DGH 6

5K 283 7
                                    

Chapter 6

**********************************************

James P.O.V.

Pag gising ko ay wala na si Mathius sa bahay. Ngayon ang 22nd birthday niya kaya para man lang makabawi ako sa nangyari kagabi ay isusurprise ko nalang sya.

Bumili ako nang mga gagamitin ko para sa surprise ko kay Mathius, halos maubos lahat nang ipon ko, bumili ako nang regalo para sa kanya. Pag uwi ay agad kong i-senet-up lahat para sa birthday ni Mathius, nagbake ako nang cake, lahat ng flavor meron, di ko kasi alam ang favorite flavor nya, gumawa rin ako nang banner na may nakasulat na HAPPY BIRTHDAY HUBBY, I LOVE YOU, SORRY DIN SA SINABI KO KAGABI.

Nagluto rin ako nang masasarap na putahi. Nagmukha akong lantang gulay sa lahat nang aking ginawa. At nang sa tingin ko ay okey na lahat ay nag-ayos na ako at baka dumating na ang aking hubby dahil mag gagabi na. Ilang sandali pa ay dumating na ang aking hubby at may kasama syang dalawang lalaki. Pagkabukas palang nya sa pinto ay sumigaw agad ako.

"SURPRISEEEEEEEEE!!!" Sabay wagayway ko sa banner na ginawa ko.

Mathius P.O.V.

"San mo gusto I celebrate birthday mo bro?" Tanong sa akin ni Stanley.

"Sabihin mo lang samin at kami nang bahala sayo" Sigunda naman ni Philip

"Lets just drink don sa bar mo Philip. You both know na ayaw ko talagang icenecelebrate ang birthday ko. Magkita nalang tayo don, may ihahatid pa kasi akong mahahalagang papeles sa bahay." Saad ko sa kanila

"Sasama nalang kami sayo para sabay sabay na tayong tutungo don sa bar" Suhestyon naman ni Philip.

"Wag na, mauna nalang kayo don" Saad ko

Sumakay na sila sa sasakyan kahit di naman ako pumayag.

"Tara na Mathius, para makapunta naman kami sa bahay niyo ng asawa mo. At para makita narin namin ang asawa mo." Saad naman ni Stanley

Pagdating sa bahay ay agad akong bumaba at pumasok nang may biglang sumigaw.

"SURPRISEEEEEEE!!" Sabay wagayway sa dala nitong banner na may nakasulat na HAPPY BIRTHDAY HUBBY, I LOVE YOU, SORRY DIN SA SINABI KO KAGABI, sabay bigay sakin ng regalo.

Nilipat ko ang mata ko sa ibat ibang kulay na mga balloon, ibat ibang flavor ng cake at ibat ibang putahe ng pagkain, at iba pang makikita madalas sa birthday party. May bigla naman akong naalala, isang mapait na alalala, at ang dahilan kung bakit ayaw kong icenecelebrate ang birthday ko.

Biglang kumulo ang dugo ko. Di rin umimik ang mga kasama ko. Hinablot ko kay James ang hawak nyang banner saka pinunit ito.

James P.O.V.

Napansin kong parang di sya masaya sa ginawa ko, pero tudo tudo ngiti parin ako habang hawak hawak ang banner.

Ibinigay ko ang regalo ko sa kanya, lalo akong napangiti nang tignan nya ang mga ginawa ko. Ngunit bigla nyang kinuha ang banner sakin tsaka pinunit.

"ANO NA NAMAN ITO JAMES?"(habang pinipisil ang sintido nya.)

"Alam mo bang ayaw ko mga ganito!" (sabay tanggal ng mga ginawa )

"ALAM MO BANG AYAW KO NG SINUSURPRISE AKO NG GANITO!" (sabay tabig sa mga pagkaing inihanda ko, halos matapon lahat ng cake na ebenake ko).

Dali dali kong pinulot ang mga pagkaing aking pinaghirapang ihanda.

"ALAM MO BANG ITO ANG PINAKA AYAW KO SA BIRTHDAY KO! MASYADO KA KASING PAPANSIN EH! STOP DOING THIS SHIT! SABAY TAPON SA BIGAY KONG REGALO!" Galit nitong sigaw saakin.

Diba siya masaya sa ginawa ko para sa kanya? Yung pinaghirapan ko, ginastos ko na nga ang ipon ko para may ipaghanda lang sa mahalagang araw niya.

Sumikip ang aking dibdib habang pinipilit kong ayusin ang mga sinira ni Mathius, pati ang regalo ko sa kanya di man lang nya binuksan!

Pinilit kong magsalita kahit umiiyak na ako.

"Ano ba kasi ang problema? Gusto ko lang naman isurprise ka ah! ALAM MO BANG BUONG MAGHAPON KONG GINAWA LAHAT NG ITO! TAPOS GANON MO LANG KADALING SIRAIN" Sigaw ko sa kanya habang humagulgul na sa iyak.

"Ayaw nya kasi ng ganito pag birthday nya" Sabi ng kaibigan yata ni Mathius.

"Di mo lang ba magawang e-appreciate yung ginawa ko?" (habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko)

"Alam mo ba? I always dream na may gumawa sakin ng ganito but its impossible kasi Im all alone I dont have a family with me or even a friend, I dont even have you. Di mo naman kailangang sirain ang pinagpawisan kong gawin!" Sigaw ko sa kanya.

"STOP THE SHIT JAMES! AND SORRY KUNG SINIRA KO ANG GINAWA MO!" Paghingi nya ng sorry, na halatang insincere

"Just dont say you're sorry, if you're not. GANYAN KA BA HUMINGI NANG SORRY? IT IS SO insincere. Nagsorry ako sayo dahil sa nangyari kagabi kahit ikaw naman dapat ang mag sorry dahil sa masasakit na salitang sinabi mo." Saad ko sa kanya.

"Tsk!"

Di ko parin magawang tumigil sa pag iyak.

"Pasensya kana ah, di ko kasi alam na ayaw mo pala nang ganito, promise sa susunod di na mauulit ito, di ko na sasayangin ang effort ko para isurprise ka sa birthday mo. Sige linisin ko lang ang kalat na ginawa ko. Sorry ulit sa ginawa ko." Sabi ko habang umiiyak.

Umalis naman sya ng bahay kasama ang dalawang kaibigan nya.

Nilinis ko naman ang mga kalat dito. Ang sakit lang kasi akala ko maaapreciate man lang nya kahit konti. Itinapon ko nalang ang gift ko sa kanya na picture frame na may picture naming dalawa dahil basag narin naman ito. Hanggang kailan kaya ako mag sosorry kahit ako naman yung nasaktan.

*******************************************

I would like to say thank you to @owemjiiiii for making this such beautiful book cover on this story.

Thank you again my friend.

So this is the Chapter 6 guys, hope you like it.

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now