TREINTA Y CUATRO🌷

1.3K 23 0
                                    

Euphoria.

IT'S BEEN THREE YEARS since I smell this kind of air-- the polluted air of the Philippines.

"So hot!" napatingin ako kay Sunshine na nagpapaypay gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa ay nakahawak sa akin.

"Skye! Comeback here!" sigaw ko ng bumitiw si Skye sa pagkakahawak ko sa kanya dahil sa bigla siyang tumakbo. Sinundan ko siya at nakitang papunta siya kay Jimwell na ngayon ay inaayos ang gamit na dala-dala namin pauwi.

Nag-usap silang dalawa. Nakaluhod si Jimwell at nakapamaywang naman si Skye. Seryoso silang nag-uusap pero ilang sandali lang tumawa si Jimwell sabay gulo ng buhok kay Skye na siyang ikinasimangot nito. Nilahad ni Jimwell ang kamay niya kaya mabilis hinawakan ng anak ko ito at sabay silang pumunta sa pwesto namin ni Sunshine na panay reklamo na dahil sa init.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko kay Jimwell pagkalapit nila sa amin pero ngumiti lang siya sabay halungkat sa bag niya. Pumunta naman sa tabi ni Sunshine si Skye at pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo niya. Nakaramdam din ako ng pagpunas sa pawis ko kaya napatingin ako kay Jimwell na seryoso sa ginagawa niyang pagpupunas.

"Here," nataas ako ng kilay sa inabot ni Jimwell kay Skye at ikinatuwa naman ito ni Sunshine.

"Can you carry me Daddy?" tanong ni Sunshine habang naka-spread na ang kamay niya sa harapan ni Jimwell. Mabilis at walang pag-aalinlangan namang sumunod siya.

Tumingin ako kay Skye na tumingin din sa akin. Mabilis siyang umiling. "Big boy." maikling sagot niya sa akin at kinuha na ang kamay ko.

Hindi na namin alam kung paano na dadalhin ang mga bagahe namin dahil sa pagbuhat ni Jimwell kay Sunshine. "Baby can you just walk..."

"No Mommy. My legs hurt." maarteng sagot niya sa akin kaya naman umiling na lang si Jimwell. "Parating na ang sundo natin. Hayaan mo na siya." bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. He's spoiling the kids every second kaya minsan hindi na sila nakikinig sa akin.

"I'm not spoiling them. I'm giving my best to do what they deserve, what you all deserve." He said because he knew I'm going to explode.

"They are here!" sigaw ni Skye habang malayo ang tingin. Sinundan ko ang tingin niya at nakitang nandito na nga ang sundo namin.

"Finally!" sigaw ni Bri habang papalapit sa amin, I mean sa kambal. "My inaanak are here! Hug your beautiful ninang!" Natawa kaming lahat dahil wala ni isa ang pumunta sa kanya. Nakayuko pa naman siya habang naka-ready ang kamay niya sa pagyakap sa mga bata.

Nilagpasan siya ni Gray na natatawa sabay lapit sa pwesto ko. Yumuko siya kay Skye at nagfist-bomb sila. Yinakap niya ako sabay punta kay Jimwell na nakipagfist-bomb din habang kay Sunshine katulad ko niyakap din niya.

"Welcome to the Philippines!" sigaw niya habang kinukuha ang mga gamit namin. "Bri, galaw-galaw baka ma-stroke!" sigaw niya ulit kay Bri na hindi makapaniwala sa nangyari kanina. Pinahiya siya ng mga bata.

"Loves, go and hug your ninang." pag-uutos ko kaya naman mabilis silang pumunta dito na siyang ikinatuwa ng bruha.

Hanggang sa byahe hindi na tinantanan ni Bri ang kambal dahil sa tagal na niya itong nakita. Last year ang huli silang nagkita noong birthday ng kambal dahil sa busy sila sa negosyo nila ngayon.

Masyado ding napatagal ang pag-uwi namin sa dito sa Pilipinas dahil pinatapos muna namin ang kontrata ni Jimwell sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Ayaw pa nga niya na tumagal kami ng mga bata sa Switzerland, mas ayaw naman namin siyang iwan na mag-isa lalo na ang mga bata.

"You can sleep muna, malayo pa naman tayo." bulong ni Jimwell kaya naman napahiga ako sa balikat niya habang si Skye ay nasa legs niya nakahiga at si Sunshine na kay Bri kasama si Gray na nasa harapan namin.

Lusting Over You ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora