VEINTIUNO🌷

1.1K 23 0
                                    

"WHERE ARE YOU GOING!" Napapikit ako nang marinig ang malakas na boses ng panira lagi ng araw ko.

"Kakain," Walang ganang sabi ko dito at nilagpasan na siya para bumababa ng hagdan.

"W-wait..." he grabbed my wrist kaya naman tumingin ako sa kanya gamit ang blanko kong mukha. "Jimwell... I mean Engineer Flores..."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin kaya napahinto siya sa pagsasalita. "Mind your own business." Sabi ko sabay balik sa kwarto ko.

Three days have passed and I'm stuck here with the twins na walang ginawa kung hindi pakialaman ang buhay ko. Mas naging matanong sila nang malaman nila na si Jimwell ang nakakasama ko sa tuwing aalis ako ng bahay.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto. Umiinit pa rin ang ulo ko sa nangyari sa unang dating ko dito.

"Aaaaaah!" Sigaw ko habang nakatakip ng unan sa bibig ko para walang makarinig at masabihan na naman ako ng nag-iinarte.

Nag-iinarte pala!

ILANG BESES akong huminga ng malalim habang nakaharap sa malaking pintuan ng mga Mendoza.

I don't know why I'm here. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako pumayag na tumira muna dito.

Isa pang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ako kumatok ng pinto.

"The hell! Bakit hindi ako pagbuksan ng mga ito!"

Aalis na ako dahil sa sakit ng kamay ko sa kakakatok nang may isang babaeng espasol ang nagbangga sa akin kaya nasaktan ako. Hindi niya ako liningon dahil dire-diretso siya sa pinto. May pinindot siyang...doorbel? Fuck! Nasaktan mga kamay ko dahil sa katangahan ko!

Ilang segundo lang bumukas ang pinto at sabay sunggab naman ng halik ng espasol. May naramdaman akong kirot nang makita ko kung sino ang hinalikan niya.

"Senator!" sigaw ko kaya naman napatingin siya sa akin sabay tingin sa babaeng nasa tabi niya ngayon. "You go first." sabi niya kaya masama akong tiningnan ng babae. I smiled at her.

Binuksan niya lang ang pinto at nauna ng umalis. Hindi man lang niya ako tinulungan kahit na dalawang maleta at isang backpack ang dala ko.

Wala akong nagawa kung hindi tingnan lang siya ng masama habang paalis na papunta sa malanding espasol na haliparot.

Nahihirapan man dahil sa bigat ay nakayanan ko naman dalhin hanggang sa living room. Nakita ko din na nakaupo sa kandungan ng Senator ang babae habang naglalaplapan sila.

Malakas kong binaba ang mga dala ko kaya napatingin ang espasol. "You! Prepare our drinks! Hindi yung tutunganga ka lang dyan!" sigaw kaya mas lalong nag-init ang ulo ko.

Hindi ko man alam kung saan ang kusina, sinundan ko lang ang instinct ko. Naligaw ako sa una pero nahanap ko naman. Mabilis akong nagsalin sa baso at mabilis akong pumunta sa harapan nila sabah tapon sa mga ito.

"You bitch!" sigaw ng espasol at nang susugurin niya ako nang hilahin siya ng senator sabay tingin sa akin. "Sit" malamig niyang sabi kaya wala ajong nagawa kung hindi ang umupo sa sofa na kaharap nila.

"Say sorry to her, Euphoria." Nawala ako sa sarili nang marinig ko ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Bakit mas gumanda ito nang lumabas ang pangalan ko sa masarap niyang mga labi.

"Euphoria, say sorry to her!" Matigas ngunit nagbabantang sabi niya kaya napataas ako ng kilay. "Why would I?" Tanong ko kaya tiningnan niya ako ng masama.

I sighed in defeat. "Sorry!" Sigaw ko kaya ang espasol, ngumiti sa akin ng nakakaloko. Naupo ako na may sama ng loob hanggang sa dumating si Aleyn.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now