NUEVE🌷

1.8K 27 0
                                    

TWO MONTHS have passed since the incident happened that ruined almost my whole life.

In the first month, I literally on the house because my face is all over on the internet. One time we are having dinner with my family some random girls threw their meal in our table so dad get angry and sue the girls. And after that I got traumatized, I'm afraid to go outside of our house.

After that everything happened smoothly, my name cleared for news because of new controversy that Mr. Ayenn's involved with. The news reported that he's dating a famous model.

Simula ng insidenteng iyon hindi na nagsalubong ang mga landas namin ng mga Mendoza. Kahit na sila Kuya at Daddy hindi na pumupunta sa kanila. At hanggang ngayon nakukunsensya ako. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.

I inhale then exhale.

"Ouch!" sigaw ko dahil sa malakas na paghampas sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Bri pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "What's your problem?!" singhal ko kaya naman she rolled her eyes.

"Ikaw ang dapat tinatanong ng ganyan, what's your problem?" tanong niya habang nakaturo ang daliri sa akin. Hindi ko siya pinansin at uminom na lang ng juice.

Nasa isang restaurant kami ngayon dahil hinihintay namin si Gray para makaalis na kami dito. Kailangan ko ng pumunta sa office para makapagtrabaho na.

I am now a business woman. Ayoko na kasing maging psychiatrist dahil ako mismong hindi ko magawang intindihin ang sarili ko kaya paano ko ipapaintindi sa mga kliyente ko ang sarili nila kung ako mismo hindi ko alam kung paano.

Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid ko dahil pakiramdam ko may mga nakatingin sa akin.

"Bitch! Eyes on me!" napatingin ako kay Bri na nakatingin sa akin na nag-aalala. "I-i'm...I'm...sorry." sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya sa akin.

"Are you okay?" tanong niya kaya napailing ako. Wala naman ding mangyayari kung magsisinungaling pa ako sa kanya, she's my bestfriend after all.

"I'm going to a psychiatrist." mabilis kong sambit kaya naman hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti sa akin.

"Samahan kita." umiling na lang ako sa kanya. "No. I want to do this alone."

Aangal pa sana siya nang sumulpot si Gray kaya naman napalo siya ni Bri. "Ano ka ba namang gago ka!" sigaw niya kaya naman napasimangot siya habang paupo, napangiti na lang ako sa inaakto nila. They're cute.

"Kanina pa ba kayo dito?" tanong niya habang tumatawag ng waiter pero napatingin siya ulit sa aming dalawa ni Bri dahil walang sumagot sa tanong niya.

He just smiled. "Ang tanga mo naman self, bakit mo naman pinaghihintay ang mga magagandang binibini? Kailangan ka dapat mauna kapag kasama mo sila. Dapat ikaw ang naghihintay. Gago ka self!"

We just rolled our eyes because of what he said. Childish.

"Para makabawi ako, ililibre ko kayo kahit anong gusto niyong dalawa!" Napatayo kaming dalawa ni Bri kaya naman napangisi si Gray.

"Bago ang lahat, upo muna kayong dalawa para kumain." Hindi kami sumunod sa gusto niya. "Upo!" sigaw niya kaya naupo kami agad at saktong dumating ang waiter kaya naman nag-order kaming dalawa ng mga pagkain. Marami at masarap ang pagkain ko dahil libre, sulitin ko na.

Malapit na akong matapos sa pagkain nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.

Doc. Zamora;

I'm here at the office you can visit me.

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya kaya naman napatingin ang dalawa sa akin. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Here." Bri offered some mint so I accepted it. "Want us to accompany you?" umiling na lang ako. Alam ko kasing may lakad din sila ngayon at ayokong masira lang dahil sa akin.

Marami na akong nasirang mga plano nila dahil gusto nila akong samahan. Kahit na ang mga magulang ko at si Kuya ay laging nasa tabi ko dahil daw ayaw nila akong mag-isa. Takot sila na mag-isa ako dahil sa pwede kong gawin at isipin.

Kaya ngayon, nagpagdesisyon na ako to consult a professional. Walang masama kung magpapatingin ka sa doctor dahil ang masama ay sasarilinin mo lang ang problema mo na pwede mong ikasira ng buhay mo.

Alam ko namang nandyan naman ang pamilya at kaibigan mo para tulungan ka pero para sa akin kailangan mo ding tulungan ang sarili mo para maging maayos ka. Mahirap tanggapin ang magiging resulta pero ang unang hakbang para maging maayos ka ay ang pagtanggap sa sarili mo.

