may kalakihan ang tiyan ko kumpara sa ibang buntis. Gusto namin ng surprise. Kaya lang kami ang na-surprise sa nakita ng doktor dahil kambal ang nasa sinapupunan ko.

Napangiti ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Nasa Switzerland ako ngayon. Dito pinili ng mga magulang ko na tumira muna ako pansamantala hangga't hindi pa natatapos ang gulo sa Pilipinas. Maaliwalas at sariwa ang hangin.

Sa unang buwan ko dito nanibago ako dahil sa lugar. Nasanay ako ako sa klima ng ating bansa. At nangulila ako kay Ayenn. Na-miss ko ang amoy, halik at presensya niya.

Pangalawang buwan ko dito ay napagpasyahan kong bigyang pansin mental health ko. Nararamdaman ko kasing kailangan ko ng magbago hindi lang para sa anak ko kung hindi na rin sa sarili ko. I went to professional for counseling. Happily, it creates a good impact to me.

Sa pag-aadjust ko sa lugar na ito ay nag-adjust din ako sa parents ko. Sa pangatlong buwan ko dito kailangan muna nilang asikasuhin ang business namin sa iba't-ibang bansa kaya naman iniwan muna nila ako. Isang linggo silang mawawala pero they make sure I have supplies for my needs but not my wants.

I remember when I crave for mangoes, a green mangoes with bagoong. Maluha-luha akong bumaba para pumunta sa kusina kaya lang wala akong makitang kapalit ng mangga.

I sit in the couch with a teary eyes but to my surprise there's a voice I heard and when I looked who's that I'm shocked, it's Aleyn and Jimwell.

Lumiwanag ang mata ko dahil sa dalawa at niyakap ko sila ng mahigpit sabay sinabi ko ang gusto kong kainin. Sa una ayaw nilang pumayag dahil sa jetlag pero nung makita nila ang tiyan ko na may baby bump na ngumiti sila at lumapit dito, ilang minuto lang pumayag na silang humanap kahit na medyo imposible.

After that tumira na sila dito kasama ko kaya binibisita na lang ako nila Mommy at Daddy, si Kuya missing in action na naman.

Si Jimwell lang ang halos kasama ko dahil umuuwi ng Pilipinas si Aleyn. Naghanap pa nga ng trabaho dito si Welly, I gave Jimwell a nickname 'cause why not? It's kinda cute. He has a work here in Switzerland para wala siyang dahilang umuwi sa Pilipinas.

"Here's my hotdog with cheese." napangiti ako ng malaki dahil sa nasa harapan ko ngayon. "Ayaw mo talaga ng hotdog....ohhh f..." Alam kong magmumura siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nagmumura sa harapan ko dahil baka marinig ng mga anak ko.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now