DGH 4

5.5K 285 10
                                    

Chapter 4

******************************************

James P.O.V.


Pagkatapos nong pangyayari sa Palawan ay nag iba bigla si Mathius. Hindi na kami halos nag uusap, nag kakausap lang kami pagkinukulit ko sya, kahit ramdam kong ayaw nya sa akin, di ko na lang pinansin, basta ang mahalaga ay mapansin nya ako.

Gumising ako nang maaga para magluto ng breakfast para sa aming dalawa.

Kahit medyo masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong magluto para sa asawa ko.

Medyo marami ang niluto ko dahil first time kong magluto para sa kanya. Pababa na sya kaya inayos ko na ang hapag kainan. Di ko maiwasang mapangiti habang tinitignan si Mathius, suot ang kanyang business attire, at nang mapansin kong di pa maayos ang necktie nya agad akong lumapit sa kanya at inayos ang kanyang necktie, di ko paman natatapos ay tinabig nya ang kamay ko, na pa aray naman ako dahil natamaan nya ang paso na nakuha ko sa pagluluto.

Tinignan nya naman ako, akala ko ay nag alala sya sa akin pero mali pala ako.

"Ba't ang dami mong niluto? Mauubos mo ba lahat yan!?" Sabi nya na medyo naiirita ang mukha.

"First time ko kasing ipagluto ka kaya gusto kong matikman mo lahat ng luto ko" Sabi ko habang nakangiti

"Upo kana kukuha mo na ako ng tubig." Saad ko naman dito

Pagbalik ko dala ang tubig ay paalis na sya.

"Uhm.! Mathius! Aalis kana ba? Di ka pa kumakain ah! Di mo man lang ba titikman ang niluto kong pagkain?" Tawag ko sa kanya

"Busog ako ,doon nalang ako sa labas kakain pag nagutom ako!" Cold nyang sabi

"Gusto mo bang ipagbalot na lang kita? Sayang naman to baka mapanis lang pag di na ubos." Sigunda ko naman

"Wag na! Kung di mo maubos itapon mo na lang o di kayay ipakain mo sa aso!" Cold na sabi nito sa akin.

Medyo nasaktan ako kasi kahit masama ang pakiramdam ko ay ipinagluto ko sya, pero di ko nalang pinahalata.

"Kumain ka kahit konti ,masarap ito. Kung ayaw mong dalhin ihahatid ko nalang sa office mo" sabi ko naman dito.

"WAG NA SABI DIBA!" Pasigaw nyang sabi, tsaka kinuha ang bag nya at umalis.

Pag alis ni Mathius ay muling nabalot ang bahay nang lungkot, lungkot na aking nararamdaman sa tuwing naaalala kong ako nalang mag isa. Siguro wala lang sya sa mood kaya ganon sya kanina. Akala ko ay may makakasama na akong kumain, sawa na kasi akong kumain mag isa, kahit gaano kasarap ang pagkain ay di mo ito maaapreciate pag mag isa ka lang kumakain nito.

Di ko maiwasang mapaluha habang nililigpit ang mga pagkain. Konti lang ang nakain ko kasi nawalan na ako ng ganang kumain. Sayang naman ito, sinarapan ko pa man din ang pagluluto. Baka bukas kakain nya sya, sasarapan ko na lang uli ang pagluluto.

**********************************************

VOTE and COMMENT

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now