Huwag na huwag mong hahayaan na diktahan ka ng mga taong nasa paligid mo. Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi nila.

"Euphoria!" napatingin ako sa tumawag at nakita na naman ang mga mata nilang dalawa na nag-aalala. "I'm okay." wala sa sariling sabi ko sa kanila.

Tumabi si Gray sa akin sabay akbay. "It's okay not to be okay but it's not okay not to say that you're not okay. Hindi dahil sinabi mong okay ka, okay na din kaming lahat na nagmamahal sayo. Alam mo bang mas nasasaktan kami kapag sinasabi mong okay ka? Dahil alam namin na hindi ka okay. Huwag mong itago ang nararamdaman mo dahil ayaw mo ng makaistorbo sa mga taong mahal mo. Tandaan mo, mahal ka namin kaya hindi ka istorbo."

Biglang lumipat din si Bri sa tabi ko kaya naman napapagitnaan na nila ako. "Mahal na mahal ka namin. Gagawin namin ang lahat para makita na ulit namin ang Euphoria, ang totoong Euphoria at hindi ang Euphoria na ginagawa ang lahat para maging matapang kahit na hindi na niya kaya."

Napaiyak na lang ako sa sinabi nilang dalawa sabay yakap sa kanila ng mahigpit. "Mahal ko din kayong lahat. Gagawin ko na ang lahat para maging maayos na ako para na rin sa sarili ko. Pagod na akong magtago sa dilim."

"Osige na, sige na. Tumayo ka na dyan para makarating ka na sa hospita, pakamusta na lang ako kay Luth...ouch! Charot!" sinamaan niya ng tingin si Gray dahil sa pagpitik nito sa noo niya.

"May jowa ka na!" sigaw niya sabay turo sa akin. "Ibigay mo na kay Euphoria yong panget na yon!"

"Gwapo kaya siya!" sabay na sigaw naming dalawa ni Bri kaya naman napayakap kaming dalawa habang tumatawa sa naging reaksyon ni Gray. Pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya, katawa.

Tumayo siya sa inis pagkatapos niyang tawagin ang waiter para sa bill namin. "Sa susunod ko na lang kayo ililibre, magpalibre kayo sa Luther na yon!" sigaw niya sabay alis kaya naman natatawa namin siyang sinundan.

"Mahaba-habang suyuan na naman ang magaganap sa inyong dalawa niyan." sabi ko sa kanya pero umiling siya sabay yakap sa braso.

"Baliktarin natin ang sitwasyon." pagbibiro niya kaya naman napailing na lang ako. "Baliw ka talaga!" sigaw ko kaya naman natawa siya.

"Joke lang naman! Ang mga lalaki kailangan ding suyuin nating mga babae. Kailangan nating ipakita sa kanila na mahalaga din naman sila at mahal natin sila katulad ng gingawa nila sa atin. Mag-effort din tayo sa kanila kagaya ng gingawa nila kapag may toyo tayo o sumpong. Kung gusto mong gawin ka nilang reyna, kailangan mo ding gawin silang hari. Tandaan, hindi sila atm machine na kapag gusto mo ng ganito at ganyan ay ipapabili mo na sa kanila, matuto kang bilin ang mga ito sa sarili mong pera. Magkasintahan kayo, pantay dapat lahat ng binibigay niyo sa isa't-isa. Magkasama kayo sa bawat pagsubok na darating sa buhay niyo. And I thank you!"

"Bitch!" sigaw ko dahil sa panghuling sinabi niya. Natawa siya sabay harap sa akin. "Yun ang sikreto ng relasyon namin ni Gray, give and take relationship. Pinagpatuloy lang namin ang pagkakaibigan sa ibang paraan para walang pressure."

"Bye na." sabi ko sa kanya nang makarating kami sa sasakyan namin. Humalik ako sa pisngin niya at niyakap siya. Pumunta din ako kay Gray na nakasimangot pa rin pero hinalikam niya din ako sa noo sabay yakap din sa akin.

"Ingat ka. Ayaw mo bang samahan ka namin?" Umiling na lang ako sa kanya. "I can handle it. Ako pa ba?"

"Byeeeee!" sigaw ko kahit na alam kong hindi na nila ako papansinin dahil nagtutukaan este nagsusuyuan na sila.

Napaisip ako, tama lahat ng sinabi ni Bri para magkaroon ng matatag na relasyon.

Noted.

Baka lang naman kailanganin ko.

|PrinsesaIkay 👑|

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now