DGH 2

8.3K 362 42
                                    

Chapter 2

**************************


James P.O.V.



Pagkatapos ng aming encounter ay nagligpit na ako ng aking pinagkainan para sana matulog na. Dumiretso ako sa banyo ng aking kwarto para maligo. Magbibihis na sana ako pero wala naman pala akong dalang damit kaya lumabas ako ng banyo ng di pa nagbibihis.

Tapos ko nang suotin ang underwear ko ng may biglang nagbukas ng pinto at pumasok ang aking husband. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at di makapagsalita.

"Dito na muna ko matutulog sa kwarto mo kasi maalikabok ang guest room" Sabi nya habang naglalakad palapit sakin habang nakatingin saking katawan.

Naku ano kaya ang gagawin nya? Bat sya lumalapit sakin! Baka rapen nya ko. NO!! I'm still a virgin.

Nasabi ko sa isip ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Kaya pumikit na ako.

Ayan na! Hahalikan nya na ako, tapos huhubaran tapos rerepin nya na ako.

"NO! Please dont rape me!" Sa wakas nakapagsalita na rin ako.

Naramdaman ko naman ang hininga nya sa tainga ko.

"Wag kang mag alala di naman ako pumapatol sa mga bakla, at syaka di kagandahan yang katawan mo, kaya di kita pagnanasaan" Bulong nya sa akin

Natauhan naman ako bigla sa hiya.

Ang sexy ko kaya! Pero nasaktan talaga ako sa sinabi niyang di siya pumapatol sa mga bakla. Pero bakit siya pumayag na ipakasal siya sa akin kung sa gayon di siya pumapatol sa mga bakla? Ang assuming ko talaga.

Dali-dali kong pinulot ang mga damit na susuotin ko at tinapos ang pagbibihis sa banyo.

Naabutan ko syang naghuhubad ng damit sa kama ko. Woah ang hot pala nya pag walang damit. Napatulala nalang ako dahil sa aking nakita.

"Oh bakit ka nakatulala dyan?" Biglang pukaw nito sa pansin ko.

"Ahm ano, ahh don nalang ako sa sofa matutulog" Ang natataranta kong sabi. Saka ako kumuha ng unan.

Di man lang sya nakonsensya, ang liit paman din ng sofa, siguradong mahuhulog lang ako sa sahig nito kasi napakalikot ko kasing matulog.

Mathius P.O.V.

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog at nang tignan ko ay si James lang pala, nahulog sa sofa.

Bumangon sya at natulog uli sa sofa. Kaya hinayaan ko lang sya doon sa sofa at natulog ulit ako. Ilang sandali pa ay nagising nanaman ako dahil sa kanya. Bumangon na ako at pinuntahan siya at kinuha mula sa sahig at inilagay sya sa kama nya dahil di ako makakatulog pag paulit ulit syang mahuhulog sa sofa.

Lilipat na sana ako sa sofa nang yakapin niya ako at inamoy amoy yung kilikili ko.

"Tsk weird gay."

Kung sa tingin nyo ay may galit ako sa mga bakla, pwes nagkakamali po kayo, hindi po ako galit sa mga bakla sadyang ayoko lang talaga na nilalait sila. Ewan ko sa sarili ko basta open akong tao. Kaya hinayaan ko nalang ito at natulog uli.

James P.O.V.

Nagising ako sa pagkakahulog ko sa sofa nang buhatin ako ng asawa ko at inilagay sa kama.

Ang bait nya naman pala, kaya nung nafefeel kong lilipat sya sa sofa ay niyakap ko sya para di makaalis, ang hirap kaya matulog sa maliit na sofang yun. Concern husband here.

Kinabukasan, nagising ako ng may ngiti sa labi. Ang sarap pala matulog ng may katabi, may kayakap at may asawang kasing hot nya. Ayaw ko pa sanang umalis sa tabi nya pero kailangan kong magluto dahil dadalaw ngayon si lolo.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ko para maligo.

Naabutan ko syang nakatapis lang ng tuwalya at kitang kita ang mala demi-god nyang katawan, dumako ang mata ko sa malaking bukol sa gitna ng legs nya. OMG ang manyak ko na ata. Bat biglang nag init ang kwarto ko. Papalapit na naman sya sa akin. Grabe ang lakas ng heart beat ko. Kaya nang hawakan nya ang braso ko ay mabilis pa sa kidlat akong tumakbo sa cr, para akong nakuryente na ewan di ko maexplain.

Woah! Nakakahiya, nakita nya akong nakatitig sa ANO nya. OK move on.

Pagbaba ko ay nandon na si lolo.

Umupo ako sa tabi ng asawa ko at laking gulat ko nang ikiss nya ko sa cheeks at may paakbay akbay effect pa. Kinumusta lang kami ni lolo at tudo invent naman kami nang sweet moments namin. At may inabot sya sa aming ticket na trip to palawan.

"Magbakasyon kayo don ng isang linggo para mas makilala nyo ang isat isa.Wag na kayong magpanggap na masayang mag asawa dahil halata namang di nyo pa kilala ang isat isa." Saad ni lolo sa amin.

Napabitaw naman kami sa kamay ng isat isa.


*************************

How was the Chapter 2 guys!

Vote and Comment🙏

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt