QUINCE 🌷

1.3K 21 0
                                    

NAPAMULAT ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko pero bigla akong napatayo.

"What happened?" tanong ko habang nakayuko at iniisip kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang ay ang nangyari sa amin ni Senator, yun lang. Bakit ako nandito sa bahay?

Kailangan ko ng nagdesisyon. Hindi dapat ganito ang nangyayari sa buhay ko, masyadong magulo. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng karamay na katulad ni Mommy at ng mga bestfriends ko pero bakit naman sobrang komplikado ng nangyayari!

Tumayo ako at biglang may lumipad na papel kaya naman kinuha ko ito.

Hindi na kita ginising dahil halatang pagod na pagod ka sa nangyari sa atin. Have a nice day, honey. Don't worry walang nakakita sa ating dalawa.

Ayenn.

I need to clean this mess.

***

ISANG ORAS ang tinagal ko para makapag-ayos ako ng sarili. I am just wearing white tank top black midi skirt and a white converse.

"Good Morning, Mom and Dad!" bati ko sa dalawang nakaupo sa dining area.

I kissed them both.

"Ang aga mong natulog kagabi at ang aga mong aalis ngayon, ayaw mo na ba kaming makasama?" napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy na may pagtatampo ang tono.

Niyakap ko siya sa leeg. "Alam niyo naman pong kayo ang pinaka-gusto kong makasama kaya lang may kailang lang po talaga akong puntahan."

"Ihahatid na ki..." pumunta naman ako sa pwesto ni Daddy at pinigilan siya na tumayo. "Dad, I'm okay. Pahinga muna kayong dalawa dahil alam ko pong ang dami niyo pong ginawa."

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanilang dalawa. Sumisigaw pa sila na kumain muna ako bago umalis kaya lang hindi ko na sila pinakinggan dahil alam kong kung ano-ano na naman ang ipapakain nila sa akin at aabot ng kalahating araw dahil magkukwentuhan pa kami.

NAGTAXI na lang ako papunta sa hospital, ayokong makaabala kahit na kanino at alam kong hihintayin nila akong matapos kapag may naghatid sa akin.

Inayos ko muna ang sarili ko pagkatapos kong bumaba ng taxi. Minasahe ang labi ko at huminga ng malalim.

You can do this, self!

Ngumingiti, bumabati at nakikipagkwentuhan sandali ang mga ginagawa ko sa tuwing may nakakasalubong akong kakilala ko.

Tinatanong nila kung bakit ako umalis ng trabaho at kung may asawa na ba daw ako. Ngumiti at umiling lang ang mga sinasagot ko sa mga ito.

"Doc. Ria!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ang secretary ni Aleyn na papunta sa akin habang nakangiti.

"Sophia!" nakangiting sambit ko sa pangalan niya.

"Si Aleyn?" natigilan siya sa tanong ko pero ilang segundo lang yon dahil nakangiting humarap siya sa akin. "May meeting po siya pero malapit na din pong matapos. Hintayin niyo na lang po siya sa opisina niya?" Umiling ako. "Maglilibot-libot muna ako sandali tapos deretso ako sa opisina niya." Tumango na lang siya kaya tumalikod na ako.

I smell something fishy!

Pumunta na lang ako sa mini forest ng hospital dahil na-miss kong pumunta dito. Noon kasi kapag stress ako sa trabaho dito ako nagpapalipas ng oras o dito ang safe haven ko. Sariwang hangin at maraming mga halaman na may iba't-ibang uri, kulay ganoon din ang laki.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now