DGH 11

4.8K 229 2
                                    

Chapter 11

****************************************

Mathius P.O.V.

Nagising ako nang maaga at medyo maganda na ang aking pakiramdam, di umalis saking tabi si James, nakatulog ito sa upuan at nakapatong ang kanyang ulo sa aking higaan. Pinagmasdan ko sya saglit, ngayon ko lang nakita ang mukha niya ng ganito kalapit, he has this angelic face and cute kissable pink lips, with a pointed nose, and a baby-like skin, ngayon ko lang napansin na ang ganda niya pala kahit tulog. I feel so guilty habang pinagmamasdan ko sya, kahit sa kabila nang pagtataboy ko sa kanya kagabi still di sya umalis sa tabi ko para alagaan ako. Maybe its time for me na marealize na bigyan nang chance ang marriage namin, wala naman syang ginawang mali para etreat ko sya ng ganoon. Gumalaw ito at binanggit ang pangalan ko, di naman sya nagising kaya binuhat ko siya para ilipat sa kwarto niya para makatulog nang maayos.

James P.O.V.

"Kumain ka nang marami para medyo tumaba ka!" Sabi ni Mathius habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Kain kana rin!" Nakangiti kong sabi, di ako makapaniwalang pinapansin niya na ako, ginising niya ako at pinagluto nang pagkain.

Sana di ito panaginip.

"Nagpaalam pala si manang Luz sa akin na uuwi na muna sya dahil may emergency sa kanila." Sabi sa akin ni Mathius

"Ah ganun bah, kaya pala di ko na sya nakikita" Sagot ko naman

"Salamat nga pala sa pagkain." Ang nakangiti kong saad sa kanya

"Tssk! Bilisan muna dyan para sabay na tayo." Sabi naman nito na ikinabigla ko

"Sabay tayo? Sigurado ka bang gusto mong sumabay sakin?" Dilat mata kong sabi, di kasi talaga ako makapaniwala.

"Bakit ayaw mo ba?" Sabi naman nito

"Di naman sa ayaw ko, nakakapagpanibago lang kasi halos ipagtabuyan mo nga ako kagabi tapos ngayon isasabay mo pa ako sayo!" saad ko naman sa kanya

"Bilisan mo nalang dyan at baka magbago pa ang isip ko." Sabi naman nito

"Cge! Promise yan ha!" Ang nakangiti kong saad sa kanya

Mabilis pa sa kidlat akong umakyat saking kwarto para maligo. At nang maramdaman ko ang lamig ay don ko na sigurado napagtanto na di talaga panaginip ang nangyayari. Pagbaba ko ay nakahanda na si Mathius.

"Tara na at baka malate ka pa nang dahil sakin" Sabi ko naman sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya, chance ko na to, baka bukas uli ay di na ganito.

Binitawan ko lang sya nang pinapasok na niya ako sa kanyang Mercedez Benz CL65 AMG Couple. At nang napa andar niya na ang sasakyan ay hinawakan ko na ulit ang kamay niya, di na man sya umangal kaya itong si ako ay tuwang tuwa.

"Mathius bat bigla kang naging ganito?" Wala sa sarili kong tanong habang nasa biyahe kami.

Matagal bago sya sumagot.

"I was too busy loving anyone else when I have you saking tabi, di ko alam dahil paggising ko kaninang umaga biglang gusto ko e workout ang marriage natin, biglang gusto kong maging asawa sayo." Sagot naman nito

So may mahal pala syang iba, pero di ko nalang inisip na may ibang babae sa puso niya ang mahalaga ay binigyan niya nang chance ang marriage namin at di ko sasayangin ang chance na ito para mabuo ang pinangarap kong pamilya.

"Thank you! Kahit di mo naman talaga ako mahal still binigyan mo nang chance ang marriage natin." Ang nakangiti kong saad dito

"So mahal mo talaga ako? How come na mahal mo na agad ako samantalang wala naman akong ginawang maganda sayo at halos di nga kita pinapansin!" Sabi naman nito habang ngumingiti.

Pinisil ko ang kamay niya sabay tingin sa daan.

