DGH 33

7.5K 443 329
                                    




********************************

Chapter 33

Lithium P.O.V.

Mabilis pa sa alas kwatro kung pinatakbo ang sasakyan ko patungo sa bahay ng asawa ni James. Dahil gusto kung turuan I mean gusto kung patayin ang demonyong asawa nito. Halos ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay ng kanyang asawa. Kaya agad naman akong bumaba sa kotse ko at pumasok agad sa kanilang bahay.

Nagdilim naman ako sa galit ng makita ko itong nakangiti habang pababa ito sa kanilang hagdan.

"At may gana kapa talagang ngumiti gago ka!" Ang galit kung sabi sa aking sarili.

Hindi naman ako nito napansin kung kaya't agad ko itong pinaulanan ng suntok.

"Gago ka! Napakademonyo mo hayop ka!" Galit kung sigaw dito habang patuloy na pinagsusuntok ito

"Sana ikaw nalang ang namatay! Hayop ka!"

Napatumba naman ito dahil sa mga iginawad kong suntok. Kung kaya't agad ko naman itong dinaganan at walang tigil na pinagsusuntok ito.

"Napakakapal mo gago ka! Ang kapal ng mukha mo!"

"Napakagago mo! Demonyo ka!"

Nakita ko namang dumudugo na ang labi nito pero hindi ko ito pinansin dahil galit na galit ako ngayon. Rumihestro naman sa mukha nito ang galit, pero hindi niya mapapantayan ang galit ko ngayon.

Nanginginig ako sa galit ngayon. Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatay ng tao ay baka tapusin ko na ang isang to ngayon!

Agad namang nakapagflex ang gago at nahawakan ang kamay ko na susuntok sana sa kanya. Gumulong naman ito at nakabaliktad na ang pwesto namin ngayon. Ako na ngayon ang nakahiga sa sahig habang siya ngayon ang nakadagan sa akin.

Aamba na sana akong susuntukin nito pero agad din akong nakapagflex. Hindi pa dumadapo ang kamao niya sa mukha ko ng mabilis ko itong sinipa gamit ang isang paa ko. Tumalsik naman ito sa kabilang side malapit sa may sala. Tumayo naman ako at galit na galit na tinignan ito.

"Hoy gago bakit kaba biglang nanununtok! Baliw kaba ha!" Galit na sigaw nito sa akin habang namimilipit sa sakit

"Hoy ka din! Wag mo akong sabihan ng gago dahil mas gago kapa sa akin!" Sigaw ko naman sa kanya

"Sino kaba ha! At bakit ka nakapasok sa pamamahay ko! Alam mo bang trespassing yang ginagawa mo!"

Ngumisi naman ako sa kanya habang siya naman ay namimilit sa sakit. Kahit nahihirapan ay sinugod naman ako nito, pero hindi pa ito nakalapit sa akin ay binigyan ko naman ito ng isang malakas na sipa na tumama sa bandang tyan niya.

"Oh ano? Masakit ba?" Ang nakangisi kong pang-aasar sa kanya

"Putang ina mo!" Galit nitong sigaw sa akin habang hawak-hawak nito ang kanyang tyan

"Mas putang ina ka! Alam mo kulang pa lahat yan sa mga kagagohan na ginawa mo kay James!" Galit na sigaw ko sa kanya

Nabigla naman ito ng bangitin ko ang pangalan ni James.  Pero agad din nag-iba ang timpla ng mukha nito.

"Ah si James? Wala naman akong ginawa sa baklang yon ah!" Ang nakakunot noo nitong sabi sa akin

"At nagmalinis pa ang gago!" Sigaw ko sa aking isipan

At dahil sa narinig ko ay nagdilim naman ako sa galit kaya agad ko itong sinugod at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kwelyo.

"Napakagago mo! Hayop ka! Wala kang puso!" Ang nanginginig kung galit na sigaw sa pagmumukha niya

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now