VEINTE🌷

1.2K 24 0
                                    

"MOMMY! Bakit naman po ang bilis niyong nagdesisyong umalis atsaka po na saan po ba si Kuya? Pwede naman po dito lang ako sa bahay with him!"

Binalik ko ang mga nilalagay ni Mommy sa maleta niya kaya naman napalo niya ako sa kamay.

"Mommy naman e!" sigaw ko pero balewala lang sa kanya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sabay gulo ng buhok at gumulong-gulong na sa kama nila Mommy.

Kanina pa ako dito sa kwarto nila ni Daddy pero hindi niya ako sinasagot sa mga tanong ko o hindi man niya ako pinapansin. Parang hangin ako lang ako sa kanya.

Pagkatapos kasi ng nakakahiyang breakfast umalis na silang lahat. Nalaman ko din na ngayon na din ang alis nila kaya pinageempake na rin ako para sa dadalhin ko sa paglipat ko sa mga Vasquez. Hindi ko sila sinunod, mas pinili kong guluhin si Mommy kaysa magempake sa damit ko.

"Mommy! Tao po ako, taoooo!!" sigaw ko pero wala pa rin siyang sagot. "Na saan po ba si Daddy?" Pagkasabi ko non pumasok si Daddy na may dalang maleta kaya naman napatayo ako.

"Saan po galing yang maleta?"

"Sayo gamit yan!" sigaw ni Mommy kaya napatayo ako sa gulat. "Daddy naman bakit niyo naman po inempake mga gamit ko? Okay lang naman po ako dito kaya no need na lumipat ako ng bahay. Mabilis lang naman po kayo atsaka nandito naman po si Kuya kasama ko."

Umupo si Daddy sa tabi ni Mommy na busy sa pagtutupi, hinalikan niya sa pisngi si Mommy at may binulong kaya naman natawa si Mommy. Humarap sila sa akin kaya naman naupo ako sa sahig sa harapan nila pero tinapik ni Mommy ang kama sa gitna nila kaya naman mabilis akong umupo doon.

"Kung hindi ka naman komportable sa dalawang iyon hindi na kami tutuloy ng Daddy mo. Hindi talaga kita pwedeng iwan dito sa bahay dahil wala kang kasama, ang Kuya mo ay pupunta sa ibang bansa for some personal reason daw. Ayaw naman talaga naming umalis kasi ayaw ka naming iwan dito. Alam mo naman na hindi kami umaalis na hindi ka kasama kaya nakakadalawang-isip gawin." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy kaya naman niyakap ko siya at naramdaman kong nakayakap na rin si Daddy sa amin.

"Ayoko naman pong maging kontrabida kaya payag na nga po akong tumira muna sa kambal. Ilang araw lang naman po kayo doon hindi po ba?"

Umiling si Mommy kaya naman nanlaki ang mata ko. "One week kami, sweetheart."

"Mommy! Daddy!" sigaw ko.

"Okay lang naman yon! Close na nga kayo ni Ayenn kaya alam kong magiging masaya ang pagtira mo ng isang linggo doon sa kanila. Mabait ang kambal at may mga kasambahay naman sila. Alam ko namang darating din ang mga kaibigan mo doon, sinabihan ko na sila para hindi ka mabored."

Napabuntung-hininga na lang ako. 'Ano pa bang magagawa ko, go with the flow na lang.'

***

NAKATAAS ANG KILAY ko habang ang mga kamay ko ay nakakrus sa dibdib ko. Ilang beses akong huminga ng malalim para pigilan ko ang galit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

"E-uphoria!" Napatingin siya sa harapan ko at parang may namukhaan kaya naman napangiti siya. "Babe! Nandito ka na pala."

Kusang nagningning ang mga mata ko nang mabilis na pumunta si Aleyn sa tabi ko kaya naman walang pagdadalawang isip na hinawakan ko siya sa kamay, nakaholding hands na tuloy kami.

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Ayenn sa mga kamay namin ng kambal niya pero nawala din ito nang hilahin siya patayo ng isang babae na napakalandi.

I rolled my eyes because of irritation. Alam kong halata na ni Aleyn na asar na asar na ako sa nasasaksihan ko sa harapan ko ngayon dahil natatawa siya sabay iling kaya naman siniko ko siya. Natawa ako sa ginawa niya na oa na reaksyon na naging dahilan na tumingin ang dalawa sa amin. Tinaasan ako ng kilay ng haliparot na babaeng mukhang espasol kaya naman nginitian ko siya ng matamis na para mapuntahan siya ng mga langgam at dalhin na papalayo sa akin.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now