VEINTIOCHO🌷

984 22 0
                                    

Euphoria.

"ARE you happy?" I asked to the man who's in my lap while we are in the sand watching the sunset.

Napatingin siya sa akin. Nakikita ko kung gaano siya kasaya ngayon dahil ang mga labi niya ay nakaguhit ang matamis na ngiti hanggang sa kanyang matang nagkikislapan.

"This is just my dream. You and Me, watching the sunset. No problems." sambit niya habang nakatingin sa akin at hinahaplos anh mukha ko.

"Don't be so happy, there's a after math remember that." Pagbibiro ko kaya naman tumayo siya, umayos ng upo sabay yakap sa akin.

"It's worth it. I will accept that because I felt this kind of happiness." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at napatingin na lang sa papalubog na araw.

Pagkatapos naming nagkaaminan hindi kami bumalik sa Villa, tinakasan namin ang problemang nandoon. Pumunta kami sa pinaka-dulong parte ng beach para doon magpalipas ng oras magkasama, walang istorbo.

But there's no permanent in this world. Natatapos ang lahat katulad ng nangyari sa amin ngayon. Magkahawak kamay kaming naglalakad pauwi sa Villa dahil paggabi na at nagugutom na kaming dalawa.

"Mauna ka na sunod ako, magpapahangin lang ako sandali." sabi ko sa kanya sabay bitaw ng kamay ko sa kamay niya.

Napatingin siya sa akin sabay kunot-noo. "I want them to know that you're mine now!" May diin na sabi niya habang umiigting ang panga at pataas-baba ang adams apple. Ang hot niya.

"Masyadong mabilis ang nangyari at baka magulat sila. Let's take our time." Walang ganang sabi ko kaya naman narinig ko siyang huminga ng malalim at naramdaman ang paghalik niya sa noo ko. "Alright! Pasok ka kaagad dahil medyo malamig na at baka magkasakit ka." Tumango lang ako sa kanya sabay ngiti. Huminga na naman siya ng malalim at umiiling na pumasok sa villa.

Masyadong naging magulo, sobrang bilis ng relasyon namin. May hindi tama. Nagkita kami, nagtalik, nagkaroon ng problema, hindi na magkita at ulit sa umpisa. Laging ganoon. At hindi ko masasabing relasyon dahil wala kaming label o wala kaming naging label.

"Masyadong malalim ang nasa isip mo, mas malalim pa sa dagat na pinagmamasdan mo. Ang layo ng iniisip mo, mas malayo pa sa napakagbadang buwan na nagbibigay liwanag ngayon." Hinanap ko ang nagsalita. Nakita ko siyang nakaupo sa duyan na nasa garden malapit sa kinatatayuan ko. "Ako nga pala si Jewell, kapatid ni Jimwell at Mommy ni Rowell," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya kaya naman walang pagdadalawang isip ko itong tinanggap.

"Ang ganda ng pangalan niyong tatlo pero parang nakalimutan mong idadag ang future asawa ni Senator Ayenn." Pabirong sambit ko pero napakasakit nito sa aking puso.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano baka sa ginagawa mo hindi mo na alam na nawawala na sayo ang meron ka sa harapan mo. Saksi ako sa pagmamahal ni Ayenn sayo mula noong una pa. Nakita ko na sa simpleng atraksyon niya sayo lumalim pa hanggang sa hindi ka na mawala sa isip niya at naging laman ka din ng panaginip niya. Masaya ako dahil worth it na pinili ka niyang iligtas kaysa sa samahan niya ako. Dahil sa unang pagkakataon, nakita ko sa mga mata niya ang saya noong kasama mo siya kanina. Nakita ko sa mata niya na wala siyang kakayanin niya ang lahat ng problema basta kasama ka dahil ikaw ang naging lakas niya." Napakurap ako sa sinabi niya. "What the fuck are you talking about?!" Sigaw ko kaya naman nanlaki ang mga mata niya sabay takip sa bibig niya. "Ooopsss, I spill the tea!"

"Spill the rest of the tea!" Sigaw ko kaya nagtaas siya ng kamay sabay tango-tango. "Noteed!" Sigaw niya.

"Shocks, bakit ba ang daldal ko! I spoil the moment!" hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ano dahil nakayuko lang siya at mahinang nagsasalita.

Lusting Over You ✔Where stories live. Discover now