VEINTICUATRO🌷

1K 20 0
                                    

EMPTY. That's what I felt this past few weeks. I don't know what to feel and how to feel again. There's something missing in my heart.

"Let's go outside?" Umiling lang ako sabay ayos ng kurtina na hinawi ko para tingnan kung may naghihintay ba sa akin sa labas. Umaasa na darating siya dahil sabi niya mahal niya ako.

"Euphoria!" sigaw niya kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Don't use that smile to me!" inis na sigaw niya. Masyado na siyang maingay.

"Don't you have work?" hindi niya ako pinansin dahil pumunta siya sa sofa para manood na naman ng Netflix. Wala bang account ang lalaking ito at dito nagkakampo?

"Come here," yaya niya sa akin habang ang kamay ay nakaturo sa tabi niya.

"Engineer Torres?" malamig kong sambit. "Babe for short!" sigaw niya ulit sa akin at binalewala ang malamig kong tingin sa kanya. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang umupo sa tabi niya para manood ng kung ano-ano.

Isang linggo na ang lumipas noong nalaman kong may anak at babae si Ayenn. Sa loob ng limang araw ko sa hospital hindi niya ako nagawang puntahan para kamustahin. Kahit na ang parents niya at kambal walang pumunta.

Noong isang araw lang ako nilabas, pagkarating ko sa bahay namin nakita ko si Jimwell sa harapan ng gate namin. Medyo malayo ang lugar nila at hindi ko naman sinabi kung saan ako nakatira kaya nakakapagtaka na lumitaw siya bigla. Hindi ko din inaasahan na madaling mapalapit ang loob nila Mom, Dad, Gray at Bri sa kanya. Si Kuya wala akong balita sa kanya, ang alam ko lang nasa ibang bansa siya hindi ko alam kung bakit.

I am mentally unstable kaya naman walang nag-iiwan sa akin mag-isa. Napatingin ulit ako kay Jimwell na masayang-masaya sa pinapanood niya habang may pagkain na nakahanda sa harapan niya.

"Let's eat?" tanong niya kaya umiling ako. "Okaaay! I'm going crazy! Magbihis ka at may pupuntahan tayo." Hindi ko siya pinansin kaya mas lalo siyang nainis.

Lumapit siya sa akin habang ako hindi gumagalaw sa kinauupuan ko. Palapit siya nang palapit kaya naman nakita ko ang sarili ko na palayo nang palayo. "Afraid, Babe?" pang-aasar siya kaya ngumisi ako at pumunta sa tabi niya. Nagkapalit tuloy kami ng posisyon, nasa ibabaw na ako habang siya ay nasa ibaba ko.

"Fuck! Porn!" rinig kong sigaw malapit sa amin at narinig ko din ang malakas na paghampas sa sumigaw dahil napa-aray siya.

"Iyan pala ang pinagkakaabalahan mo? Ang ganda naman tingnan." Malamig na may halong galit na sambit ng isang kilalang kong tao na matagal ko ng hinihintay. Napaayos ako ng upo ganoon din ang katabi ko.

Malamig ko siyang tiningnan na nakatingin din pala sa akin at nakita ko ang pag-igting ng panga niya, bumaba ang tingin ko sa kamay niya na halata mong galit na galit sa nangyayari.

"You're not welcome so what the fuck are you doing here?" tanong ko kaya nag-iwas siya ng tingin. "I need to talk to you."

Tumawa ako ng mahina sabay tingin sa katabi ko na matalim na nakatingin kay Senator. "Niyaya niya akong lumabas kaya hindi ako pwede. Wait for me babe, I'm gonna go change my outfit." Wala sa sariling tumango ito kaya mabilis akong tumayo para pumunta sa kwarto ko.

Narinig kong tinawag ako ng Senator pero hindi ko na ito pinansin at mabilis na dumeretso sa kwarto ko para makapagbihis na.

I chose black long sleeves crop top off shoulder and a plaid black skirt above the knee with a small slit in the left side. I paired my outfit with white converse shoes. Lastly, I bun my hair and apply light make-up to complete my look.

"Wala na si Senator, babalik na lang daw siya kapag walang pesteng umaaligid sayo." napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni Bri. "Nagtatanong?" sambit ko sa kanya kaya natawa siya. "Share ko lang. Bye na! Inistorbo lang kami ni Senator kasi gusto niyang lumabas at mamasyal kaya lang may plano na pala kayo."

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now