DGH 23

4.5K 228 18
                                    

Chapter 23

********************************************

James P.O.V.

"I told you I'm not sick, I need to pretend for me to accomplish my plans, to take my revenge. At di pa sapat ang nadadanas niya para pagbayaran ang kasalanan niya sakin. Kailangan niyang pagbayaran ang katangahan niya" Ang naririnig kong sabi ni Jade sa kausap niya sa telepono

Agad na kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Tama talaga ang hinala ko na may binabalak ang babaeng ito. Lumabas ako sa pinagtataguan ko, medyo nagulat siya sa presensya ko.

"So niloloko mo lang pala si Mathius na may sakit ka!" Galit kong sabi

"Ok, bye I'll call you later" Ang sabi niya sa kausap niya sa telepono.

"Pag sinabi ko sayong oo, anong gagawin mo? Isusumbong mo ako kay Mathius? Sa tingin mo maniniwala siya sayo. We both know na sa ating dalawa mas paniniwalaan niya ako" Ang mataray niyang sabi.

"Wala naman akong kasalanan sayo ah. Bat kailangan mong guluhin ang buhay namin." Sabi ko naman

"So wala! Ngayon nagpapanggap kang walang naaalala? Gusto mo ipalala ko sayo!" Ang galit na sabi niya habang papalapit saakin.

"Di ako nagpapanggap kagaya mo dahil wala naman talaga. O baka nababaliw kana at kung sinu sino mo na lang isinisisi ang mga nangyari sa nakaraan mo." Galit kong tugon sa kanya

Bigla naman niyang hinila ang buhok ko.

"So hindi mo naalala, nung bigla kang tumawid sa daan na naging dahilan ng pagkaaksidente namin, at dahil sayo namatay ang fiance ko, (habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko), dahil sayo nawala ang kaisa isang taong minahal ko, at dahil sayo nawala na parang bula ang mga pangarap ko" Galit na sabit nito, at dahil nasasaktan na ako sa ginagawa niya ay lumaban din ako, naramdaman kong medyo di na sya lumalaban kaya ako naman ang sumampal sa kanya.

"Wala kang karapatang isisi sakin ang nangyari sayo, dahil wala akong maalalang ganyang pangyayari sa buhay ko. Kung miserable man ngayon ang naging buhay mo ay kasalanan mo na yun at wag mong isisi sakin" Galit kong sabi  tsaka tinulak ko sya, bigla niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang dibdib tsaka huminga na para bang nauubusan ng hangin.

"Jade! What happen? Ano na naman ba ang ginawa mo James? Are you that desperate para gawin sa kanya to?" Ang galit na sabi ni Mathius, na talaga namang ikinagulat ko.

Kaya pala hinayaan niya akong saktan siya at kaya pala bigla siyang nahihirapang huminga.

"Dapat lang sa kanya yan Mathius. Wag kang maniniwala sa acting ng babaeng yan. Niloloko ka lang niya Mathius, niloloko niya lang tayo" Galit kong tugon

"Mathius! Gusto niya akong gawing sinungaling. Kanina niya pa ako sinasaktan, keso daw niloloko kita" Ang pagpapaawa niya kay Mathius habang umiiyak.

At ito namang si Mathius ay naniwala sa baliw.

"So ngayon binabaliktad mo ang sitwasyon, bat dimo sabihing alam ko na nagpapanggap ka lang, na di totoong may sakit ka, sabihin mo!" Sigaw ko at sinubukan kong sampalin siya pero tinulak ako ni Mathius at sinampal.

Agad na natigilan ako, bigla namang tumulo ang luha ko habang hinahaplos ang pisngi na sinampal ni Mathius, bukod sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya sa akin ay sobrang bigat din ng dibdib ko.

"Kailangan ko bang madaliin ang annulment paper para tumigil ka na?" Galit na sabi niya habang inalalayan si Jade.

"Totoo naman ang sinasabi ko ah. Kahit paulit ulit ko syang sampalin walang mangyayaring masama dahil nagpapanggap lang naman syang may sakit!" Ang galit kong sabi

"Why would I pretend James? Mathius loves me and I love him, so bat ako magsisinungaling?" Sigaw nito sa akin

Napahawak ako sa dingding dahil medyo nahihilo ako.

"Babe! Let's go, hayaan mo na ang baklang yan baka malate kapa sa meeting mo, nag iinarte na naman yan!" Sigaw ni Jade

"Mathius! Teka!" Ang tawag ko sa kanya ng nakapikit dahil parang matutumba na kasi ako.

Napansin kong tumigil siya sa paglalakad.

"Bakit ba James? Ano na naman? May meeting ako kaya bilisan mo" Ang cold niyang sabi sakin.

"Please don't go!" Ang pagmamakaawa ko

"Let's go babe, wag mo na lang yang pansinin" Singit naman ni Jade

"Kasi Mathius nahihilo kasi ako" Ang naghihina kong sabi

"Are you that desperate  para magpanggap na may sakit ka din? Tssk, sinasayang mo oras ko" Galit na sabi nito

Ipinikit ko na lang ang aking mata dahil naiiyak ako sa sinabi niya.

"Ok, fine just leave wag kang maniwala sakin dahil sinungaling ako, dahil lahat ng sinasabi ko sayo ay kasinungalingan lang naman diba, stop wasting your time sa akin. Nasanay na rin naman ako na palagi mong iniiwan, kaya just leave." Ang nanghihina kong sabi dahil mas lalong naramdaman ko ang sakit ng aking ulo.

"Look edi umamin karing sinungaling kah! Tara na nga lang Mathius!" Ang sabi ni Jade.

Idinilat ko ulit ang aking mata at nakita ko pa silang umalis bago nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

******************************

Comment for dedication and suggestion.

Love you all.

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz