DGH 14

4.4K 219 5
                                    

Chapter 14

*******************************************

James P.O.V.

"Hahahha hahaha! Teka lang muna! Baka masunog 'tong niluluto ko." Pinilit kong wag makiliti habang hinahalikan niya ang leeg ko.

"Wala naman akong ginagawa ah!" Patay malisya niyang sabi.

"Anong wala, minamanyak mo nga ako eh!" Pabiro kong sabi habang hinahampas ko sya.

"Cge na! Umupo ka muna don at baka wala na tayong makain pag nasunog tong niluluto ko." Sabi ko habang hawak ang mukha niya sabay kiss.

"Edi mas mabuti! Para ikaw nalang kakainin ko!" Kinurot ko sya sa tenga.

"Ikaw talaga! Puro ka talaga kalukuhan!" Saad ko naman sa kanya

Binalikan ko na ulit ang niluluto ko habang sya ay mahigpit na nakayakap sa likod ko at talagang wala atang balak na umalis.

"Happy Birthday!" Bigla niyang sabi, medyo nagulat ako kasi di ko inakala na alam niya na birthday ko.

"Thank you!" Teary eye kong sabi.

"Pero bat mo alam?" Taka kong tanong, while I'm hugging him back.

"Nabanggit mo nong nasa Palawan tayo" Sagot naman niya

"Ah, kaya pala akala ko di ka nakikinig sakin nong nagkukwento ako sayo." Tumawa lang sya sa sinabi ko.

"Susunduin kita mamaya, may pupuntahan tayo!" Sabi naman niya

"Saan naman?" Tanong ko

"Basta it's my favorite place, don natin icecelebrate ang birthday mo." Sabi nito habang nakangiti

"Talaga?" Di makapaniwala kong tanong, tumango lang sya.

"Promise yan ah, walang bawian" Ang nakangiti kong saad sa kanya, at dahil sa tuwa ay hinalikan ko ulit sya na nauwi sa alam niyo na! Kaya naman pareho kaming late nakapasok sa trabaho namin.

FAST FORWARD

Yun nga ang nangyari kanina kaya andito ako ngayon sa isang fast food chain kumakain pano ba naman kanina pa ako nag aantay kay Mathius pero di parin niya ako sinusundo. Lumipas ang ilang oras ay wala parin ni anino ni Mathius ang dumating, nakailang text at tawag narin ako pero wala eh kaya I decided to go home.

Malungkot kong pinara ang taxi.

"San po tayo Sir?" Nakangiting tanong ng taxi driver.

"Manong sa Montenegro Village po" Ang nakabusangot kong sagot.

"Naku Sir mukang may problema po kayo ah! Baka gusto niyong ishare."

"Wala lang po ito!" Ang walang gana kong sabi

"Kahit anong tanggi niyo po sir ay iba ang sinasabi ng mukha niyo. Kung ano man po yang problema niyo ishare niyo po para medyo gumaan po ang pakiramdam niyo." Pangungulit ni manong sa kin.

"Wala po talaga akong problema, promise" Sabi ko habang pilit na nilakihan ang aking ngiti para medyo tumigil na si manong.

"Alam niyo sir kung masaya ka tumawa ka, pero pag malungkot ka umiyak ka, di po tama ang ginagawa niyo, niluluko niyo lang po ang sarili niyo, dahil kahit gano kalapad ang ngiti niyo di maipagkakaila ng mata niyo na malungkot kayo."

Masaya nga ba ako? No! Di ako masaya! What if bumalik ang dating Mathius, yung Mathius na di ako pinapansin, yung Mathius na walang pagpapahalaga sakin, pano kong bumalik ulit ang mahal niya? Pano ulit ako? Parang baliw kong sabi sa sarili ko.

I decided to share my problem, tama si manong taxi driver para medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko.

"Kasi po nangako sakin ang asawa ko na susunduin niya po ako ngayon pero di naman po sya dumating, sabi niya po kasi may pupuntahan kami para don namin icecelebrate ang birthday ko tapos di niya pala tutuparin" Pagsusumbong ko kay manong

"Birthday mo pala ngayon Sir!Happy Birthday!" Nakangiti niyang bati sakin.

"Wag ka na kasing malungkot Sir, malay mo baka kaya di sya dumating ay naghahanda sya ng surprise para sayo, baka gusto lang niyang madissapointed ka para talagang masusurprise ka sa gagawin niya"

"Napaka positive niyo naman po manong!"

"Oo nga po, ano baka yun nga ang dahilan, di ko man lang naisip na maaaring i-surprise niya ako. Maraming salamat po sa mga sinabi niyo, medyo gumaan po ang pakirandam ko"

"Naku sir, walang anuman! Nag enjoy naman akong kausap ka. Sa tingin ko ito na ang village mo!"

"Ah oo nga po! Ito po ang bayad, keep the change nalang po."

"Salamat sir!"

"Salamat din po mag ingat po kayo."

At dahil sa sinabi ni manong ay excited kong tinungo ang bahay namin, mas lalo akong naexcite ng madatnan kong nakapatay lahat ng ilaw sa bahay. Tama nga si manong talagang isusurprise ako ng asawa ko.

At nang nakapasok na ako sa bahay ay nag antay ako na bumukas ang ilaw pero lumipas ang mahigit limang minuto ay wala paring nagbubukas ng ilaw, at walang sumigaw ng Surprise!, at dahil sumakit na ang mga mata ko sa kakaantay na may mangyari ay ako na ang kusang nagbukas ng ilaw!

Naghanap ako ng something special sa paligid pero wala man lang kahit ano na ikakasiya ko.

"Mathius! Andito na ako!" Sigaw ko, baka kasi nandito na sya, pero mukhang di pa umuuwi.

Sinubukan kong tawagan sya, nakailang tawag pa ako bago niya sagutin.

"Hello? Who is this?" Mas lalo akong nanlumo ng babae ang sumagot.

"Maaari bang makausap si Mathius?" Pinilit kung kumalma, baka kasi kaya di kami matutuloy ay dahil may kasama sya.

"Oh, wait he's in the cr, tatawagin ko lang" Sambit naman nito, ilang sandali pa ay si Mathius na ang may hawak ng cellphone.

"Hello! Sino toh?" Tanong nito

"Ako to si James! Akala ko ba susunduin mo ako kanina at may pupuntahan tayo?" Tanong ko naman dito

"Shit! Sorry! Nakalimutan ko kasi! Sorry talaga!" Sabi naman nito, sumikip bigla ang dibdib ko, parang gusto ko umiyak, ganon nga siguro ako kawalang halaga sa kanya para kalimutan, di na sana niya ako pinangakuan.

"Aahh ganun ba, mabuti na din at nakalimutan mo kasi medyo pagod rin kasi ako" Pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang excited na excited ako, tapos kinalimutan niya lang pala.

"San ka pala ngayon? At sino pala yung babae kanina?" Tanong ko naman

"Nasa office! At yun wala lang yun" matagal bago sya nakasagot.

"Sige pahinga kana." Sabi naman nito

"Mamaya na! Anong oras kaba uuwi? Hello? Mathius?" Nagtaka ako kung bakit walang sumasagot yun pala ay enend niya pala ang call.

Siguro, busy lang pilit kong inuuto ang sarili ko, ayokong mag isip ng bagay na makakapagpalungkot sakin dahil its my birthday, I'm suppose to be happy today, ayokong isipin na baka bukas ulit paggising ko ay di na naman kami okey. Si manong taxi driver kasi! Ayan tuloy grabe ang expectation ko. Kinalimutan ko na lang na birthday ko at natulog ng maaga!

***************************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now