"Ewan ko! Basta isang araw pag gising ko ay mahal na agad kita. I think di mo naman kailangan nang reason para mahalin ang isang tao. According to the story The prince of the ticket, Love does not begin and end the way we seem to think it does." Sabi ko naman sa kanya.

"So you think that love of yours for me will end?" Tanong naman nito

"Ewan ko, pero ang alam ko at this moment ang love na meron ako para sayo ay unrequited. Di ko maimagine na darating ang araw na mawawala ang love ko para sayo. Kahit siguro makita kitang may mahal ng iba, siguro masasaktan ako pero di mawawala ang love na sinasabi ko" Paliwanag ko naman sa kanya

Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng building na pinagtatrabahuan ko.

"Right now I can't say that I love you, but please wait till that moment comes." Sabi nito sa akin

Tumigil sya saglit at tinanggal ang seatbelt ko nang nakatingin sa mga mata ko.

"And help me fall in love with you!" Sabi naman nito ng nakipagtitigan siya sa akin

Di ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko sya. I thought na smack lang ang kiss na yun pero he deepen the kiss that ended for a minute.

"I will" Nakayuko habang nakangiti kong sabi.

Akala ko ay hahalikan na naman ulit ako sa lips, pero I'm wrong dahil sa forehead napunta ang lips niya. But still di mapigilang kilig ang nararamdaman ko.

"Cge, ingat ka sa pagdadrive" Sabay paalam ko sa kanya

"Wait me in the parking lot mamaya" Habilin naman nito sa akin. Nag bye rin sya sa akin ng nakangiti

"OMG susunduin ako nang asawa ko mamaya! What a lucky day!" Sigaw ko dahil sa kagalakan.

After office hours..

Excited kong tinungo ang parking lot.

*Peep*Peep*Peep*

May bumusina sa akin at nang tignan ko ay kay Mathius yung sasakyan. Pumasok ako sa sasakyan niya.

"Akala ko di mo totohanin ang sinabi mo." Bungad ko naman sa kanya

"Dahil sinabi kong susunduin kita, susunduin kita." Sagot naman nito sa akin

"San mo gustong kumain?" Tanong naman nito

"Don tayo sa Jollibee, kung ok lang sayo." Sabi ko habang nagpapacute

"Tsssk! So childish" Bulong naman nito

"Sinong childish, purket sa Jollibee childish agad" Sabi ko sabay pout

"Cge, hindi na!!"

FAST FORWARD

Pauwi na kami nang may nakita akong dagat.

"Mathius, ihinto mo!" Bigla naman syang nagbrake kaya muntik na akong bumangga sa windshield buti nalang at nakaseat belt ako.

"Wag na muna tayong umuwi!" Ang masayang sabi ko sa kanya

"Bakit?" Ang nag alala niyang sabi.

"Punta muna tayo don sa dagat, ayun oh!" Sabi ko naman sabay turo sa dagat

"Akala ko kung ano na!" Sagot naman nito

Ipinarada niya ang sasakyan at sabay kaming bumaba. Naglakad lakad lang kami sa buhangin. At dahil maginaw ay niyakap ko ang braso niya.

"Sana forever nalang tayong ganito, sana di na dumating ang araw na mababaliwa mo ulit ako. Sana di na matapos ang araw nato baka kasi bukas ibang Mathius na naman ang kaharap ko." Sabi ko naman sa kanya

"Sana nga! Sana ikaw nalang din ang minahal ko." Sagot naman nito

Umupo naman kami sa buhangin, he put his hand in my waist and hold my hand, inilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Parang ang close na agad natin kahit isang araw palang ang lumipas no, siguro kung sa simula palang ay ganito na tayo siguro mahal muna ako ngayon." Ang nakangiti kong sabi

"Siguro nga" Sabi nito at niyakap niya ako nang mahigpit.

Pumikit ako para mafeel ang hangin na galing sa dagat, di ko na namalayan na nakatulog pala ako at namalayan ko nalang na nasa sasakyan na ako at mukang pauwi na kami kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pag idlip ko.

*******************************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now