DGH 31

4.8K 317 137
                                    



Chapter 31

Lithium P.O.V.

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa guest room nitong condo ko, kung saan natutulog si James. Pero pagpasok ko sa kanyang kwarto ay wala na ito doon. Maayos ng nakatupi ang kumot at ang mga unan sa kama.

Hindi naman ako nagdalawang isip, at mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko dito sa loob ng kwarto ko. Alam kung umuwi na ito pero parang may mali, kaya agad akong bumaba at nagtungo sa parking lot kung saan ang kotse ko.

Hindi ko alam pero feeling ko ay parang may mali. Kinakabahan ako para kay James. Simula nong tumawag sa akin si dad kagabi na kailangan ko daw bantayan ng mabuti si James dahil anytime soon ay pwede itong mamatay dahil sa sakit nito. Nag-alala lang talaga ako sa kalagayan nya ngayon lalong lalo na may dinadala pa siya.

Habang nasa byahe, sa di kalayuan ay may nakita akong isang binatang lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada. Napaluhod naman ito at sumigaw. Nang medyo malapit na ako sa kinaruruonan nito ay doon ko napagtantong si James pala ito.

Agad ko namang itinabi ang sasakyan ko sa may gilid ng kalsada at patakbong pinuntahan ito.

"James! Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Punong pag-alala kong tanong sa kanya. Inalalayan ko naman itong tumayo.

"Ang sakit! Ang sakit sakit!" Sigaw naman nito sabay pokpok sa dibdib niya.

Kinuha ko naman ang mga kamay nito at niyakap ito. Hindi naman ito pumalag, pero napapansin kong nanginginig ang buo nitong katawan. Kaya mas hinigpitan ko naman naman ang yakap ko sa kanya.

"James please tahan na, hindi ito maganda sa kalusugan mo lalong lalo na sa pinagbubuntis mo" Sabi ko naman sa kanya

"Lithium, pangit ba ako? Masama ba akong asawa?" Tanong naman nito sa akin habang umiiyak

"Hindi, bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya

"Pero bakit! Bakit hindi ako yung pinili! Bakit ako nalang ang palaging talo!"

"Shhhh, James listen okay. Hindi kasi sa lahat ng panahon ay ikaw at ikaw ang pipiliin, kasi hindi naman natin hawak ang puso ng ibang tao. Sabi nga nila hindi natin kayang diktahan ang puso natin kung kanino at sino ang dapat nitong mahalin. Kusang titibok ang puso natin ng di natin nalalaman at inaasahan minsan sa maling tao at minsan sa taong mahal natin"

"Dahil minsan ang pag-ibig ay parang isang laro lang yan. May nananalo at may natatalo. Pero sa case mo kasi ngayon ay parang ikaw lang ang naghahabol ng pagmamahal sa asawa mo, where in kabaliktaran naman ang sa kanya dahil wala siyang pagmamahal sayo dahil may mahal na itong iba"

"Sorry to say this to you James, but you need to accept na hindi talaga ikaw ang mahal niya. Wag kang desperado sa kanya dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya at hindi ikaw ang hinahanap-hanap niya. Hindi mo naman kayang diktahan ang puso ng asawa mo na ikaw ang mahalin nito diba"

"Wag kang magpalimos ng pagmamahal sa asawa mo James dahil  hindi siya worth it sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Marami pang iba dyan James na kaya kang mahalin at kayang suklian ang pagmamahal mo. Malay mo nandito lang sa paligid mo. O baka itong kayakap mo ngayon" Ang madamdamin kung saad sa kanya pero hininaan ko na yung panghuli kung sinabi.

Inangat naman nito ang kanyang ulo at tumingin ito sa akin. Pinunasan ko naman ang mga luha nito gamit ang dalawa kong hinlalaki.

"Salamat talaga ng marami Lithium dahil andyan ka palagi sa akin sa tuwing wala akong makaka-usap at lalong lalo na sa tuwing may problema ako"

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now