TREINTA Y UNO🌷

1K 22 0
                                    

Third Person.

"Where she is?!" dumagundong ang malakas na sigaw ni Ayenn sa buong opisina.

"S-sir...may.. may humaharang po sa imbistigasyon namin... wala po kaming makuha..." hindi na natapos ang sasabihin ng taong nanginginig na sa takot dahil sa mabilis kinuha ang mga papeles na nasa lamesa na binigay ng mga private investigator na kinuha ni Ayenn. "Mga walang kwenta! Lumayas kayong lahat sa opisina ko mga putang-ina niyo!"

Nanghihina siyang napaupo sa kanya upuan habang salo-salo ang kanyang ulo. "I miss you, Love." wala sa sariling bulong niya.

Ilang buwan na any nakakalipas nang mawala sa tabi niya si Euphoria. At ilang buwan na rin siyang gulong-gulo ang isip dahil dito. Kahit na anong gawin niyang paghahanap dito at hindi niya ito matagpuan, para bang may humaharang sa mga impormasyon tungkol sa dalaga.

"What the hell, twin!?" Rinig niyang sigaw ng taong matagal na hindi nagparamdam sa kanya. "What the fuck did you do to my fucking twin? Oh fuck, ang sarap magmura."

Hinarap ni Ayenn ang taong parang tanga na kinakausap ang sarili niya. "What the fuck?!" Singhal niya dito kaya napasara naman ng bibig si Aleyn nang marinig niya ang sigaw niya at ang matalim na tingin ng kambal niya.

"Sup?" Awkward na tanong ni Aleyn sabay upo sa upuan na nasa harap ng kambal niyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Where's Euphoria?" Deretsahang tanong nito na hindi pinansin ang tanong ng kambal niya.

Aleyn shrugged. "Don't know?"

Mabilis tumayo ang kakambal niya at sinugod siya. Hinawakan niya ang kwelyo nito. "I know you know, where she is! Tell me, where the fuck she is?" Dagdag niya pa ngunit nginisian niya lang ito dahil sa nakikita niya sa mga mata ng kambal. Desperado, galit, pagod at takot ang makikita sa mga mata ng Senator. Desperadong makita ang kanyang mag-ina. Galit dahil itinatago nila ang mga ito sa kanya at takot na hindi na niya ito makita pang muli.

"I know you know why we are hiding them to you," malamig na wika nito sa kambal niya. "Let her go. Move on." Dagdag nito sabay alis ng kamay ng kambal niya at mabilis na nilisan ang opisina nito.

Napahilamos ng mukha si Ayenn pagkaalis ng kambal niya. "Tangina!!" Sigaw niya dahil sa nangyayari sa kanya.

Mabilis siyang dumeretso sa kanyang kwarto na pinagawa niya sa loob ng opisina. Dito na siya natutulog, hindi, dito na siya tumira pagkatapos mawala ni Euphoria na parang bula.

Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Halata ding napabayaan na niya ang sarili. Magulo ang mahaba niyang buhok na natatakpan na ang asul niyang mata na gustong-gusto ng mga tao sa kanya lalo na si Euphoria. May balbas at bigote na din siya na nagpadagdag ng edad niya. Magulo at gusot din ang kanyang suot na wala na sa tamang butones.

Naging subsob siya sa trabaho niya sa kumpanya ngunit binalewala niya ang mga isyu sa kanya sa gobyerno. Ang tanging naglinis ng pangalan niya ay ang kanyang ama at ina dahil wala na siyang pakialam sa kanyang katungkulan.

Napangiti siya ng mapait dahil naalala niya ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pulitika.

FIRST YEAR college. Napagpasyahan ni Ayenn na humiwalay ng paaralan sa kambal niya dahil parehas sila ng kursong kukunin at hindi na naman maiiwasan ang pagkukumpara sa kanilang dalawa. Ayaw niyang nangyayari ito. Magkaiba silang kakambal niya, magkamukha man sila iba naman sila sa lahat ng bagay.

"Let's visit your twin! I miss him!" Napailing si Ayenn dahil sa sinabi ng kaibigan niya. "No," matigas sa sagot niya kaya narinig niya ang pagmamaktol ng kaibigan.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now