DGH 28

8.5K 449 541
                                    

Chapter 28

******************************

Mathius P.O.V.

"Mathius!" Tawag sa akin ng taong pumasok sa opisina ako at yon ay si James

"Oh James anong ginagawa mo dito!" Ang gulat at galit kong sabi dito

Nakita ko namang lumungkot ang expression nito pero hindi parin ako nagpatinag dahil galit ako ngayon sa kanya.

"Bakit? Masama bang nagpunta ako rito?" Tanong naman nito sa akin

"Look James! Wag mo sanang dagdagan pa ang galit ko sayo! You see hindi na ako naka attend ng meeting kanina dahil itinakbo ko sa hospital si Jade at dahil yon sayo!" Galit kong sabi sa kanya

"Bakit ako? Totoo naman ang sinasabi ko ah na nagpapanggap lang si Jade na may sakit" Sabi naman nito na mas lalong ikinagalit ko

"Ano ba James ayaw mo talagang tantanan si Jade ah! Nakita mo namang nasa hospital na yong tao tapos sasabihin mong nagpapanggap! Ganyan kanaba ka desperado na lahat nalang gagawan mo ng rason para mahalin kita! Paano kita mamahalin kung ang taong mahal ko ay pinapatay mo!" Galit na galit kong sigaw sa kanya

Nakita ko namang umiiyak na ito.

"Naospital din naman ako ah, pero di ka man lang nagpakita at mas nag-alala ka pa sa kay Jade keysa sa akin!" Ang umiiyak nitong sabi, pero hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya baka kasi gumagawa na naman ito ng kwento para kaawaan ko siya

"Cut that crop James! Gumagawa ka na naman ng kwento mo eh para maawa ako sayo!" Galit kong turan dito

"Totoo naman ang sinasabi ko sayo Mathius eh, pero kong ayaw mong maniwala edi wag!" Sagot naman nito

"Tsk! Ano bang kailangan mo at bakit ka naparito!"

"May sasabihin lang ako sayo" Sabi naman nito sa akin

May inabot naman itong isang papel sa akin. Binasa ko lang ito, pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit result ito ng ultrasound. At sa pagkabasa ko naman sa pangalan ng may-ari nito ay hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. Bakit Zhavia James ang nakalagay dito? Eh lalaki naman siya, at doon ko lang naisip na niloloko lang ako nito.

"Ano na naman ito James!" Galit kung tanong sa kanya

"Mathius ano kasi , buntis ako at ikaw ang ama" Ang nakangiti nitong turan sa akin pero hindi ko na nagustuhan ang sinabi nito

"Nagpapatawa kaba James! At gumamit kapa talaga ng props para lukuhin ako!" Galit kong sermon sa kanya

"Mathius totoo ang sinasabi ko please maniwala ka naman"

"Paano ako maniwala sayo James eh mismong resulta ng ultrasound na ito ay sa mga babae lang! Wag ka ngang mangarap na may matris ka!"

"Pero Mathius iyon ang totoo!"

"Eh gago ka pala eh! Ikaw na mismo ang nagbigay sakin ng ideya kong bakit dapat ko nang madaliin ang pagkuha ng annulment nating dalawa!"

"Mathius please nagmamakaawa ako please kahit ngayon naman maniwala ka sa akin"

"James para sabihin ko sayo malabong magkaroon ka nang bata dyan sa sinapupunan mo dahil lalaki ka at oo aaminin kong merong nangyari sa atin pero kahit pagbali-baliktarin pa man natin ang mundo walang mabubuong bata dyan sa tyan mo! Wag kang assuming!"

"Pero Mathius yon ang totoo?"

*PAAAAK*

Hindi ko na napigilan ang galit ko at nasampal ko na ito. Natigilan naman siya dahil sa ginawa ko. Alam kong masakit yun dahil napalakas ko ang pagsampal sa kanya pero bagay lang sa kanya yun dahil upang matauhan naman siya sa pag-eelusyon niya.

"Sana matauhan ka sa pag-iilusyon mo!" Galit na sabi ko dito

"At syaka kung meron mang mabubuo dyan sa sinapupunan mo, baka hindi sa akin yan! Baka sa engkanto!"

Hindi ko na alam kong ano ang mga sinasabi ko basta lumabas lang yung sa bunganga ko.

Hindi ko na nakitang lumabas ito dahil tumalikod na ako at sinabunutan ang aking sarili.

James im really sorry pero mukhang ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para hiwalayan na kita. Hindi ko lang gusto na may bumalakid pa sa amin ni Jade. Handa na akong saktan ka upang maprotektahan ko lang ang babaeng mahal ko.

Nang medyo nagsink-in na sa akin ang nangyaring sagutan namin ng asawa ko kanina ay bumalik na ako sa upuan ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa at dali-daling tinawagan ang personal na abogado ko.

"Yes Mr. Montenegro how may I help you?"

"Atty. Rodriguez kailangan ko na bukas ang annulment paper ko" Deretsong sabi ko dito

"Masusunod Mr. Montenegro" Sabi naman nito

Napatulala nalang ako ng wala sa oras. Una may kong anong bagay na gustong tumutol sa isipan ko pero isinawalang bahala ko na iyon.

Alam kong masasaktan ko lang si James kung ipagpapatuloy pa namin ang ganitong set up, kaya nga mas maigi na ito upang hindi na siya masasaktan ng dahil sa akin.

Handa na akong umalis ng makita ko ang papel na ibinigay sa akin ni James kanina. Kinuha ko nalang ito at ikinumos upang itatapon na sana sa basurahan, pero sa hindi ko alam na kadahilanan ay ipinasok ko nalang ito sa drawer ng lamesa ko.

********************************

Vote And Comment

Happy Reading Guys!

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now