DGH 30

3.9K 265 65
                                    







Chapter 30

James P.O.V.

Maaga akong nagising at hindi ko na ginising si Lithium. Bumaba na ako dito sa condominium niya at agad agad akong pumara ng taxi para umuwi na sa bahay namin. Alam kung marami na akong atraso kay Lithium, pero kailangan ko pa din pagsilbihan ang asawa ko. Nag-iwan naman ako ng note doon sa may ref niya, na babalik na ako sa amin.

Nandito ako ngayon sa loob ng taxi habang hawak-hawak ko ang aking medical certificate na may brain tumor ako. Hindi ko alam pero nanginginig ang kamay ko. Nagtatalo din ang aking isipan kung sasabihin ko pa ba to kay Mathius o hindi. Pero kailangan din naman niya itong malaman dahil asawa ko siya.

Makalipas ng ilang minuto ay narating na namin ang bahay at agad naman akong nagbayad at dali-daling pumasok sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad ko namang nakita si Mathius na papababa ng hagdan.

"Oh buti at umuwi ka pa? Akala ko doon kana titira sa mga lalaki mo!" Galit na bati nito sa akin

"Wala man lang bang good morning dyan?" Tabla ko sa kanya

"Good morning your face faggot!" Galit nitong sabi sa akin

Napayuko nalang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Ahm, ano pala, may sasabihin pala ako sayo" Ang nanginginig kong sabi sa kanya

"Ano! Yon bang ipinagbubuntis mong tyanak diyan sa sinapupunan mo?" Ang nakangisi nitong sabi sa akin

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nagsibagsakan na ito.

"Hindi naman yon ang sasabihin ko sayo" Ang humihikbi kong sabi sa kanya

"Oh ano ha!"

"Alam ko naman na di mo tanggap ito, pero wag mo naman sana ganyanin ang magiging anak ko"

"Your dreaming again James! At gusto mo talagang maniwala ako na buntis ka?"

"No.."

"Then stop acting that your pregnant! Dahil kahit ilan pang mga lalaki ang kakantot sayo at ipuputok nila ang mga libido nila diyan sa pwet mo, hinding hindi ka mabubuntis!"

"Kahit ngayon lang Mathius please" Ang umiiyak kung pagmamakaawa sa kanya

"Oh ano palang sasabihin mo?"

Inabot ko naman sa kanya ang medical certificate ko na naglalaman na may stage 3 brain tumor ako. Binasa niya naman ito. Pero tulad ng dati ay napukunot din ang mga noo nito.

"Ano na namang pakuli to James!" Galit nitong sigaw sa akin

"Sabi kasi sa akin ng doctor na may brain tu..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumawa ito ng malakas, pero naging seryoso din naman ito ulit at mas lalong nagalit.

"Another props na naman ba to James!" Galit na nanlilinsik nitong sabi sa akin

"No Mathius pleas.."

"What the fuck James! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo! Ganyan kanaba ka desperado para gumawa ng mga piking ito para maniwala ako sayo at para mahalin ka! Huh!"

"Hindi naman kasi ako...."

"Din ano ito! Fake? Gumawa kapa talaga ng mga piking medical certificate para utuin na naman ako! Nong una si Jade ang ginawan mo nang kasinungalingan na sabi mo nagpapanggap lang na may sakit. Tapos ngayon ito! Ano ba James!"

"Please listen to me first Mathi...."

"Pwes! I dont need your fucking reason! Dahil kahit anong gawin mong pagmamakaawa at pag gawa gawa mo nang puro kasinungalingang litsing mga yan hindi mo parin mababago ang pagtingin ko sayo! At lalong hindi ko kayang mahalin ang isang tulad mo!"

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now