DGH 21

4.1K 204 3
                                    

Chapter 21

*******************************************

James P.O.V.

"James! James!" Sigaw ni Jade habang pababa ng hagdan.

Di ako sumagot at hinayaan ko syang kusang lumitaw sa harapan ko.

"Pakilutuan mo nga kami ng breakfast!" Ang walang hiya nyang sabi.

"Bakit? Wala ka bang kamay? Bat ako ang palulutuin mo? Im a husband in this house at di katulong! Kung gusto mong kumain magluto ka para sa sarili mo!" Ang naiinis kong sagot sa kanya

"Mathius told me to ask you to cook a breakfast for us." Sabi naman niya

"Magluluto ako para sa asawa ko hindi para sa malanding babaeng katulad mo" Ang matapang kong sabi saka ko sya tinalikuran.

"Aray!" Sigaw ko

"Ano ba Jade! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakasabunot niya sakin.

"WHAT DID YOU JUST SAID? MALANDI? SINO SA TINGIN MO ANG NILALANDI KO? ANG ASAWA MO!" Galit niyang sabi habang mas hinihigpitan ang pagkakasabunot sakin.

"Sobrang nakakaawa ka James! Pinagtatabuyan ka na nga ay pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa kanya." Sabi naman nito

"Bitawan mo sabi ako!" Sigaw ko ulit

"Pagsinabi ko sayong magluto ka, magluto ka! Wag kang magpanggap na matapang dahil walang taong nagmamahal sayo na handa kang ipagtanggol" Galit na sabi nito sa akin, sasampalin ko na sana sya pero na unahan niya ako.

"Ano ba ang nagawa kong kasalan sayo? Huh? Bat mo ba ginagawa to Jade?"

"Hindi mo alam, o baka nagpapanggap ka lang na di mo naalala. Kung tutuusin di pa sapat ang mga ginawa ko para pagbayaran mo ang naging kasalan mo sa akin." Sabi naman nito

"Nababaliw kana ba? Anong pinagsasabi mo!" Galit kong saad sa kanya

"Babe!" Sigaw ni Mathius

"Teka lang babe!" Sagot naman ni Jade.

"Tandaan mo ito James, I'll make sure na pagbabayaran mo ang naging kasalanan mo sakin" Sabi niya syaka sya umakyat sa taas.

Pilit kong inalala ang mga pangyayari noon pero wala talaga akong maalala.

At gaya ng ipinag utos ni Jade ay nagluto ako ng breakfast, di para sa kanilang dalawa kundi para kay Mathius lang.

Kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto ni Mathius pero bukas ito kaya pumasok ako. May kung anong bagay na humihila sakin papasok.

Naabutan ko silang parehong nakahubad and they're making out sa couch. Wala akong ibang magawa kundi hayaang tumulo ang mga luha ko habang paulit paulit na sinasabihin ni Mathius si Jade ng I love you.

Sobrang sakit, oo naririnig ko sila gabi gabi, pero sobrang sakit pala talaga pag actual mo itong nakikita. Sa halip na lumabas ako ay di ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinanood ko sila.

Habang pinagmamasdan ko sila ay narealize ko na di pala making love ang mga nangyari sa amin ni Mathius kundi isang plain sex lamang. Di ako umalis, at hinayaan kong masaktan ang sarili ko, hinayaan kong paulit ulit na saktan ang sarili ko, gusto ko nang magising sa katotohanan, gusto kong makita sila at masaktan, gusto ko nang maging manhid sa sakit.

Sa mga pagkakataong nagsesex kami ni Mathius ay ni minsan di niya sinambit ang salitang I love you. Ni minsan di ko naramdaman na minahal niya ako, pero bakit ganoon mahal ko parin siya, di ko parin magawang umalis at sumuko.

At nang magkakatitigan kami ni Mathius ay lumabas na ako sa kanyang kwarto.

**********************************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now