DGH 16

4.2K 204 7
                                    

Chapter 16

******************************************************

James P.O.V.

"James!" Gulat at mahinang sabi nito

Ngumiti ako, ngiti na may halong pait.

Sobrang sakit lang kasi ang saya niya tignan kasama ang babaeng ito.

"You're James?" Sita naman ng babaeng katabi nito, tumango nalang ako.

"So you are my fiance's gay husband. Alam mo ba last week ka pa kinukwento sakin ni Mathius" Ang masaya niyang sabi.

"Magkasama kayo last week pa?" Ang nagtataka kong tanong

"Yeah, we went in Baguio together." Saad naman nito

"Mag usap nalang tayo bukas James!" Singit ni Mathius sa usapan namin pero di ko sya pinansin.

"Alam mo palang may asawa si Mathius pero nilandi mo! Alam mong he's already married pero pumayag kang magpropose sya sayo?" Puno ng poot kong sabi.

"What did you just say? Nilandi ko si Mathius?" Saad nito at nawala ang ngiti sa kanyang mukha

"Oo tama ang narinig mo! Malandi ka!" Galit kung sigaw sa kanya

"I didn't flirt with your husband it's just that we love each other or shall I say he love me enough para makalimutang kasal sya sayo." Saad naman nito, at ipinamukhang mas mahal siya ni Mathius kay sa saakin.

Sya ba ang tinutukoy ni Mathius na mahal niya!

Paano na naman ulit ako? Takot kong tanong sa sarili ko.

"Wala akong pakialam kong mahal niyo ang isat isa, mananatili kang fiancee niya dahil kasal kami!" Galit kong saad sa kanya

"No! You're wrong, my fiance promised to file an annulment para anytime soon pwede na kaming magpakasal" Taas noong sabi naman nito.

Bigla namang  nagsikip ang dibdib ko, ganon ba ka walang importansya sa kanya ang kasal namin? Tumingin ako kay Mathius at alam ko naaawa sya sakin. Kahit di ko pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari, alam ko sa sarili ko na ito na ang araw na kinatatakutan ko, ang mabaliwala ulit dahil may bumalik.

"Malandi ka pala eh!" Malakas kong sigaw, wala na akong paki alam sa mga tao sa paligid na ngayoy nakatingin na lahat samin.

Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal at sinabunotan ko sya.

"Stop this James! Wag ka dito gumawa ng gulo!" Pagpigil ni Mathius sakin, pero di ko sya pinakinggan at pinagpatuloy ang aking ginagawa, gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, dahil sa babaeng ito mababaliwala na naman ulit ako, mawawalang saysay na naman ulit ang mga ginawa ko para maging okay ang pagsasama namin.

*PAAAAAKKKKK* 

Isang sampal ang nagpatigil sakin.

Sobrang sakit. Kasi akala ko icocomfort ako ni Mathius, akala ko sasabihin niya na it's just a nightmare pero sya pa mismo ang sumampal sakin para iparamdam sakin na lahat ng ito ay totoo.

*PAAAAKKKK*

Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko.

"Who gave you right to hurt my daughter!" Galit na sabi ng babaeng sumampal sakin.

"Tell the guard to take this boy out of my place!" Sigaw niya sa mga maid.

"Darling are you okay?"

"Are you okay?" Puno ng pag alalang tanong ni Mathius sa Fiance niya.

Halos mawala na sa paningin ko ang fiance daw umano ni Mathius dahil sa mga taong nagsilapitan para echeck kong okay sya.

Ni walang lumapit para alamin kong okay ako, kahit ang asawa ko. Sobrang bigat na ng dibdib ko. Gusto kong isigaw sa harap ni Mathius na ako ang asawa mo, kahit konti mag alala ka sakin.

"Mathius! Mathius! Tara uwi na tayo! Mathius!" Sigaw ko ulit.

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Tara uwi na tayo! Di na man ako galit sayo! Di ko man lang magawang magalit sayo! Kahit kinalimutan mo ang birthday ko, di ako galit sayo. Kahit nagsinungaling ka na nasa business trip ka. Kahit sinabi mong magfafile ka ng annulment di nabawasan kahit konti ang pagmamahal ko para sayo. Kahit sinampal mo ko para ipakitang mas mahal mo sya kesa sakin di ako galit sayo. Kahit di mo man lang itinanong kong okay ako okay lang naiintindihan ko, kasalanan ko rin naman kong bat nasampal ako." Sabi ko habang walang tigil sa pagpatak ang aking luha.

"Sorry!" Ang tanging sabi niya.

"No! Don't be sorry! Wala ka namang kasalan so don't say sorry. Let's just go home. Uwi na tayo, you promised na uuwi kana kaya sabay na tayo" Ang pagmamakaawa ko habang hawak ang kamay niya.

"Sorry!" Sabi niya ulit.

"Kung ano man ang kasalanan mo ay pinapatawad na kita basta uwi na tayo" Sabi ko habang umiiyak.

"YAN! ILABAS MO YANG LALAKING YAN!"

Kinaladkad naman ako ng mga guard kaya nabitawan ko ang kamay ni Mathius.

"Uuwi ako! Promise!" Huling sabi niya bago ako pinalabas ng guard.

Etetext kona sana si Lithium. Pero di natuloy dahil nakasalubong ko sya.

"Oh! anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak?" Ang nag aalala niyang sabi.

"Wala lang toh! Uwi na tayo!" Buti na lang talaga at naintindihan ni Lithium na ayaw ko munang pag usapan ang problema ko at tahimik akong inihatid sa bahay.

"Cge, pasok na ako, ingat ka" Paalam ko naman sa kanya

"Just text me kung kailangan mo ako" Saad naman niya

"Ok bye" Sagot ko

Sana di totoo ang nangyari kanina.

Sana wala ni isa sa mga nangyari ang totoo.

Itutulog ko nalang ito at baka bukas umuwi na ang asawa ko.

**********************************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now