DGH 25

4.9K 238 21
                                    

Chapter 25

************************

James P.O.V.

Nagising ako sa isang silid na puro puti at nakita kong may nakatusok na dextrose sa kamay ko.

"Oh gising kana pala" Pukaw ng isang tinig na narinig ko

"Lithium?" Ang nagtataka kong tanong

"Yes James it's me your boss" Sabi nito at ngumiti ng matamis na halos di na makita ang mata.

"Wait Lithium anong ginagawa ko rito?" Ang nagtataka kong tanong

At yon ikwenento niya sa akin lahat at naalala ko din nong iniwan ako nina Mathius at Jade bago ako natuluyang mawalan ng malay.

Nalungkot naman ako dahil mas pinili ni Mathius ay ang totoong taong minahal niya kaysa sa akin.

"Oh kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong naman nito

"Heto medyo okay na naman" Sagot ko, magsasalita pa sana si Lithium ng may pumasok na doctor

"Dad, gising na si James" Sabi naman ni Lithium

"Mabuti naman at gising kana James" Sabi naman ng doctor

"Ahm" Ang tanging nasabi ko, dahil nagtataka lang ako, bakit tinawag ni Lithium ang doctor na Dad.

"Oh well iho, yes tama ka nang iniisip, anak ko si Lithium" Sabi naman nito at ngumiti ng matamis

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Anak excuse na muna kami ni James may pag-uusapan lang kami" Saad naman ng doctor kay Lithium

"Yes dad" Tugon naman nito

Nang makalabas na si Lithium ay agad na sinabi lahat ng doctor saakin kung ano at bakit daw ako hinimatay. Sa una ayaw ko pang maniwala pero nang ipinakita na niya ang results ng lab test sa akin ay doon na ako napaiyak.

Hindi ko lubos akalain na mabubuntis pala ang isang lalaki. At dahil enixplain naman ng doctor sa akin lahat ay naunawaan at naintindihan ko naman ito.

May mga bagay siyang ipinagbawal sa akin gaya ng wag palaging maging malungkot dahil nakaka-apekto daw ito sa batang dinadala ko.

And yes your right I'm 3 weeks pregnant. Sa una ayaw ko pa sanang tanggapin pero nang lumaon ay tinanggap ko narin ito.

Masaya ako dahil kahit paano ay may nabuo sa amin ni Mathius kahit isang plain sex lang ang nangyari sa amin. Kaya napagpasyahan kong sabihin ito sa kanya dahil siya naman ang ama ng batang dinadala ko.

Nag-dalawang isip naman ako kasi baka hindi maniniwala sa akin si Mathius pagsinabi ko ito sa kanya dahil una pareho kaming lalaki at pangalawa malabong makabuo ang lalaki ng isang sanggol.

Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay kahit sa ganitong paraan lang ay mahalin at pahalagahan niya din ako dahil may obligasyon na siya sa akin. Kahit sa bata nalang.

Pero nawala bigla ang ngiti sa aking mga labi ng may idinagdag sa akin si Doc.

"Sorry to say this to you James, but I think you must need to know this one so that you will be aware on what you have feel, aside kasi sa pagdadalang tao mo ay may nakita din kaming namumuong tumor sa cerebral part ng utak mo. In short you have a brain tumor at ito ay nasa stage 3 na ngayon."

Natahimik nalang ako bigla at di ko namalayang nagsi-unahan nang maglabasan ang aking mga luha.

"Doc, are you sure?" Ang naguguluhan kong tanong, di pa kasi nagsisink-in sa akin ang mga sinasabi niya.

Okay pa yong una dahil nagsink-in na pero itong pangalawa ay mukhang malabo pa dahil feel ko naman na masigla lang ako at wala akong nararamdamang sakit.

"Yes James at kailangan natin ito maagapan sa lalong madaling panahon dahil nakasalalay dito ang batang nasa sinapupunan mo" Sabi naman ni Doc sa akin

At dahil doon ay napahagolgol na ako sa iyak. Okay na sana yong may nabuo dito sa tyan ko pero bakit ganon meron na namang sagabal gaya ng pagmamahal ko kay Mathius.

"Tahan na James nakakasama yan sa dinadala mo at baka yan pa ang lalong makapagpatrigger sa sakit mo" Sabi naman ni doc

Pagkatapos non ay inabot na sakin ni Doc. Leo ang mga resulta ng aking mga lab test.

At isa lang ang tanging nasa isip ko, kailangan itong malaman ni Mathius dahil kahit papano ay asawa niya parin ako. At kailangan din niya itong malaman dahil may obligasyon din siya sa akin.

"Sana matanggap ka ng daddy mo baby ko" Ang tanging nasabi ko habang hinihimas ang tyan ko na may lungkot na ngiti sa aking labi.

***************************


-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن