UNO🌷

5.5K 68 0
                                    

NAPAUPO ako sa kama habang nakapikit pa ang aking mga mata.

"What was that?" singhal ko sa taong naghila ng kumot ko kaya naman medyo nasilaw ako sa liwanag ng araw.

"Wake up!" baritonong sigaw ng isang tao. "Shut up!" sigaw naman ng may malamyos na boses.

"Please parents, leave my room and continue what your doing in your room!" inis sa singhal ko sa kanila habang inaayos ang pagkakahiga ko.

"It's already five in the afternoon!"

"Give her a rest. She slept late!"

"Mi, kailangan na niyang magready para mamaya. Napag-usapan na natin yan nung isang araw hindi ba? Pumayag siya kaya naman natuloy."

Napaisip naman ako kung ano ang sinasabi ni Daddy pero sumakit lang ang ulo ko dahil sa nangyari. Hangover pa.

"Kausapin mo yan anak mo."

Napamulat na lang ako ng mata ng marinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto ng kwarto ko.

"Sorry sa ginawa ng Daddy mo. It's just..." nginitian ko na lang si Mommy.

"I understand him naman po always."

Lumapit na siya sa akin sabay yakap at halik sa noo ko.

"We are always here to protect you."

***

"Sweetheart, mangako ka," napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko at nakita si Mommy na dahan- dahang sinusuklayan ang medyo wavy na dark brown kong buhok.

"Ano naman po, mom?" natatawang tanong ko dito. Pabiro siyang tumingin ng masama sa akin gamit ang sa salamin ng vanity table ko.

"I really love your eyes, sweetheart. Mabuti na lang at nakuha mo ang mata ng Daddy na siyang nagpatibok ng puso ko." napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya.

"Kaya din po nakuha ako dahil sa mata ko." pabirong sagot ko dito.

Magsasalita pa sana siya nang magbukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa si Daddy, naka-formal wear din katulad ni Mommy.

"Let's go." tumango kaming dalawa ni Mommy kaya nauna siyang lumabas at bago siya sumunod, tiningnan niya muna ako, "Be a good girl, sweetheart." and she kissed my forehead before she left.

Napabuntung-hininga ako bago ako humarap sa isang full size mirror na nasa gilid ng kwarto ko.

Hinawakan ko ang damit ko para damhin ito. Baby pink silk deep v-neck backless dress and for my shoes, it's a rose satin open shoe toe sandal ang dalawa ay galing pa sa Paris, bigay ng isang sikat na designer na kaibigan ni Mommy.

Inilugay naman ang natural dark brown wavy hair ko na may mga silver with diamonds hairclip.

Kaunting make-up lang and a pink lipstick for my face. Tada! I'm ready to go.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko dahil alam kong ayaw na ayaw ni Daddy ang late comers.

Saktong pagkarating ko sa kinatatayuan nila ay ang pagdating ng white limousine na siyang pinagtaka ko. Minsan lang kasi gamitin ang sasakyan na ito at sa mga sobrang importanteng okasyon lang na kagaya ng....fuck!

"Arrange Marriage, again." Not a question but a statement. Napatingin sa akin si Mommy ng nakangiti habang si Daddy naman ay busy sa kausap niya sa phone.

Lagi na lang siyang busy sa mga kasosyo niya sa negosyo, wala na siyang panahon sa amin nila Mom at Kuya. Kaya din siguro naglayas si Kuya, hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung nasaan siya.

Lusting Over You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon